THIRD PERSON'S P.O.V☠️
Sampong taon na ang lumipas at nanatiling palaisipan sa mga pulis ang nagyari sa anim na magkakaibigan pati nina Annabelle at Betty ngunit idineklara na ng mga ito na sarado na ang kaso.
Matapos ang ginawang pag torture nina Solana at Estell ay isa-isa nilang sinunog ang mga bangkay nina Annabelle, Betty, Bobby, at Lona. Ang mga abo naman nila ay inilagay sa isang garapon at dinala sa kani-kanilang tahanan kasama ang mga litrato ng nagpapatunay na patay na sila.
Kumalat ang balitang iyon sa buong school ng Lanciene High kaya nagsi-alisan ang mga ibang nag aaral doon at nagkaroon sina Solana at Estell ng pagkakataon upang umalis doon nang hindi napag-hihinalaan. Lumipat sila sa lugar kung saan malayo at walang nakakakilala sa kanila kasama si Poneng.
Lahat ng masamang ala-ala at nangyari ay ibinaon nila sa limot. Namuhay sila sa kasalukuyan at kinalimutan ang nakaraan.
"At doon na nga nagtapos ang kwento," Saad ng matanda sa mga apo nitong nakikinig ng mabuti sa kaniya. Isinara na rin niya ang lumang diary na hawak nito sa ipinatong sa kaniyang hita.
"Nagkatuluyan po ba si Solana at Poneng, Lola?" Tanong ng isang bata na ikinangiti ng matanda.
"Oo naman Apo, namuhay sila ng masaya kasama ng mga naging supling nila," sagot nito. Sakto namang pumasok ang anak nito na nakakunot ang noo.
"Ma naman, sabi ko naman sa inyo 'wag niyo na silang ku-kwentuhan ng mga ganiyang story kasi mga bata pa sila," paala ng ginang sa Ina nito.
"Ano ka ba naman Lucy, bata pa lang kayo ng pinsan mong si Eleanor, eh, ito na rin ang ikini-kwento ko sa inyo," sagot naman ng matanda habang natatawa sa reaksyon ng kaniyang anak.
"Si Mama Solana talaga, what I mean is dapat mga pang fairytale ang kinu-kwento niyo sa kanila at hindi mga ganiyan," iling-iling na sagot niya.
"O s'ya sige na mga Apo, mag meryenda na kayo sa kusina at nagpaluto ako ng makakain natin," pagiiba nito ng usapan.
Nagsitayuan naman ang mga bata at nag uunahang tumakbo patungo sa kusina. Pinag-masdan lang sila ng matanda.
"Anong oras darating ang tita mong si Estell?"
"Maya-maya daw nadito na sila,"
"Sabihin mo at isama na rin niya ang mga Apo niya,"
"Sige po, Ma."Nag-usap pa sandali ang mag ina bago lumabas si Lucy. Mag-isa nalang ngayon ang matandang si Solana sa kaniyang kwarto habanag nakatingin sa labas ng bintana.
Pumikit ito at dinama ang sariwang hangin na dumadampi sa kaniyang balat kasabay naman nito ang pag-hinga niya ng malalim.
Sa pagmulat nito ng mata ay unti-unting gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang mukha.
ヾTHE ENDヾ
STARTED :: May 06, 2023
FINISHED :: August 02, 2023ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ
KATAPUSAN NG EPILOGO☠️🔪
(A/N) : Yeyyyy! Yahooo! Natapos na rin sa halos apat na buwan na pagsusulat neto, natapos na rin sa wakas! Maraming salamat sa mga sumubabay sa istoryang ito mula simula hanggang wakas! Mahal namin kayo🦋 hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na mga kwentong maisusulat pa! Paalam!😍💗
YOU ARE READING
SOLYSTELL (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSimula nang makapasok sina Lucy Altero at Eleanor Fuentes sa Lanciene High na pinapangarap nila ay nag sunod-sunod ang pagkamatay ng mga istudyante sa nasabing paaralan. Lahat ay clueless sa mga pangyayaring iyon, maging mga awtoridad ay hindi alam...