o16

680 21 3
                                    

o16

Yumi's POV



"We're free from that contract, the 'no dating policy'" May pagyayabang na sabi ni Kai

"What?!!" Paano naman ako??? Paano kami? di ba hindi pwedeng magkaroon ng BF/GF habang may "no dating policy"???

"Nandito na kami!!!" Sigaw naman ni Baekhyun

Baekhyun??

"Bakit parang ang seryoso nyo ata?" - Sehun



Sehun??



OMG andito na sila



"Ah wala...wala yun..." Sabi ko. Biglang tumayo naman si Kai at dumeretso sa kwarto nya



"Anong nangyari dun?" Tanong naman ni Suho oppa sa akin



"Hi...hindi ko din alam" Tumango tango na lang si Suho oppa at Umupo na lang ako ng maayos sa may sofa. Nakakainis si Kai. Parang walang nangyari nung dumating lang yung mga kagrupo nya. tsk..



Ano pa nga bang aasahan ko dun. Baka mamaya pinag titripan nanaman nya ako. Na hindi totoo yung mga ginawa nya kanina, ang hirap basahin ng mga tumatakbo sa isip nya.



Naiwan nanaman akong nangangapa. Haaaaaay....



"Yumi, okay ka lang?" Nasa tabi ko na pala si Sehun, di ko man lang naramdaman. Tapos yung iba, pumasok na sa kanya kanya nilang kwarto.



"O-oo naman"


"Sigurado ka? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo eh"





"Okay lang ako no. Bakit naman ako hindi magiging okay? hahaha" Kailangan kong maging best actress ngayon. Dahil hindi ako okay. HINDI!!!



"Sabi mo eh. Lika tulungan lang natin si D.O. hyung sa kusina" Sabi ni Sehun sabay hawak sa kamay ko. Wala na kong nagawa kaya nagpahila na lang ako, same time namang pagbaba ni Kai. Ang sama makatingin eh. Bahala ka dyan...hmmmpp


"Hyung..." Tawag ni Sehun kay D.O.

"Oh? problema nyo?" Busy na si Kyungsoo oppa. Hinahanda na nya kasi yung mga ingredients sa lulutuin nya.

"Tulungan ka na namin" - Ako

"Okay. Ikaw Sehun, lagyan mo ng tubig yung kaserola para sa soup. pakita mo muna sakin bago mo isalang."




"Yes sir!" Sumaludo pa si Sehun habang sinasabi nya yun.



"Ikaw naman Yumi, tulungan mo ako dito."



"Okay, anong gagawin ko?" Tanong ko, kasi nasa may table kami sa gitna nitong kitchen. Nandito lahat nung mga ingredients.



"Hiwain mo 'to into cubes." Binigay nya sakin yung mga gulay na kailangang cubes yung sukat. Siya naman yung nag babalat ng iba pang sangkap



"Hyung okay na ba to?" Pinakita naman ni Sehun yung kaserola na nilagyan nya ng tubig.




"Dagdagan mo pa ng konti, mga hanggang dito" Tinuro nya kung saan dapat yung tubig, then umalis ulit si Sehun. Medyo malaki kasi yung space ng kitchen, kaya malaki din yung agwat nitong table sa sink



"Hoy Yumi, Pakisabi naman kay Jongin na mag ingat kayo sa susunod. Baka mamaya mahuli na kayo ng ibang members." Bulong ni D.O. sakin, sa gulat ko na pa lingon ako sa kanya, natalo ko pa ata yung laki ng mga mata nya,


Love and Contract {EXO Kai FF}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon