o22

710 19 8
                                    


Yumi's POV

"Ayos na ba yung mga lights? yung mga props nasa pwesto na ba? Si Ms. Yumi, naayusan na ba?" Rinig ko habang inaayusan ako. Siguro yung incharge yun, last day na kasi ng MV Shoot.


Ang bilis no? Tapos na yung photo shoot at ilang solo shots ko para sa music video, bali last day na nga ngayon at kailangang matapos na yung mga kailangang scenes and ngayon ko malalaman kung sinong sanbae ang makakasama ko.

Ang sabi kasi surprise daw, so ngayon ko lang malalaman kung sino talaga. Ang daya nga eh, siya alam na nya na kasama sya sa MV ko, pero ako, heto nanghuhula pa rin.

Tinawag na ako nga mga staff para mag umpisa na yung shoot, mga solo ko daw muna since inaayusan pa yung magiging partner ko sa mv.

Lip sync dito, lip sync doon, emote emote everywhere.

"Cut!! That was perfect! Full of emotion, Good Job Yumi." Puri ng director sa'kin

"Thanks po" sabi ko with matching 90° bow. kese nemen eh...

"Okay, retouch and we will start the next scene" Tumango lang ako at pumunta na sa makeup artist

"Ms. Yumi, next scene na po eh yung kasama nyo na po yung male partner nyo" Sabi nung coordinator

"Talaga po? May hint po ba?"

"Naku, kabilin bilinan ng mga boss na wag kang bigyan ng hint"

"Sige na po, tutal malapit nanaman, para di po ako masyadong magulat" Pinapungay ko pa yung mga mata ko, sana gumana

"Tsk, sige na nga. Pero umakting ka mamaya na walang alam ha. Baka malagot ako nito" Sabi pa nung baklang coordinator

"Shhhhhhhh... quiet lang po ako" umakto pa ako na na-zip yung bibig

"Hint lang naman, ahhmm, galing sya sa boy group ng SME"

"Yun lang po? Ang daya, hindi po ba pwedeng sabihin kung anong group? Eh understood na pong galing sya sa boy group" Naka pout ko pang reklamo

"Hahaha, oo nga no. sige, tutal madami naman silang members. Malilito ka pa rin, member sya ng EXO" Hint pa ni atey

"EXO?!" hmmm...si Kai kaya? (Ang landi- awtor), hindi no.. naisip ko lang naman

"Shhhhh. huwag kang sumigaw.. Oh sya, maiwan na muna kita dyan at pupuntahan ko na si boylet"

Tinanguan ko lang si atey, hmmm so lumiit na yung pagpipilian ko kung sino. Kinuha ko yung phone ko at nag dial

"San ka ngayon?" Sabi ko pagkasagot nya ng phone

[Ang sweet mo namang bumati] Sabi naman nya, Medyo may pagka sarcastic

"Masama bang magtanong? sige baka naistorbo kita, ibababa ko na"

[Oy ito naman, nagtampo agad. Joke lang] Hehe, effective

"Asan ka nga ngayon?"

[Dito sa practice room, bakit?]

"Di nga? wala ka dito sa locati- Ah, never mind. Natanong ko lang naman. Miss na kita" Sabi ko, medyo pabulong na yung huling sinabi ko

Love and Contract {EXO Kai FF}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon