Chapter 13. At Home

91 10 10
                                    

♪"Kamusta?"♫

♪"Kamusta ang magiting na Siga ?"♫ pagbati ni Reyna Aranea matapos kong lunukin ang mahiwagang prutas.

Agad na napawi ang aking pagod, hupa at pag-aalala. Hindi ko na alintana kung ano pa man ang aking responsibilidad. Nawala na sa aking isipan kung bakit nga ba ako napasyal sa lugar na ito. Ang alam ko lang ay maligaya ako sa lugar na ito. Masaya ako sa piling ng mahal na Reyna. At higit sa lahat ay hindi ko na gustong umalis pa sa lugar na ito.

Hindi ko na nasagot ang kanyang katanungan. Nangatog na lang ang aking mga tuhod at namanhid ang buong katawan. Napaupo na lamang ako sa damuhan at mataimtim na itinapon ang aking mga inaalala.

Ramdam na ramdam ko ang mala-ulap na lambot ng luntiang damuhan. Nakakakilig ang malamig ngunit banayad na simoy ng hangin. Mas kalmado pa ako sa nakatanggap ng general anesthesia. Talagang nakakatanggal ng mga problema.

Nagsimula na ding bumaba ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na piniglan. Ninamnam ko na lamang ang bawat sandali ng pakiramdam na ito. Tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata at-

"Baby!"

Nagising ang diwa ko sa tawag ng isang pamilyar na tinig. Idinilat ko ang aking mata at pinagmasdan ang paligid. Hindi ko mawari kung totoo ba ito o isang panaginip lamang.

Ako'y nasa isang malawak na palayan. Nag-iisa at naguguluhan.

"Baby Arch!"

Mas malakas na hiyaw ng dalaga. Hindi ako sigurado kung sino sya. Pero naniniwala akong kilala ko sya. Pamilyar na pamilyar kasi ang tono at timbre ng boses nito.

Tumayo na ako sa aking pagkakahiga at agad syang hinanap. At paglingon ko sa di kalayuan ay tama nga ang aking hinala. Kilalang kilala ko sya...

"ARCH!"

Hiyaw nya bago tumakbo patungo sa aking direksyon. Agad nya akong yinakap ng mahigpit at naramdaman kong muli ang kanyang diwa-

si Scarlet.

"Scarlet? What're you doing here?" Nagtatakang sagot ko pabalik. Hindi ko mawari kung epekto ba ito ng puting prutas na ipinakain sa akin ni Reyna Aranea o totoong kasama ko ang dati kong kasintahan.

"Oh my gosh. I've been with you since earlier kaya." Malambing nyang sambit matapos kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ganoon pa din ang itsura nya. Wala pa din syang ipinagbago.

"Huh? What do you mean? Are you-"

At bago ko pa maituloy ang aking sinasabi'y inunahan na nya ako.

"Yes. Scarlet Roso is Reyna Aranea. Ang definition of beauty ng Sampung Realms of Existence. Hihihi." Pabiro pero may laman nyang hirit.

Kahit matagal na panahon kaming hindi nagkita ay iba pa din talaga ang epekto nya sa akin. Ibang klaseng gayuma ang ibinigay nya sa akin. Ultimo isang Sigang katulad ko ay natitibag nya

Pero kahit patay na patay ako sa kanya ay unti unti namang sumusulpot ang aking mga katanungan. Kailangan kong mag usisa. Kailangan kong malaman ang katotohanan.

"Oo alam kong it's hard to believe Arch. But think about it." Nagsimula na syang maglintanya. Mataimtim lamang akong nakikinig habang nakatitig sa napakamapang-akit nyang mukha.

"Palagay mo bang coincidence lang na makilala mo ako? Palagay mo bang coincidence lamang na ikaw ang ihinirang na Ultimate Siga Lord? Do you really think you did all of this, all by yourself?"

Siga ng Universe 2: The Cosmic ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon