o18

660 21 0
                                    

o18

Yumi's POV

"Hmmm....dadalhan ko ba sya? Kung dadalhan ko sya, dapat pati sila D.O. oppa. Masyadong obvious kung sya lang. Masyado namang marami kung lahat sila....haaaay"

Nasa tapat kasi ako ng vending machine. Iniisip ko kung dadalhan ko din si Kai. Hmmm. Ano ba dapat. Malamang kasi pagod na yun kakapractice. Andito nga pala ako sa SME, nakabalik na ko after a week.

Ayun tambak yung kailangan kong matutunan, and at the same time maguumpisa na kong mag ready for my debut album. Sila Kai naman, naghahanda for their next album.

Wait! kung pupunta pala ako sa practice room, makikita ko si Chen. Haist, nahihiya pa rin ako.

Oo. sya yung nakakita saamin ni Kai sa may rooftop. Ganito kasi yung nangyari nun...

~FLASHBACK~

"Ano 'to?"

Naitulak ko si Kai, kasi may narinig kaming sumigaw, and si Chen pala. Haist.

"Aray...Yumi ang lakas nun"

"Anong ibig sabihin nun?" Tanong ni Chen oppa. Mukhang galit. Ngayon ko lang sya nakitang ganon kaseryoso.

"Ahhhmm.." Wala akong masabi. Maski ako hindi ako sure kung ano yun at kung ano kami

"Hyu....hyung, wala...wala sanang makaalam na iba nito." Sabi naman ni Kai habang ako nayuko na lang

Ang tagal sumagot ni Chen, kaya napaangat yung ulo ko para tignan sila. Nakayuko na rin pala si Kai at si Chen naman, hala nakangiti ng nakakaloko.

"hm hm...wahahahaha...para kayong mga nahuling kriminal. Hahahahaha" Hala?

"Hyung?"

"Buti na lang pala ako yung punanik...Hahaha...Mas magandang kissing scene yung napanood ko dito kaysa dun sa baba kanina....Hahahaha"

O_O Ganyan kami ni Kai.

"Hahahahaha......Bumaba na kayo, dumating na yung order natin. Hahahaha....K-I-S-S-I-N-G." Pakanta pa nyang sinabi yung 'kissing'....Feeling ko tuloy ang pula pula na nang mukha ko. "Sya nga pala, hihintayin ko yung isa sa inyo sa may hagdan. Hindi kayo pwedeng bumaba nang sabay, masyadong halata eh. Sige" Tapos naglakad na si Chen paalis nang rooftop.

"Ikaw kasi eh." Sabi ko kay Kai

"Hala ako lang ba? Gusto mo rin naman" Tapos nilapit nya pa yung mukha nya sakin, di ko alam, pero parang automatic na nag-close yung eyes ko. "tsk. kitam?"

Napadilat ako then nakita ko syang naka smirk at tumalikod na palabas.

"Ewan ko sayo!! I hate you!"

"I love you too!" Sabay kaway sakin. Lakas mang asar! (A/N: woooohhh...kilig ka naman)

Hindi ah..

END OF FLASHBACK

Kaya ayun, tuwing makakasalubong ko si Chen sa dorm, Ngumingiti nang nakakaloko, lalo tuloy akong naiilang.

"Excuse me, are you done using the machine?"

"Ahhh, sige mauna muna kayo" Sabi ko tapos nilingon ko kung sino yung nasa likod ko, si Krystal Sanbaenim pala.....at si Kai?

Love and Contract {EXO Kai FF}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon