KABANATA 13 - On The Skid

19 4 0
                                    

On The Skid

THIRD PERSON'S P.O.V☠️

Halos mawalan ng lakas si Lona nang makita niya ang litrato ng dalawang kaibigang babae sa wallpaper ng kaniyang cellphone.

Matapos ma suspende ang klase ay nagkulong lang ito sa loob ng kaniyang silid. Sa unang burol ng kaibigang si Neriya ay nawalan ito ng malay. Paano pa kaya kung dadalo pa siya ulit sa unang burol din ng kaibigang si Sophie. Baka hindi na niya kayanin pa ang sakit.

Hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Neriya at Azy ngayon naman ay sumunod si Sophie.

Siguro ay binabalikan na sila ng karma dahil sa ginawa nilang limang taon na ang nakakalipas. Napabangon ito sa kama at dali-daling pumunta sa kaniyang bag kung saan nakalagay ang papel na natanggap nilang anim.

From SOLYSTELL

You better watch out
You better not shout
You better not cry
'Cause I'm tellin' you why

SOLYSTELL is coming to you

Paano kung may kinalaman ang sulat na iyon sa pagkamatay ng mga kaibigan niya? Tanong ni Lona sa kaniyang isip.

Mabilis niyang itinago sa bulsa ang papel at agad na tinawagan ang dalawang kaibigan na sina Garry at Bobby para makausap ang mga ito.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

"What's the matter?" Tanong ni Garry nang makaupo sa tabi nito habang sa harap naman nila si Bobby. Nasa isang restaurant sila ngayon na pagmamay-ari nila.

Hindi na siya nag dalawang isip na ilabas ang papel at pinakita sa dalawa. "Lahat tayo nakatanggap ng ganito, hindi ba?" Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumango.

"Paano kung may kinalaman ang papel na 'yan sa pagkamatay nina Neriya, Azy, at Sophie?"
"Imposible naman ata 'yan, Lona." Si Garry.
"Paano kung posible?" Sagot ni Bobby kaya napatingin sa kaniya ang dalawa.

"Limang taon na ang nakakaraan ng mangyari ang insidente, hindi malabong balikan tayo ng karma."
"Kung ganon...S-Sino sa tingin niyo ang karma natin?" Mababakas ang takot sa boses ni Lona.

"Ano ba! 'Wag na tayong mag takutan, baka may nakagalit lang silang tatlo kaya nangyari 'yon. Kung binabalikan na tayo, bakit ngayon lang? Limang taon na ang nakakalipas nabaon na 'yon sa limot." Puno ng inis sa boses ni Garry.

Napahinga nalang ng malalim si Lona dahil sa mga oras na ito ay parehong may punto ang dalawa, ngunit sino kaya ang papaniwalaan niya?

"May punto ka, Garry. Pero paano kung tama si Bobby? Sino sa tingin niyo ang susunod sa atin?" Walang kahit isa ang umimik sa naging tanong na iyon.

"Kung nauna si Neriya at sumunod naman si Azy at Sophie malamang ay-"
"Ay ano?" Hindi makapag-hintay na tanong ni Garry.
"Ay isa sa ating dalawa," tila nanlamig ang buong katawan ni Garry sa sinabing iyon ni Bobby at napako naman sa kinauupuan niya si Lona.

Napahalakhak nalang si Bobby dahil sa naging itsura ng dalawa na halos maihi na sa kanilang inuupan. Sinipa naman siya ni Garry mula sa ilalim ng mesa at tiningnan siya ng masama ni Lona.

"Fuck you, dude!"
"Okay, okay, I'm sorry," natatawa niyang sabi habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Napailing nalang ang babae sa kaniya.
"Hayaan nalang natin ang mga pulis na mag imbestiga sa nangyari sa mga kaibigan natin, umuwi na kayong dalawa at mag pahinga."

Walang nagawa si Lona kundi umuwi, tama nga si Bobby, bahala na ang mga pulis sa kaso ng mga kabigan nila.

Pero hindi pa rin siya mapapanatag.

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

KATAPUSAN NG KABANATA 13☠️🔪

(A/N) : Don't forget to vote and comment?🙌🖤

SOLYSTELL (COMPLETED)Where stories live. Discover now