Chapter 10. In Flight Factoids

150 12 13
                                    

"Sir A!"

"Drinks? Snacks?" Tanong sa akin ni Lagim nang payapa na kaming lumulutang sa himpapawid.

Sosyal pala itong Ulap Airlines, mayroon pang complimentary in flight treats.

"Hmm. What do you have?" I politely asked him. Gusto ko kasi sulitin ang magical travel experience kong ito.

"Ano bang gusto mo? You name it I got it!" Confident nyang sagot habang swabe lang ang pagpagaspas ng kanyang mga bagwis.

"I'll just have some soda."

"Anong klase?" Dumungaw sya sa loob ng sinasakyan kong ulap, akala mo'y my ref sa loob nito.

"Hmmm. Walang soda." Seryosong hirit nito.

"So what do you have then?" Hirit ko sarcastically. I still don't get this guy. Hindi ko sigurado kung he's intentionally pissing me off or he's just clinically insane.

"Mayroon ditong... Rain water and Fruit Juice." He grinned devilishly. Para bang may pinaplano syang masama.

"I'd just have some fruit juice then."

Nagmamadali syang kumuha ng dalawang basong mayroong pulang likido at agad na inabot sa akin ang isa.

"O! Cheers!" Lalong lumawak ang ngiti nyang abot tenga. Nakakapanghalina ang mga mata nyang sinasabi sa akin na sabayan ko sya sa pagtungga ng hawak kong "fruit juice."

Pero nang ilapit ko ang baso sa aking mukha ay nalanghap ko na ang kakaibang alingasaw nito. Maikukumpara ko ang amoy sa bakal; rustic and earthy at the same time.

Tinitigan ko sya. Fiercely. And asked him straight up-

'"What is this?"

"Huwag ka na matanong! Inumin mo na lang!" Panghihikayat nya sa akin. Pinatunayan nya pang safe ito inumin at uminom sya ng bahagya dito.

But I still hesitated. Pinag iisipang mabuti kung iinom ba ako or what.

"Sige na! Inom na! Parang di ka Siga ah?!"

At dahil sa sinabi nya, I just snapped.

Para bang binuyo nya ako't ginising ang aking diwa. He just triggered the kill switch towards my massive ego.

Kaya nang walang pagdadalawang isip ay inilapit ko ang baso sa aking bibig at dahan dahang nilasap ang pulang likido.

Pero nang dumikit ang malabnaw na "fruit juice" sa aking dila ay hindi ko nasikmura ang lasa. I'm certain of what it is. Kaya't dinura ko ito agad at ibinaling ang atensyon kay Lagim.

"What the heck?! Is this blood?!"

"Human Juice! Sariwa mula sa tao. Hahaha." Tumawa lang sya. Hysterically. Aliw na aliw ang hudas sa kahayupan nyang ginawa.

Nang mapangal na sya sa kakatawa ay nilihis nya na ang aming pinag uusapan.

"Ahaha! Alam mo, You remind me of the last Siga Lord na bumisita dito. Pareho kayong... Hmmm... How can I desecibe it?"

"Hard headed. Hahaha."Nakakalokong hirit nya pa.

Hindi na lang ako kumibo. I still let this one slip. Kaya't pinabayaan ko na lang syang magdadakdak.

"That was like... 60 Years ago. Years after your petty race battled each other like nut jobs. Hahaha."

"Pero behind the ruins and deaths from the Second World War ay mayroong mas malaking gyerang iilang tao lang ang nakakaalam."

Siga ng Universe 2: The Cosmic ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon