Chapter 8. A Friendly Reminder

233 11 26
                                    

"Archeebal."

Bati ni Arevir paglabas na paglabas ko ng lagusan. Manghang-mangha pa din ako sa kanya hanggang ngayon, bigla bigla na lang kasi syang sumusulpot.

"Napakiramdaman kong kailangan mo akong makausap. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

Kinabahan ako sa sinabi nya. Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang mga kaya at hindi kayang gawin ng isang Maesrah. Hindi ko alam kung alam nya ba lahat ng sinasabi at ginagawa ko. At hindi ko din alam kung ano nga ba talaga sya.

"Uhmm. Arevir, pamilyar ka ba sa Sampung Katayuan?"

Lumingon sya sa akin at binigyan ako ng malamig na titig.

"Paano mo nalaman ito? Sa pagkakatanda ko'y wala akong nabanggit ukol dito."Dahan dahan syang lumakad, pinapaikutan ako nang hindi nawawalay ang matatalim nyang tingin.

"Ibig sabihin nga'y totoo ito?" Sinagot ko din sya ng isa pang tanong.

"Oo. At iilang nilalang lamang sa buong Sanlibutan ang nakakaalam nito. Kaya't ipinagtataka ko kung paano mo ito nalaman." Paliwanag nya sa akin.

Wala namang dahilan para isikreto ko sa kanya ang aking misyon, kaya't hindi na ako nagdalawang isip pa na ipaliwanag sa kanya ang mga nangyari.

"Humingi sa akin ng tulong ang mga taga Nueva Muros. Kailangan ko daw kasing pigilan ang-"

At sa kalagitnaan ng aking salayasay ay napaluhod sya't napahiyaw-

"HE'S COMING'"

Nag-iba ang boses nya. Umaalulong ang malalim nyang tinig sa buong paligid.

A dark, enigmatic figure

Drenched from his opponent's vigor,

With fiery wings of blinding light

Will reforge a Weapon with all his might

A brooding being in shadowy clad

With immeasurable power like no one had;

Brings havoc, cataclysmic proportion

Will reuse the Weapon for severe destruction

The Accuser, The Seducer

The Destroyer, The World Eater

The Cosmic Reaper.

Matapos ng nakakapangilabot nyang ginawa ay natumba sya't nanginig.

"Arevir?!" Agad ko syang nilapitan at inalalayan.

Pero bago ko pa man sya mahawakan ay dahan dahan na syang bumangon.

"Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako." Kahit nangangatal ang mga binti ay pinilit nyang makatayo. Ramdam na ramdam ko ang paninidigan nya. Kahit nahihirapan ay hindi nya masikmurang may tutulong sa kanya.

Ngunit dahil sa pag-aalala ko'y sinubukan ko pa din syang alalayan. At bago pa man dumampi ang mga kamay ko sa kanyang braso'y-

*FFWP!*

Sumulpot na sya sa aking likuran at nagmatigas. "Sinabi kong ayos lang ako! Huwag mo akong salingin!"

"Hindi ko sinasadya..." Paghingi ko ng tawad. Dumistansya na ako't binigyan ko sya ng space.

Siga ng Universe 2: The Cosmic ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon