POEM XII - PANGAKO MAHAL

5 0 0
                                    

Bibitawan na kita.
Bibitawan ko na yung mga panaginip na kasama ka.
Marami na tayong pinangarap na akala natin habambuhay magsasama.
Bibitawan ko na yung alaalang binuo nating dalawa.

Lilimutin ko na yung mga ipinangako natin sa isat-isa.
Kahit anong ganda ng pangako, mapapako rin pala.
Akala ko noon magkikita pa.
Akala ko, mahahagkan ka pa. Ngunit hanggang pangako lang rin pala.

Kakalimutan ko na naging parte ka ng masayang ala-ala.
Ala-alang, kahit kaylan hindi ko mabubura.
Pipilitin kong makabangon muli
Pipilitin kong kalimutan ang masasayang sandali.

Pangako mahal.
Sisiguraduhin kong magiging okay ako.
Gagawa parin ng tula para sayo.
Ipagpapatuloy ko parin ang nasimulan ko.
Kung magkita man tayo, sasabihin kong ikaw parin ang inspirasyon kung bakit ko binubuo ito.

Walang hanggang Tula by: Edcel O Dela CruzWhere stories live. Discover now