o13

837 19 3
                                    

A/N: Sorry sa late update, and thank you sa comments!!

=========================================

o13

Yumi's POV

Maaga ulit akong nagising, ngayon kasi yung contract signing para maging official trainee na ako ng SMENT

Naligo na ko at nagbihis. May text na rin kasi si Shinyoung eonnie na kailangan na daw ako dun within 30 minutes.

Palabas na sana ko, kaso yung pinto.....na stack up nanaman! Hindi ako makalabas.

Paano na to? Nagmamadali pa naman ako.

"Sehun! Suho o--oppa! nakulong nanaman ako!!!!" Kinatok ko yung pinto, pero wala atang nakakarinig. Baka tulog pa sila.....or worst.....ako na lang tao dito!

Ang agang kamalasan. Kinuha ko yung phone ko at nagtext kay Shinyoung eonnie na nakulong ako sa sarili kong room.

Mag text din kaya ako kay Sehun? Baka maabala ko pa yun.

*ring ring ring*

May tumatawag sa phone ko, hindi ko na tinignan kung sino kasi nagmamadali na din ako at malamang si eonnie to, sya lang naman yung sinabihan ko eh.

"eonnie!! nakulong ako!!"

[eonnie? Hindi mo tinignan kung sino caller mo no?]

"Ikaw? bakit ka napatawag." naiimaggine ko nanaman na naka smirk tong loko loko na to

[Nakulong ka nanaman daw. Buti na lang kausap ko so noona nung nag text ka. Susunduin po kita dyan.]

"O....okay" Yun lang nasabi ko

[Sige na, malapit na ko sa dorm. Lumayo ka sa may pinto at baka kailangan pwersahin. Bye]

"Kai..."

[Hmmm?]

"Huwag mo munang ibababa, ahhmm...medyo kinakabahan ako eh."

[Matatakutin ka pa rin. Okay sige po.]

"Sige mang inis ka lang..." Natigilan ako, parang bumalik kami dun sa dating kami. Yung iniinis lang niya ako, walang Kai na sikat na sikat at walang Yumi na iniwan. Ganito kami dati. laging nag iinisan, kahit sa phone.

[Yumi?.....Yumi?]

"Huh?"

[Tumahimik ka kasi, akala ko....nevermind...ahhm nandito na ako sa harap ng room mo.]

Lumapit ulit ako sa pinto at kinatok

"Kai?"

"Tsk...sabi ko lumayo ka" Narinig kong pinipihit nya yung doorknob pero di pa rin bumubukas yung pinto.

"Okay lalayo na"

"One, two, three!" Narinig kong bilang nya. Ano kayang gagawin ng mokong na to?

Waaaaah! bumukas yung pinto!!

Kai's POV

"One, two, three!" Sabi ko sabay sipa sa pinto. Tapos nakita ko si Yumi na nakaupo sa kama. Nung makita nya na ako, tumayo sya at....at niyakap ako?

"Jongin!"

"Jongin?" na miss ko yung pagtawag nya nang real name ko.

"Ahhmm...Sorry Kai, na...na excite lang ako." Sabi ni Yumi sabay bitaw sakin.

Love and Contract {EXO Kai FF}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon