Clueless
ELEANOR'S P.O.V☠️
Tatlong araw na ang nakalipas nang mangyari ang krimen dito sa loob ng Lanciene High.
Halos lahat kaming mga kaklase ni Neriya ay sumailalim sa pag iimbestiga ng mga pulis, lalong lalo na si Annabelle dahil siya ang huling nakasagutan ni Neriya bago ito mamatay.
Hindi ko mapigiling mag alala para kay Annabelle dahil siya ang tinuturong prime suspect sa pag patay kay Neriya. Pero kahit papaano napanatag ako dahil kahit isa si Lucy sa mga nakasagutan niya noong buhay pa ito, ehh, hindi siya naging suspect ng mga pulisya.
"Wag kana masyadong mag isip ng kung ano-ano, Elyang. Magiging maayos din ang lahat." Pagpapa-lakas ng loob sa'kin ni Lusing. Nandito kami ngayon ni Lucy sa likod ng school, sa may garden.
"Ayon sa autopsy, natagpuan si Neriya na naliligo sa sarili niyang dugo at hubo't hubad sa loob ng banyo. May busal ang kaniyang bibig ay may laslas din ang leeg, meron ding laceration sa private part niya. So it means, malabo na si Annabelle ang pag bintangan sa nangyaring 'yon." Paglilinaw nito.
"Pero bakit siya parin ang suspect kung gano'n ang lumabas sa autopsy report?" Hindi ko mapigilang mapaisip at mainis dahil lang do'n.
Ang totoo kasi niyan, naaawa ako kay Annabelle dahil ito na nga yung binubully tapos pinag-bintangan pa. The way she ran towards us, I know how much she trust me and Lucy. Sa dami ng tao sa cafeteria noon, sa'min ito unang lumapit.
"Inaakala nila na may kasabwat siya sa pangyayaring 'yon, kumbaga may back-up siya para makaganti. Who really knows what goes on in a person's mind?" And that hits me.
Sino nga ba ang nakakaalam? Syempre sarili lang din natin. Tumunog ang bell, hudyat na simula na ulit ng klase.
Tahimik lang kami ni Lusing habang tinatahak ang pasilyo patungo sa classroom naming dalawa.
Wala ngayon ang limang kaibigan ni Neriya dito, maging si Annabelle ay ilang araw naring hindi pumasok.
Naging tahimik ang loob ng klase, may mangilan-ngilan na nag ku-kwentuhan pero pabulong. Naipiling nalang ako.
Naupo na kami ni Lucy at tahimik na nag hihintay sa pag dating ng teacher. Sumulyap ako sa mga bakanteng upuan ni Annabelle pati narin nung anim. Hindi ko mapigilang huminga ng malalim, napansin iyon ni Lucy kaya hinawakan nito ang kamay ko at tipid na ngumiti. Bakit nga ba ako naaapektuhan?
Dumating na ang Prof namin kaya napaayos kami lahat ng upo. Mabuti pang libangin ko nalang ang sarili ko sa pakikinig sa tinuturong mga lessons ngayon.
☆゚.*。☽・。゚♡
LUCY'S P.O.V☠️
Madilim na sa labas nang matapos lahat ng subjects namin, tiningnan ko ang oras at saktong 10 na nang hating gabi kaya mabilis naming inayos ni Elyang ang mga gamit namin.
Napasulyap ako sa bintana, may taong nakatingin sa'kin, hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil nasa madilim siyang pwesto.
Dahil do'n ay kinilabutan ako, tiningnan ko si Elea pero busy ito sa pag-aayos ng mga gamit. Napamura nalng ako ng mawala agad ito sa paningin ko. "What the fuck?" Bulong ko pero mukhang narinig ni Elea dahil lumingon ito sa'kin nang naka-kunot ang noo, pinag-mamasdan niya ako ng mabuti.
"May problema ba?" Tanong nito pero tanging iling lang ang isinagot ko. Baka antok at pagod lang siguro kaya kung ano-anong nakikita ko.
THIRD PERSON'S P.O.V☠️
Habang nag lalakad sina Lucy at Eleanor hindi nila napansin na may sumusunod pala sa kanilang isang lalaki.
Wala nang tricycle na dumadaan kada uwian ng dalawa kaya wala silang ibang choice kundi ang mag lakad nalang pauwi sa kanilang apartment.
"Nararamdaman mo din ba?" Malamig na tanong ni Lucy, kumunot naman ang noo ni Eleanor dahil kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig ni Lucy, simula pa kanina.
Unti-unting binagalan ni Lucy ang kaniyang lakad na sinabayan naman ni Eleanor kahit wala siyang idea sa kung anong nangyayari sa kaibigan.
"Show the fuck yourself, don't mess with us!" Nanlaki naman ang mata ni Eleanor sa sinabing iyon ni Lucy. Sa isip ni Eleanor kung multo man ang pinapalabas ng kaibigan bakit gusto pa nila 'yong makita?
"Ano ba Lusing! Wag ka ngang mag tawag ng masamang elemento d'yan! What if biglang magpakita sa'tin si Neriya? Hindi pa ako ready makita ang hubad niyang katawan! Naku sinasabi ko sayo Lusing, virgin pa 'tong mata k—" hindi pa man natatapos ni Eleanor ang sinasabi niya ay isang malakas na kutos agad ang nakuha niya sa kaibigan.
Mangiyak-ngiyak na hinihimas ni Eleanor ang kaniyang ulo dahil sa lakas ng kutos na iginawad sa kaniya ni Lucy.
Nanlaki ang mga mata ni Eleanor sa lalaking nakatayo mula sa likod ng kaibigan, napansin iyon ni Lucy kaya unti-unti siyang lumingon.
Nasa dilim parin ang lalaki hanggang sa nag-simula na itong mag lakad papalapit sa dalawa. Sa paglapit ng lalaki ay siya namang pag-atras ng dalawa.
"Anong kailangan mo? Bakit mo kami sinusundan?" Matapang na tanong ni Lucy. Napatigil naman sa pag-lalakad ang lalaki.
"Kailangan ko ang puso mo." Nanlaki ang mata ni Lucy kaya mabilis niyang sinigawan ang kabigang si Eleanor.
"Tumakbo kana Elea!!!"
ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ
KATAPUSAN NG KABANATA 6☠️🔪
(A/N) : Don't forget to vote and comment! 🙌🖤
YOU ARE READING
SOLYSTELL (COMPLETED)
Mistero / ThrillerSimula nang makapasok sina Lucy Altero at Eleanor Fuentes sa Lanciene High na pinapangarap nila ay nag sunod-sunod ang pagkamatay ng mga istudyante sa nasabing paaralan. Lahat ay clueless sa mga pangyayaring iyon, maging mga awtoridad ay hindi alam...