Natatakot akong magsalita. Hindi ko alam kung sino ang kakampi at kung sino ang kalaban.
Dinala nila ako sa isang private room. Pagpasok ko, agad kong nakita ang incubator sa sulok. Nandoon ang isang maliit na sanggol, napapalibutan ng mga tubo at ilaw.
Huminto ang mundo ko.
Nagmadali akong lumapit pero hinawakan agad ako ng nurse sa braso.
"Ma'am, bawal po muna—"
"My baby... oh my poor baby..." umiiyak kong sabi. Hindi ko akalaing ganito kasakit makita ang anak mo na ganito kaliit, ganito kahina. Para akong hinihiwa sa dibdib.
Saglit akong napaisip. Kung ganito kasakit para sa akin, ano kaya naramdaman ni mom para sa totoong Celestine?
"Celestine!" sigaw ni mom mula sa likod ko.
Lumapit siya, galit ang mukha niya. "What do we need to know?"
Huminga ako nang malalim. Nanginginig ang kamay ko pero pinilit kong magsalita. "I was not sure but I noticed one thing about your real daughter. You never went late at night over to Celestine's room. Only dad was the one. It also looked like dad wasn't happy about Celestine regaining her consciousness . Kahit minsan hindi ko nakita si mom na naging masaya dahil kay Celestine."
Napatingin ako kay dad. Wala akong mabasa sa mukha niya. Pero malinaw sa mga mata niya na galit siya. Parang niya akong sasaktan.
Bumalik ang tingin ko kay mom. Litong-lito siya.
"What are you talking about?" she said. "Celestine has never woken up from her accident. Not even once."
"I saw it," sagot ko agad. "Noong bumalik ako sa bahay, pumasok ako sa kwarto niya kahit bawal. May pumasok na mga tao... parang doctor. I heard dad saying na hindi pa dapat siya magising. Then they injected something. Humingi ng tulong si Celestine sa akin. Pero natakot ako. Wala akong nagawa."
Napahagulgol ako. Hanggang ngayon, dala ko pa rin ang konsensya.
Tumingin si mom kay dad. Galit na galit na siya.
"Stupid brat," sagot ni dad, malamig ang boses. "We fed you. We gave you everything. So what if it's true?"
So all my suspicion was true after all?
"Hon?" nanginginig na sabi ni mom. "Ano'ng ibig mong sabihin? Totoo ba lahat ng sinabi niya?"
Ngumisi si dad. Iba na ang mukha niya, parang hindi ko na kilala.
"Your children are useless. I only wanted you. Ikaw lang. The accident? I planned it. Pagod na ako sa batang 'yun. Hindi ko naman anak. Then when she was critical, you said we should fake another Celestine para buo pa rin ang perfect family na gusto mo. I agreed. Hindi ko rin alam kung bakit. Tapos malalaman ko na isa sa mga anak mo ang ipapalit mo?"
Tumawa siya. Isang nakakatakot na tawa.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Isa niya pang anak?
Ako lang naman ang pumayag magpanggap bilang Celestine.
Ibig sabihin ba nito... anak niya ako?
Biglang pumasok sa isip ko ang mga pagkakapareho namin ni Celestine.
Napaatras ako ng kaunti. Parang umiikot ang paligid ko. Sa likod ko, naririnig ko ang mahinang tunog ng makina ng incubator.
Who am I?
Tinitigan ko si mom. Kung alam niya pala ang lahat, bakit ganito ang trato niya sa akin? Bakit parang wala lang ako sa kanya?
Dad laughed softly, pero galit ang mga mata niya.
"I didn't believe you when you told me we were only using her," he said to mom. "Pero nakita ko kung paano mo siya tingnan. Nakita ko kung paano mo tingnan ang batang 'yan."
Bigla niyang hinawakan si mom sa braso. "I loved you. This arranged marriage felt real to me. Totoo para sa akin. But when you cheated on me, you had the audacity to tell me we should raise those twins together?"
Twins.
Twins?
Napaatras ako. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang pananakit nila sa akin, o ang posibilidad na anak nila ako.
"Ano'ng sinasabi mo?" mahina kong tanong. "Twins?"
Tumawa siya ulit, pero walang saya. "You think you're special? You think you just appeared? Anak ka niya. Anak ka ng babaeng 'to."
Napatingin ako kay mom. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi siya makapagsalita.
"I'm Your child?" nanginginig ang boses ko. "You abandoned your child?"
Hindi siya agad sumagot. Silence means yes I guess.
Aaminin ko, natatakot na ako. Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko.
Sa gilid ng kwarto, tahimik lang si Elijah. I didn't even notice na nakapasok na pala siya. Halatang nalilito siya sa pinag-uusapan namin. Hindi niya alam ang buong kwento. Hindi pa rin pala niya alam kung sino talaga ako.
Unti-unti siyang lumapit sa incubator.
Hindi siya nagsalita at hindi siya nakialam. Diretso lang siya sa sulok ng kwarto, sumilip sa loob ng incubator.
Then I heard him exhale.
"He's alive."
Parang bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko.
YOU ARE READING
His Virgin Stripper
RomanceElijah x Valerie Short Story Please read at your own risk. Old and unthought 04-2022 ~~ 03-2023
