o17

759 17 1
                                    

o17

D.O.'s POV

"Kakain na!" Sigaw ko.

Hinintay ko munang matapos yung landian nung dalawa sa living room bago ako sumigaw. Mahirap na.

Oo. May alam ako.

Ako lang naman yung parang walking diary ni Kai noong trainee days pa lang namin. Lagi nyang nakukwento yung girlfriend nya until naging mag "EX" sila. Though hindi naman nya nasabi yung name, nahalata kong nagkita ulit sila.

Iba kasi yung mga kinikilos ni Kai everytime na nakikita nya si Yumi. Hindi ko alam pero siguro ako lang ang nakakapansin nun. At hindi ko din mapaliwanag kung paano kong nalaman na si Yumi at ang ex ni Kai ay iisa, I just need a confirmation. Parang 80% sure ako na si Yumi nga yun.

Back to reality muna tayo...

So ayun nga tinawag ko na silang lahat. Si Yumi, hindi makatingin sakin. *smirk*

Lumabas na yung ibang members, late lunch and early dinner na to. Alanganin talaga minsan yung mga meals namin dahil sa sobrang busy.

Umupo na yung iba, tapos nakita kong umupo si Yumi sa tabi ni Sehun at si Kai, uupo sana sa tabi ni Yumi, pero inunahan ko. Tsk, hindi ako nag seselos no!

Lumayo muna dapat sila sa isa't isa, gugulo lang pag maraming makahalata. Si Kai, inirapan pa ako. tsk

===========================

Yumi's POV

Haaaay. Ang hirap kumain. Paano ba naman, katabi ko lang naman si D.O. oppa. Hindi ko tuloy akam kung paano sya haharapin ngayon. Nahihiya ako na ewan. Hindi ko din alam kung bakit.

"Yumi, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Sehun, sya kasi yung nasa kaliwa ko.

"Oo, okay lang ako." Sagot ko naman

"Kanina mo pa hindi ginagalaw yung pagkain mo, kumain ka na" Sabay lagay ng beef at ibang gulay sa plato ko. Tumango na lang ako at kumain, napatingin naman ako kay Kai, ayun di nanaman maipinta yung mukha.

Haaayyy. Napa kaawkward ng pwesto ko.

Nagumpisa naman silang magkwentuhan tungkol sa sisimulan nilang album for christmas season patapos na kasi yung promotion nila for Growl. Mini album lang naman daw (A/N: Medyo late yung time frame ni author, hayaan nyo na...peace!!)

"Ahhm...Yumi, kamusta na nga pala yung ankle mo? okay na ba?" Tanong naman ni Suho oppa. Yan yung gusto ko kay Suho, para ko na syang kuya kahit sandali pa lang ako dito sa dorm nila

"Ok nanaman na sya, two days from now pwede na akong bumalik sa pag papractice"

"Good. Basta magpahinga ka lang dito, hayaan mo na kung makalat yung dorm. Darating naman yung tagalinis bukas." Dagdag pa ni Suho oppa. Tumango na lang ako. Napansin pala nyang nag linis ako kanina.

"Waaahh, the best talagang mag luto si Kyungsoo, ang sarap nitong soup" Biglang sabi ni Luhan

"Ako nagtubig nyan" Muntik ko nang mabuga yung kinakain ko sa sinabi ni Sehun

"Akala mo naman ikaw yung nagtimpla, makapag bida to!" Sabi ni Baekhyun na hindi na napigilang tumawa

"Ang hirap kayang magtantya ng tubig, kung sobra, walang lasa, pag kulang baka naman umalat yan" Napipikong litanya naman ni Sehun. Lalo tuloy tumawa sila Baekhyun. Si Chanyeol may pahampas hampas pa ng mesa

"Wahahaha, pwede namang itama ni Kyungsoo yung timpla nya base sa dami ng tubig. Utak nito!" Dag dag na pang iinis ni Chen. Si Tao naman naluluha na sa kakatawa. Sila Kris, Xiumin, Suho, Lay at Luhan halatang nagpipigil lang nang tawa para hindi mapikon yung maknae nila habang si D.O. nangiti lang at pailing iling samantalang si Kai, hayun poker face.

Love and Contract {EXO Kai FF}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon