o25

474 12 0
                                    

>>o25<<

Yumi's POV

Back to normal kami sa dorm, mas gumulo nga eh kasi inaasar kami lagi ni Kai, except sa hindi kami pinapansin ni Sehun. KAMI, as in ako, si Kai at si Luhan.

Naging open na din kami ni Kai. Lagi kaming magkasama, magkatabi sa upuan, pero awkward pag nadyan si Sehun.

"Babe, you're spacing out again." Sabi ni Kai, nanonood kasi kami ngayon ng ng gag show.

"Huh?"

"Wala, nood na tayo." Tapos tumingin na lang ulit sya sa T.V. at umakbay sakin

Kasama namin dito sa sala si Suho, Baekhyun. Sila Kyungsoo at Chanyeol nagluluto ng dinner. Nasa China kasi ngayon yung EXO M

Si Sehun, ayun nakakulong sa kwarto nya, lumalabas lang pag kakain. Makikigulo sa iba, pero pag kasama kami sa kaguluhan, tahimik na lalayo at magkukulong ulit sa kwarto.

"Wag masyadong sweet, dumadami yung ants" maarteng sabi ni Baekhyun habang pumapadyak.

"Inggit ka lang, tawagin mo si Chanyeol hyung!" Sagot ni Kai

"Hmmm, tawagin ko si D.O. eh! Kapag ako nagka jowa, who you kayo sakin" bira ulit ni Baekhyun

Natawa naman ako, lagi na lang kami yung nakikita nila huhuhuhu, charot

Natahimik na ulit kami at nanood, mayamaya naramdaman kong tinanggal ni Kai yung pag ka-akbay nya sakin.

Now I know why, bumaba pala si Sehun, at kumuha ng tubig sa kusina, then bumalik ulit sa room nya. Waaaahhhh, I'm so tired of this. Ang hirap mga te!

"Kai" Tawag ko sa negrong katabi ko, lumingon naman sya sakin with *What do you want* look "What if, kausapin ko na so Sehun? I think its the right time to fix this, habang wala yung iba."

"Are you sure?"

"Hindi na kasi ako mapakali. Parang feeling ko hindi na ko makakatulog pag di ko sya kinausap ngayon."

"Samahan kita?"

Umiling ako "Ako muna, then pag okay na, you ang Luhan should talk to him too."

Tumango lang si Kai and he tapped my shoulder signaling me to go on and speak to Sehun.

Kumilos na ko at umakyat, huminga muna ng malalim bago kumatok

Walang sumasagot, nakailang katok na ako, wala pa rin.

Naisipan kong maupo sa sahig at sumandal sa pinto ng kwarto ni Sehun.

"Sehun, ahhm...alam kong nakikinig ka. Sorry kung hindi ko sinabi agad. Nung una pa lang, alam ko nang member ng EXO si Jongin, yung ex boyfriend ko na nangiwan sakin.
Kaya nga nung una, ayaw ko talagang makipag kaibigan sayo. Pero, nakita ko naman na mabait ka at madaling pakisamahan, kaya nakipagkaibigan na din ako. Sorry din kasi, naging makasarili ako. Hindi ko inisip yung feelings mo. Kahit alam kong may masasaktan, tinuloy ko pa din kung ano yung gusto ko." Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako.

"Siguro kung sinabi ko na nung una pa lang, hindi na umabot sa ganito. Ang dami ko tuloy what if ngayon." Natawa ako, pero alam nyo yung tawang pilit? ganun siguro yung tawang nailabas ko.

"Siguro kung hindi ko pinilit na maging trainee, hindi ako matitira dito. Hindi sana nagulo yung friendship nyo. Sehun, okay lang sakin na hindi mo na ako pansinin forever. Pero, yung hindi mo pansinin sina Kai at Luhan oppa, hindi ko kaya. At alam kong kasalanan ko kung bakit kayo nagkakaganito. Alam ko din naman na hindi basta basta madadaan lang sa sorry 'to eh." Napahagulgol na ko. Hindi ko alam kung rinig sa baba pero wala akong pake!

Love and Contract {EXO Kai FF}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon