Chapter 14. Fatal Attraction

124 8 5
                                    

"AAAARRRHHH!"

Nakakatulig ang sigaw ng dambuhalang gagambang nag-camouflage bilang lupang burol, nanlilisik ang mala-marmol nyang mga mata at nagngingitngit ang matutulis nyang ngiping gawa sa bato. Kapansin pansin din ang makulay na sapot na lalawit lawit sa bunganga nito.

Idinamba nya ang mala-trosong mga galamay at nagsimulang yumanig ang paligid. Unti unting nabura ang makulay at buhay na buhay na imahe ng kagubatan. Nagsimula nang magpakita ang tunay na itsura nito.

Isang madilim at nakakapanghilakbot na sementeryo. Kasuklam suklam ang singaw ng paligid, kawangis ng alimuom at nabubulok na karne. Nagkalat din ang mga kalansay na nababalot ng sapot, ang ilan pa'y nakasabit sa mga nagtataasang sanga. Hindi kakikitaan ni isang buhay na puno, damo o halaman.

At napansin ko na din ang tunay na anyo ng mga naggagandahang diwata; mga nabubulok na bangkay na umaapaw sa maliliit na gagamba, gumagapang, labas masok sa mga uka-ukang butas ng kanilang infested host. Para silang mga zombie na kinokontrol ng nakakapangilabot na peste.

Dahan dahan silang papalapit sa akin, ramdam ko ang masamang intensyon mula sa kanilang nabubulok na laman loob; nagbabadya ng paghihiganti sa balak kong paglisan. Hindi pa man ako nakakakibo sa bilis ng mga pangyayari ay in sync na naman silang umawit. But this time, dark and brooding na ang tunog nito-

"Ginoo! Ginoo! Hindi ka makakaalis ng buhay dito!"Nakakapangilabot nilang panggigigil, kinakaladkad ang kani-kanilang spider swarmed, rotten bodies papunta sa aking kinatatayuan. Akala mo isang malaking production number ng Thriller. With Spiders.


This is madness. Ang aking supposedly paradise ay naging rancid, arachnophobic nightmare. I need to get out of here. But I still need to fulfill my mission. Kailangan kong mahagilap ang Pisi ng Kasarinlan. At kahit badtrip na sa akin ang mga nandito ay kailangan ko pa ding makuha ito, kinapalan ko ang aking mukha at humiyaw-

"Aranea! A promise is a promise! Nasaan ang Pisi?!" Mukhang totoo nga ang sinabi ni Lagim. She can NEVER be trusted. Mula sa walang hanggang pagsasabukas nya sa pagsabi sa akin ng location ng pinoprotektahan nyang parte ng Sandata hanggang sa passion filled hallucinations ko sa aking ex girlfriend salamat sa kanyang psychedelic white fruit. It's all part of her plan. To make me stay here. Forever.

Pero hindi pa din sya kumikibo. Hindi ko pa din alam kung nasaan sya. Kasama ko lang ang kanyang horde of spiderlings at ang kanyang higanteng, earthy spider pet; slowly approaching as if I'm their prey.

Mukhang hindi na nila ako tutulungan, kaya I tried concentrating and used my Intergalactic Shades, scanning the area telepathically.

Ngunit bago pa ako magkaroon ng run down ng paligid ay nagwala na ang dambuhalang gagamba, dinamba damba ang naglalakihang kahoy nyang galamay at nagsimulang yumanig ang paligid. Nagsimula nang magbitak bitak ang sahig at isa isa na ding nagsilabasan ang sandamakmak pang bangkay at daan daan pang gagamba.

Umalulong silang muli at lalong bumilis ang pagkaladkad ng nabubulok nilang mga katawan; but this time it's louder, creepier at mas intense. ♪"Ginoo! Ginoo! Hindi ka makakaalis ng buhay dito!"♫

Sinubukan kong maghanap ng mapupuntahan but I'm trapped. Palapit na ng palapit ang maangong mga zombie, pinaukutan nila ako ng walang pag-aalinlangan.

I guess I have no choice. I need to fend them off and do what I came here to do. But I must do it as fast as I can.

Iwinasiwas ko ang aking mga kamao and pulverized these ghouls. Bawat katawang nakaharang sa aking dinadaanan ay nakatikim ng solid knock out punch to their slimy jaws.

But it just made matters worse.

Bawat cranium na sumasabog ay nagkakalat ang dose-dosenang gagambits na nag-iinfest pa sa ilang nakatenggang katawan. Salamat sa aking impulsiveness ay pinalaki ko lang ang aking problema. Now I need to deal with more corpses. More spiderlings.

Spiders.


I'm starting to realize who Aranea is. But I still haven't found a way to beat her.

Kaya't inipon ko ang aking Pwersa at nilundagan ang kuyog ng mga bangkay. Nagmamadaling sumugod papunta sa kanilang "Mother."

Habang nasa ere ay inasinta ko ang isa sa kanyang mga mata, handang basagin gamit ang aking kanang kamao.

*SKREEEEEEE!*

Pero bago pa ako makalapit ay sinakal nya ako gamit ang makulay na sapot na nakadikit sa kanyang bunganga, mahigpit na nakapulupot sa aking leeg. At bago pa ako makakibo ay sinundan nya pa ng pagdura ng puting sapot. Malagkit. Hindi kaaya-aya at nakakapaghina. Agad nya akong pinalibutan nito mula sa aking mga bisig at binti. Ang ilang galamay nya ay iginapos sa aking katawan para lalong hindi makapalag.

♪"Ginoo! Ginoo! Hindi ka makakaalis ng buhay dito!"♫ Nakakatulig na naman ang orchestra ng kanyang mga alagad. Maligayang nanonood sa pagbilot sa akin ng kanilang dambuhalang ina.

Ikinalat nya ang puting sapot sa kanyang ibang galamay at mabilis na binalutan ang aking katawan. I can see the viciousness in her eyes. And I know she still wants me to suffer, she don't want me to die that easy.

Pero pumunta ako dito for a reason. I came here to fulfill my responsibility. Nandito ako para kunin ang Pisi ng Kasarinlan at buuin ang Sandata ng Pag-Iral. And I won't let this giant spider suffocate me to death.

I dug deeper. Nanindigan ako sa aking kaloob-looban at humugot ng Pwersa. I can feel the Awesome powers running through my veins. And before I can even realize it ay-

*BRAAAAK!*


Nakawala ako sa kanyang mga sapot at pumiglas sa kanyang pagkakahawak. Nagsitalsikan ang mga confetti ng napatid na sapot, lumipad at sumabog kung saan saan. Ngunit mahigpit pa din ang pagkakapulupot ng makulay at kakaibang sapot. Para bang parte ito ng kanyang katawan. Mahiwaga at puno ng misteryo.

Kahit anong piglas o hambalos ko dito'y hindi pa din ito natitinag. This thing is freaking INDESTRUCTIBLE!

Indestrucible... Hindi napapatid o napuputol...


What I've been seeking for is right in front of my eyes all along. Ang Mythos ng Lupa na si Aranea. Ang Pisi ng Kasarinlan na kanyang pinapangalagaan. Now I need to make a move, bago pa ako malagutan ng hininga.

Matapos ng mahabang panahon ay mukhang kakailanganin kong gamitin ang pinakasagradong atake na nalalaman lamang ng mga Siga.

Inipon kong muli ang aking Pwersa patungo sa kanan kong kamay at ninamnam ang pagliwanag ng aking katawan. Napa-levitate ako sa aking kinatatayuan at buong lakas na inatake ang naglalaway na bunganga ng dambuhalang gagamba-

"PEKTUS SA NGALA-NGALA!"


Nayanig ang buo nyang katawan at nagkikisay. Kitang kita ko ang pagkimbot ng kanyang mga mata at pagbagsak ng kanyang mga naglalakihang galamay. Wala na syang nagawa pa kundi tumumba sa kanyang pwesto at manigas sa aking harapan.

Hindi ko na nararamdaman ang higpit ng Pisi sa aking leeg. Hinanap ko na lang kung saan ito nakakonekta at hinila ito ng mabilis, malinis namang napasakin ang ipinunta ko rito.


"One down. Four to go." Hirit ko sa aking sarili bago itago ang Pisi ng Kasarinlad sa loob ng aking leather jacket. At nagmamadaling kumaripas palabas ng kagubatang ito.

Siga ng Universe 2: The Cosmic ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon