Chapter 11. Into the Jungle

168 10 20
                                    

"O?!"


"Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na agad bago pa magsara!" Pag-aasik sa akin ni Lagim bago ako pumasok sa lagusan patungo sa Mundo ng mga Mythos.

Hindi ko na sya nilingon. Hindi na ako nag-atubili. Sinuong ko ang daanan at handang harapin ang aking misyon.

At pagpasok na pagpasok ko sa dambuhalang Gate ay wala akong makita kundi liwanag. Mapanghalinang liwanag na tinatawag ako papasok. Hindi ko naman binigo ang mapang-akit na pakiramdam, dali dali akong tumakbo papasok.

Ngunit kahit anong bilis at layo ng aking itinakbo'y wala pa din akong ibang nakikita. Napapaligiran pa din ako ng kakaibang liwanag na tila ba hindi ko maipaliwanag ang pinanggalingan.

Kaya't naisip ko ang agarang solusyon sa aking problema, ang kausapin si Lagim telepathically at tanungin kung saan ako patungo.

Pero bago pa ako makasalita-

"What do you want?! Busy akong lumipad." Masungit nyang sagot habang naririnig ko ang pagaspas ng hangin sa kanyang paligid.

"Uhmm. I'd just like to ask where should I be heading? Coz all I see here is light." Magalang kong pakiusap sa kanya dulot ng aking katanungan.

"Ano ba naman Archeebal?! Ikaw ang Ultimate Siga Lord! Use your head!" Nanggagalaiti na sya sa akin. Iba pala talaga ang topak ni Lagim. Pabago bago ang mood.

"Kailangan mong matutunan ang full potential ng iyong Pwersa. Or else ilalampaso ka ng Reaper ng walang kahirap hirap!"Panapos nya bago mawala ang aming telepathic connection.


Bahagya akong nainsulto sa sinabi nya. Ang mas masakit kasi dito'y tama sya.

I felt entitled just because ako ang Siga ng Universe. I felt overconfident with everything I do. Pero kapag dikdikan na ay agad akong humihingi ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.

That's why from this day forward, I vow to dig deeper. To push myself to the limit and do things on my own. Kailangan kong patunayan na karapat dapat ako sa Pwersang aking natatamasa. Kailangan kong malagpasan ang bawat pagsubok nang ako lamang mag-isa. Kailangan kong pangatawanan ang aking responsibilidad.

And weird enough, matapos ng realizations na isinampal sa akin ni Lagim ay unti unting humupa ang liwanag sa paligid. Natatanaw ko na ng maayos ang mahiwagang mundo ng mga Mythos.

Ako'y nasa isang malawak na lupain kung saan nagsasagupa ang apat na elemento ng mapayapa. Isang state of perfect harmony. At peace.


Mailaw na naglalagablab ang bakod ng apoy sa bukana ng mapayapang pag-alon ng magyeyelong tubig. Ang mga nagtataasang bundok at burol ay diretsong nakakalat sa kapaligiran, hindi iniinda at nabubuwal ng malakas na hagupit ng mga ipo-ipo. At sa kalangitan ay nakakasilaw ang matingkad na kulay ng bahaghari, sumasabog sa maulap na kalangitan.

Mula sa aking kinatatayuan ay mapapansin ang apat na landas patungo marahil sa mga kaharian ng bawat Mythos. Ganun pa man, isang daanan ang nagbibigay sa akin ng hindi maipaliwanag na ligaya.


Isang beaten path na tila nag-uusap sa aking damdamin. Hinihikayat ako nito, tangan ang aking kaluluwa patungo ng paraiso.

Isang madamong daanan na namumutiktik ng samut-saring puno't halaman. Makulay din ang baha ng mga tuyong talulot ng bulaklak. Kulang na lang ay sumulpot ang isang diwatang hahawakan ang aking mga kamay at sasamahan ako sa pamamasyal.

Siga ng Universe 2: The Cosmic ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon