KABANATA 12 - Suspended

16 4 0
                                    

Suspended

LUCY'S P.O.V☠️

"Eleanor, gising na diyan at maaga pa tayo sa palengke!"

Alas kwatro y media nang muli akong bumalik sa kwarto ni Eleanor para gisingin siya at sa dalawang beses kong balik ay panay oo lang siya at hindi pa bumabangon.

"Gigising ka ba o hindi!" Sigaw kong muli.

Tumingin siya sa akin, nakapikit pa ang kabilang mata habang nagiinat. Lumabas ako ng kaniyang kwarto at tinignan ang nilulutong almusal namin, kinalaunan ay lumabas na rin siya sa silid niya at naghilamos.

"Walang pasok 'di ba?"

Tumango lang ako at hinanda na ang ulam at fried rice, naupo na siya sa upuan at talaga hindi ako tinulungan maghanda.

"Oh, bakit ang aga mo akong ginising?" Nakalumbaba niyang tanong.

Hindi ko alam kung nang iinis lang siya o talagang wala s'yang ideya. "Sa palengke tayo ngayon dahil walang pasok."

Tumango lamang siya at nagsandok na ng pagkain niya. Masigla siyang naghanda para sa araw namin ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit agad na nagbago ang mood niya, palagay ko ay sa niluto kong ulam dahil naparami ako ng vetsin doon kaya siguro bigla siyang ganado.

Nag - anunsyo ng isang linggong walang pasok sa Lanciene High kaya naisipan kong ilaan ang isang linggo na magbenta sa palengke, tuwing sabado at linggo lang kasi kami nakakapaglako ng gulay.

Dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng tatlong magkakaibigan sa paaralan ng Lanciene High ay naging mas mahigpit pa ang mga pulisya dahil nasa paligid lang ang pumapatay, na sa tingin naman nila ay nag bibihis estudyante.

Hindi na rin pinapapasok ng ibang mga magulang ang anak nilang nag aaral sa Lanciene dahil sa takot na nararamdaman. Hindi naman sila masisisi ng mga guro dahil kahit sila ay natatakot na rin.

Kaliwa't kanan naman ang mga media sa loob ng school kaya siguro mas minabuti nalang ng namumuno sa iskwelahan na i-suspende muna ng isang linggo ang pasok para makapag-bigay daan sa mga pulisyang nag iimbestiga.

"Nobenta lang," Napabalik ako sa reyalidad nang mag salita si Elyang.

Abala ako sa pag - aayos pa ng paninda kaya siya ang nag - entertain muna at naghahalina ng customers. Tila hindi maintindihan ng batang customer na palagay ko kasing edad lang namin ang sinabi ni Ele kaya ngumiti ako sa kaniya and she awkwardly smiled back.

"90 yan," pang - iinform ko sa kaniya.

Maybe teenagers now didn't know the terms kaya sinalin ko sa english para alam niya talaga, ganiyan naman sila.

Napatawa siya at kumuha ng pera sa kaniyang wallet at si Ele na ang hinayaan ko roon.

Naubos ang paninda namin sa buong maghapon at nakatambay lamang kami ni Ele sa harap ng kainan sa labas ng palengke, nakatulala sa kawalan habang umiinom ng softdrinks.

"Ang dami nating kita ngayon, bawing - bawi ang tubo." Masayang niyang sabi.

"Kaya kailangan nating agahan pa bukas dahil mas marami ang pinipiling mamili ng maaga."

She happily hum a song. Tila naging hyper talaga siya kaya siguro dami naming benta ngayon, halos lahat ng napapadaan ay sa amin bumibili. Balak ko sanang dagdagan muli ng versin ang iluluto ko mamaya at sa almusal namin.

"Grabe, no? Kawawa talaga yung nangyari sa kaniya."

Rinig kong sabi ng matanda. Siguro nalaman na nila yung nangyari sa estudyanteng nag aaral sa Lanciene High na si Sophie.

Hindi na ako nagulat dahil totoo ngang may pakpak ang balita sa mga chismosang Nanay.

  ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

KATAPUSAN NG KABANATA 12☠️🔪

(A/N) : Don't forget to vote and comment!🙌🖤

SOLYSTELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now