Hanz pork & beans
ELEANOR'S P.O.V☠️
"Nakapag - search na ba kayo?" Tanong ni Lusing kaya agad kong inilabas ang notes ko sa report, ginawa ko na ito kinagabihan kaya't wala na akong problema, alam ko naman kasing strikta si Lucy pagdating sa mga akademikong aralin.
Kanina ko pa sinusulyapan si Azy na tulalang nakatingin kay Mitchelle ma nasa kanilang grupo. Tila walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.
Siniko ko na ito dahil mamaya lang ay hihingin na sa kaniya ni Lucy ang report niya ngunit hindi talaga natinag kaya malakas kong inapakan ang paa niya dahilan para impit itong mapasigaw na siya namang ikinatawa ko.
"Hindi ka kasi nakikinig, ibigay mo na kay Lucy yung ginawa mong report kung ayaw mong masabunutan." Banta ko dito ng pabulong.
"Ito yung part ko, Lucy." Nakasimangot niyang abot at ibinalik ang tingin sa dalawang ungas.
Bukas na ang reporting kaya't inayos namin ang lahat, hindi nga lang tumulong si Azy dahil ukupado na ulit ang utak niya sa ibang bagay lalo't mainit - init pa ang nangyari kahapon.
"Ang member na hindi tumulong, bahala siya sa buhay niya bukas," parinig ni Lusing.
"Basahin mo 'tong part mo, inayos ko na para alam mo ang gagawin mo bukas, Azy." Sabay lahad ng papel sa kaniya, kinuha naman niya ito at umalis na.
"Meryenda muna tayo, Eleanor." Yaya ni Lusing sa'kin na agad ko namang sinang-ayunan.
Mula sa second floor ay bumaba kami para sa cafeteria upang mamili ng makakain ngunit bago pa man kami makapunta sa cafeteria, eh, huminto si Lusing sa tapat ng isang classroom sa ground floor.
Tumingin ako sa kaniya ngunit nilapit niya ang hintuturo niya sa kaniyang labi na sinasabing i-shut ko nalang ang aking mouth.
Napansin kong nilabas ni Lucy ang kaniyang cellphone para i-record ang dalawa. Minsan si Lucy may pagka-chismosa, gusto 24/7 niya silang naririnig.
"Gagawin mo nga ba?"
Mula sa siwang ng pinto ay nakita ko sina Mitchelle at Hanz. Tila balisa si Mitchelle habang chill lang si Hanz.
Hanz? Hanz pork & Beans? Natawa nalang ko sa sarili kong joke.
"Dapat lang kay Azy ang gagawin ko sa kaniya, Mitchelle."
Na curious kami sa pinag - uusapan nila kaya mas lalo akong lumapit sa pinto, sumunod naman si Lucy.
"Baka mapahamak ka, at saka baka makick out ka kung sakaling mahuli ka nila." Si Mitchelle na palagay ko ay umiiyak sa harap ni Hanz.
Nag kuyom ang kaniyang kamao habang nakatingin kay Mitchelle. "Hindi ito matatapos kung hindi ko siya bibigyan ng leksyon. Pangako ko sayo na hindi ako mahuhuli."
Hinila na ako ni Lusing nang makitang tumingin sa gawi namin si Hanz, wala sa sarili kaming umupo sa concrete bench at huminga ng malalim.
"Ano sa palagay mo ang gagawin nila kay Azy?" Tanong ko at sinusubukang kumalma.
Paano kapag nakita kami ni Hanz? Ano gagawin niya? Anong gagawin nila kay Azy?
"Wala na tayong pakialam doon, Elea. Ayokong madamay sa katangahan nila kaya tara na sa cafeteria."
Maraming tao sa cafeteria kaya naghintay pa kami hanggang kami na ang nasa unahan ng pila. Kumuha lamang ako ng juice at sandwich dahil hindi ko talaga kaya ang kumain dahil bumabagabag pa rin sa akin ang pinag - usapan nila Hanz at Mitchelle.
YOU ARE READING
SOLYSTELL (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSimula nang makapasok sina Lucy Altero at Eleanor Fuentes sa Lanciene High na pinapangarap nila ay nag sunod-sunod ang pagkamatay ng mga istudyante sa nasabing paaralan. Lahat ay clueless sa mga pangyayaring iyon, maging mga awtoridad ay hindi alam...