KABANATA 1 - Passed

110 11 12
                                    

Passed

LUCY'S P.O.V☠️

"Sa wakas natanggap na tayo sa Lanciene High!" Rinig kong sigaw na sabi ni Eleanor na s'yang nagpa-tigil sa akin sa ginagawa ko, kulang nalang kasi ay bulabugin na niya lahat ng kapitbahay namin.

Agad akong lumapit sa kaniya para tingnan ang hawak nitong papel, marahil ay ipinadala 'yon mismo ng head ng school para ipaalam na nakapasa kami sa Entrance Exam na kinuha naming dalawa.

Napangiti nalang ako sa nakasulat sa papel na hawak ko ngayon, "Congratulations! You passed the Entrance Exam. You're now part of Lanciene High! Goodluck and Godbless." Sumulyap ako kay Eleanor na abot tenga na ang ngiti ngayon, katulad niya ay tumatalon na rin ang puso ko sa saya. Hanggang sa namalayan ko nalang na pareho na pala kaming nag-tatatalon sa tuwa.

Matagal na naming pangarap na makapasok sa Lanciene High ngunit dahil sa kahirapan ay mas pinili nalang namin na mag-aral sa pang publikong eskwelahan.

At ngayong may sapat na kaming ipon ay agad naming tinupad ang pangarap na makapag-aral sa pribadong iskwelahan na iyon.

"Bilisan mo na d'yan para maaga nating maubos itong mga paninda." Sabay nguso sa mga gulay na inayos ko. Ibebenta namin ito ngayon sa palengke at ang perang kikitain namin dito ay ipang-bibili namin ng gamit para sa darating na pasukan.

Simula nang mamatay ang mga magulang namin ni Elea, nag doble kayod kami para may pang tustos sa pang araw-araw na pangangailangan naming dalawa.

Hindi kami mag-kapatid, hindi rin naman mag-pinsan. Mag-kababata lang kaming dalawa, dahil bago pa man kami mag-karoon ng muwang dito sa mundo ay naging matalik na mag-kaibigan ang mga ina namin.

Ulilang lubos si Elea dahil parehong namatay ang mga magulang niya. Ako naman ay may tatay pa pero noon palang ay sumakabilang pamilya na siya, hindi pa man ako isinisilang. Iyon ang sabi ni Inang mader.

Bilang nakakatanda sa aming dalawa, ako na ang nag silbing ina, ama, kapatid, at kaibigan ni Elea. Sa iisang apartment lang din kami nakatira.

Napabalik ako sa reyalidad nang sikuhin n'ya ako. "Kanina ka pa nakatulala, baka abutin tayo ng End of the World kung tatapusin mo pa yang pangarap mo!" Natatawang sabi nito na ikinatawa ko rin.

Kahit kailan talaga panira s'ya ng moment.

Bago umalis ay niligpit muna naming dalawa yung mga tasang pinag-kapehan namin.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Palengke...

Nang marating namin ang pwesto kung saan kami nag titinda ay agad na naming inayos lahat ng paninda naming gulay.

7AM palang pero marami na agad tao dito sa palengke dahil sabado. "Nakapasa ka rin ba sa Lanciene High?" Naulinigan kong tanong ng babae sa kasama nito habang namimili ng gulay dito sa pwesto namin.

"Hindi ehh, bumagsak ako sa Entrance Exam." Malungkot na sagot niya. Sumulyap ako kay Elea at katulad ko ay nakikichismiss din pala siya. "Mag-kano lahat miss?" Mataray nitong tanong. Sungalngalin ko kaya lalamunan niya? Tsk. "Isang daan ho"

Totoong mahirap ang Entrance Exam sa Lanciene High lalo na't kilalang school 'yon at hindi sila basta-basta nag bibigay lang ng simpleng tanong lang. No wonder kung bakit hindi nakapasa itong supladang babae.

Inabot ko na kay ateng bano yung mga gulay na binili niya, halata sa mukha niya ang pagka bugnot dahil sa pag daday-dream ko. Bakit ba?

Ilang oras pa ang lumipas bago naubos lahat ng gulay na paninda namin. Mabuti nalang at walang tumatawad kaya hindi kami nalulugi.

Dumaan muna kami ni Elea sa isang karinderya para kumain dahil hindi pa kami nananang-halian.

"Pasintabi po sa lahat ng kumakain, isang babae ang natagpuang walang buhay sa isang eskinita, may laslas ito sa leeg at mga hiwa sa iba't ibang bahagi ng katawan. Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang naging motibo ng salarin sa ginawang pag paslang dahil wala kahit isang gamit nito ang nawala." Pareho kaming napatingin ni Elea sa isa't isa dahil sa narinig naming balita sa radio.

"Ano sa tingin mo ang dahilan ng pag patay sa kaniya?" Puno ng kuryusidad niyang tanong sa akin. Ginawa pa akong manghuhula, batohin ko kaya siya ng upuan.

"Siguro may kagalit 'yon kaya ganoon nalang ang sinapit niya." Tinanguan lang ako nito at bahagya pang natawa. What's laughing? Eme, wrong grahams.

Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain namin kaya agad namin itong nilantakan na para bang kabilang kami sa isang paligsahan kung saan ang mananalo ay may premyo.

Isa lang nasisiguro ko, may ginawang kasalanan ang babae kaya niya sinapit ang ganoon, kung wala naman ay baka napag tripan siya ng mga abnong lalaki na nakasalubong niya.

Ngayon palang dapat na kaming mag doble ingat ni Eleanor lalo na't ginagabi pa kami minsan ng uwi.

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

KATAPUSAN NG KABANATA 1☠️🔪

(A/N) : Don't forget to vote and comment!🙌🖤

SOLYSTELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now