o28

335 10 0
                                    

Yumi's POV

"Ajjuma, isa pa pong soju dito." order ko ng soju. Don't worry pangalawa ko pa lang 'to.

Its my first time to try it and na discover kong malakas pala ang alcohol tolerance ko. I expected na magiging tipsy na ako after a bottle, pero parang walang effect eh.

*ring* Jongin calling...

Tinaob ko yung phone ko, pero mas naririnig ko pa yung pag ring nito.

Ayoko muna syang kausapin.

Ayoko munang maalala na may kilala akong Jongin

Baka sa isiping yun, mabawasan ang sakit


Malapit nang maubos yung soju ng makaramdam na ako ng hilo. Pero kaya pa naman

"Ajjuma, magkano po lahat ng nakuha ko?" Hala may tama na ata ako, may kasama nang aegyo yung pagsasalita ko eh.

"Ang cute mo palang tamaan ng alak hija, 12,000 won lahat." Nag bayad na ako at nag lakad pauwi

Kai's POV

Almost 1 AM na at wala pa si Yumi. Usually naman 11 pm na ang pinaka late na uwi nya from practice.

I dialled again her phone number for the nth time. Hindi pa rin sumasagot.

Ako na lang ang gising dito sa dorm. Kanina kasama ko si Suho hyung sa pag hihintay pero pinauna ko na syang matulog. Pagod din kasi yun and syempre girlfriend ko yung hinihintay, so dapat ako ang maghintay sa kanya.

girlfriend

I smiled like an idiot.

Hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend ko na ulit si Yumi kahit matagal tagal na kaming nagkabalikan.

I da-dial ko sana ulit yung number ni Yumi nang may marinig akong nagtype ng passcode sa pinto.

I automatically stand up and headed to the door

"Yumi, bakit ngayon ka lang?"

She just smiled cutely... teka... parang may mali?

"Jongin!! I missh you." She said then hugged me.

"Are you drunk?" I asked

"Konti lang babe, ganito oh." She said while showing how much or rather little she drunk by using her thumb and index finger

"Kahit na ganyan lang ka konti, bakit na isipan mong uminom." Sabi ko habang inaalalayan syang maka pasok sa dorm at maka upo sa sofa.

"Hmmmm... bakit nga ba? Ah...wala lang. I'm just happy because you're with me. That's all thank you." Wala malala na to

"Sandali, timplahan lang kita ng kape." Paalam ko, pero hinawakan nya yung kamay ko as if saying the that I should not leave her

"Dito ka lang." Tinapik nya pa yung katabing space nya sa sofa. "Dito, kung saan lagi kitang makikita."

"Tsss.. nagiging clingy ka na ah. But I like that. I'll be quick okay." Minsan ata eh magandang nakakainom si Yumi, mas nagiging sweet and possessive. Kinikilig ako.

Yumi's POV

The reality hits me again after umalis ni Kai para pumunta ng kusina at mag timpla ng kape.

Love and Contract {EXO Kai FF}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon