ELEANOR'S P.O.V☠️
"Tumakbo ka na, Elea!!!"
Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo, nakasunod sa akin si Lusing habang paulit - ulit na sinasabi na tumakbo lamang. Sumisigaw na rin ako at humihingi ng tulong ngunit mas mabilis talaga tumakbo ang lalaki.
Napasigaw ako noong nahabol niya si Lusing at hinawakan sa balikat at pinaharap sa kaniya. Napahinto ako sa pagtakbo, hingal na hingal gaya ng lalaking humabol sa amin.
"Ako 'to si Poneng," pakilala ng lalaki.
Nagkatinginan pa kami ni Lusing at parehong napahagalpak ng tawa kulang nalang ay gumulong kami sa kalsada ngunit nang mahimasmasan ay muli kaming sumeryoso.
"Alam naming ikaw 'yon, Poneng," saad ni Lusing na nagpataas ng kilay ni kuya Poneng.
"Kung gano'n bakit kayo tumatakbo at sumisigaw ng tulong?"
"Dahil...dahil sa taglay mong kamaisan kuya Poneng! Babanat kana nga lang kay Lusing ang corny pa! Nakakakilabot."
"Tss."Naupo ako sa sidewalk at hinintay na makapag - usap ang dalawa.
☆゚.*。☽・。゚♡
Nakauwi na kami noong muling magbalik sa alaala namin ang nangyari sa Lanciene High. Patuloy pa rin ang pag - iimbestiga ng mga pulis sa kaso ng pagkamatay ni Mhaynna.
Mas naging mahigpit ang sekyuridad sa school. Ilang estudyante ang hindi na nga pumapasok dahil sa nangyari, paulit - ulit ding sinasabi ng mga teachers na safe nga ang lahat kahit may napatay sa loob ng eskwelahan at walang lead kung sino nga ba ang tunay na pumatay.
"Mag-ingat kayong dalawa," huling bilin ni kuya Poneng sa'min bago siya umalis.
Sinigurado ko munang naka - lock ang lahat ng bintana at pinto bago ako sumunod kay Lusing na nasa sala pa, abala ito sa isang activities namin sa isang subject.
"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko sabay hikab. Hindi niya ako sinagot dahil nagpatuloy lamang siya sa pagsusulat.
Simula nang umalis si kuya Poneng ay masyado na siyang tahimik. Pumalakpak ako ng malakas sa harap niya para makuha ang atensyon nito.
"Ayos ka lang ba?" Sumandal ito sa upuan at huminga ng malalim.
"Oo naman."
Weh...
☆゚.*。☽・。゚♡
"Magkakaroon kayo ng group reporting, limang member bawat group. I'm gonna send the assigned topic of each group mamaya sa gc after our class, I'm expecting that everyone will participate and do their task."
Umagang - umaga ay 'yan ang bungad ni Ma'am Marienne sa klase. Bumalik sa dati ang lahat na tila walang pulis o media na nakasunod sa bawat nangyayari sa school. Iniisip ko rin kung bakit ganito na lamang kung umasta ang mga teachers.
"Magka - group pala tayo," si Azy Castro.
Naupo siya sa harap na upuan at pinaikot iyon para makaharap sa aming dalawa ni Elea, lumapit na rin ang ilan sa mga kagrupo namin sa reporting kay Ma'am Marienne.
"Ako na bibili ng manila paper," suhestiyon ni Azy.
Napa - irap ako sa kaniyang sinabi. "Ano ka, taga - bundok? Powerpoint na ang gagawin natin, siraulo." Paalala ko sabay kutos sa kaniya. Napanguso naman ang ugok.
Nag - search na ako sa cellphone ko ng about sa topic namin. Maayos naman ang mga kagrupo ko maliban lang kay Azy dahil loko - loko ito at puro lamang pa - gwapo.
"Hahatiin natin ang report, mag-search kayo at ibigay ang mga nakalap ninyo sa gc natin at titingnan ko kung tama."
Pumayag naman sila. Bumalik sila sa kaniya - kaniya nilang upuan. Sa pag-pasok ni Sir Bernabe ay agad din siyang lumabas dahil may nakalimutang itong gamit sa faculty room.
"Anong pinagsasabi mong mahal mo pa ako? Nagpapatawa ka ba? Matapos kitang makitang kahalikan si Giya, sa palagay mo maniniwala ako sa pinagsasabi mo?"
Napalingon kaming lahat dahil sa naging sigaw ng isa naming kaklase, nasa tabi niya si Azy na tila nagmamakaawa.
Napuno ng malakas na hiyawan ang buong classroom at nangingibabaw ang kantyaw ng mga lalaki kasama na ang mga kaibigan ni Azy. Nahiya ata ang loko kaya bumalik na ito sa kaniyang upuan at nanahimik.
PE class naming ngayon kay Sir Bernabe kaya nang makabalik siya ay pinag-palit na niya kami ng pang PE. As usual ay ganado ang mga ilan sa mga kaklase namin.
"Mag Attendance muna kayo class," saad ng Prof kaya nagpunta kami sa may hawak ng attendance sheet. Sinulat ko roon ang pangalan ko at nagpirma, ganoon din si Lucy.
"Tara, Lusing doon tayo sa likod tutal hindi naman nag babantay si Sir," bulong ko kay Lucy pero may sa demonyo ata yung tenga ni Lona kaya narinig niya iyon.
"Bawal umalis, 'yan ang bilin ni Sir. Hindi ba kayo nakinig?" Mataray na sabi nito na nagpa-ngisi sa akin. "Chismosa nga naman kung saan-saan ang tenga," nakakaloko kong sagot at umalis sa harap niya.
Pumunta ako sa mga classmates kong nag-lalaro ng badminton para maki-sali. Si Lucy naman ay volleyball ang pinagdiskitahan.
"Aray!" Sigaw ni Lona matapos siyang mataaman ng bola sa ulo.
Hindi napigilan nang nakatama kay Lona ang mapatawa, tumalikod pa ito para magtago sa pag-hagikhik. Palihim din akong napangiti. Serves you right, bitch.
Dinaluhan naman siya ng kaniyang mga kaibigan at dadalhin yata sa clinic para sa simpleng pagtama lamang ng bola sa kaniyang ulo.
"Nice one, Betty!" Sigaw ng kung sino sa babaeng nakatama ng bola kay Lona.
"Mukhang proud pa kayo sa ginawa niyo sa kaibigan ko!" Tanggol ni Sophie.
Lumapit na rin ang ilan sa mga estudyante para maki-usyoso, tumabi sa'kin si Lusing at tinanong kung anong nangyari. Sasagutin ko na sana ngunit biglang nagsalita si Betty.
"Tama lang sa kaniya 'yan, matapos niyong pag binatangan si Annebelle sa naging pagkamatay ni Neriya, kulang pa 'yang sakit na 'yan sa ginawa niyo sa kaniya!" Galit na sigaw ni Betty.
Oo nga pala, isa din si Betty sa mga nag mamalasakit kay Annabelle kaya siguro ganon nalang ang galit niya.
Hindi na nakasagot si Sophie dahil inakay na niya si Lona papuntang clinic.
Napailing nalang ako at napangiti. Ang importante hindi lang ako ang nag mamalasakit kay Annabelle.
Nagpatuloy ang laro ngunit nagkaroon nanaman ng kaguluhan hindi malayo sa pwesto namin. Sa may basketball court.
Ganito ba sa mga private school? Gulo nalang ba palagi? Wow naman, gusto ko 'yan!
ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ
KATAPUSAN NG KABANATA 7☠️🔪
(A/N) : Don't forget to vote and comment! 🙌🖤
YOU ARE READING
SOLYSTELL (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSimula nang makapasok sina Lucy Altero at Eleanor Fuentes sa Lanciene High na pinapangarap nila ay nag sunod-sunod ang pagkamatay ng mga istudyante sa nasabing paaralan. Lahat ay clueless sa mga pangyayaring iyon, maging mga awtoridad ay hindi alam...