AN: This chapter is dedicated to Abby2796 :) Thankiiee sa PM.
Meli's POV
Hindi ko pa rin alam kung papayag ako sa favor na hinihingi ni Kyro. Bukod sa mahirap para sa taong broken hearted na magpanggap na masaya, nakakonsensya rin ng sobra yung magsinungaling ka sa isang tao. Lalo na sa taong may sakit.
Hindi yun ganun kadali. Tsk. Kaso yung lokong yun eh pinagbabantaan ako. Kainis! Ayoko namang masuspend.
Hays. Ano ba tong mga nangyayari saken? Puro nalang kalungkutan at kamalasan.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na masasabing lahat yun ni Dustin. Ang sakit lang talaga.
Siguro nga wala sa tagal ng pinagsamahan para makilala mo talaga ang isang tao.
Siguro nga, yung tatlong taon na yun ay kalokohan lang. Hindi naging totoo at hindi naging sapat....
.......Not real enough to lasts forever.
Ang drama ko noh? Tss. Kapag ikaw nasaktan, maiintindihan mo rin ako. Wag ka mag-alala, ipapahiram ko sayo yung librong binili ko.
Pagpasok ko ng classroom, sinalubong agad ako ni Mawu. Half-japanese siya pero dito sa Pilipinas lumaki. Siya yung ka-close ko sa room. Study buddy kumbaga.
Siya lang din yung nag-iisang college friend ko na nakaka-alam sa sitwasyon ko.
"Uy Melisha! Kainis ka! Kitang kita ko kayo kahapon!"
"Ha?!"
"Kakatampo ka. Di mo man lang ikukwento saken?? Nakita ko kayo kahapon ni Kyro na magkayakap. Naka move on ka na ba? Kayo ba ni Kyro?"
"Hoy! Mali ka ng pagkakaintindi!"
"Eh anong drama yun ha?! Love under the rain?"
"Yuck! Nakakadiri ka! Tumigil ka nga! Mali ka ng iniisip."
"Sus! Ipapaalala ko lang ha. Wag kayong PDA. Tsaka mag-ingat ka nga."
"Mag-ingat?"
"Oo. Kase baka mamaya, makita nalang kitang nakahandusay dyan sa labas. Melisha Acosta, dead on the spot. Killed by Kyro's fangirls and fangays. Bwahahaha!"
Para akong kinilabutan dun sa mga sinabi ni Mawu. Bigla kong naalala yung mga babaeng nakatingin sa akin ng masama nung hinawakan ni Kyro yung kamay ko at hinila palabas ng school.
Jusko! Isa pang kamalasan! Waaah! Bakeeet?!!
Timmy's POV
Nasa gym kame ngayon- ang buong volleyball team para mag-practice at paghandaan ang regionals.
Kakasabi lang ni coach na mag water break muna kami at magpahinga ng konti, pero itong si Kyro eh ayaw magpa-awat.
Ang init na naman ng ulo niya. Tsk. Nagsimulang uminit yung ulo niya nung sinabi sa amin ni coach kanina kung sinu sinong teams ang makakalaban namin. Nainis siya nung hindi namin ka-bracket ang Grandale University.
Sa madaling salita, makakalaban lang namin sila ulit kung kami at sila ay makakapasok sa nationals.
Tinignan ko si Kyro. Inis na inis yung mukha niya.
Kinuha niya ulit yung bola para magserve. Aggresive serve lagi ang ginagawa nitong si Kyro. Ihahagis niya muna kasi ng malakas yung bola ng pataas, saka tatalon at papaluin.
Yung parang siya na yung nagset, siya na rin yung nagspike.
"Uy bro! Tama na muna yan!"
"Hindi! Kailangan nating matalo ang Grandale U!"
BINABASA MO ANG
He loves the Craziness I hide
Teen FictionThere's this girl who is still crazily inlove with her ex. And there's this other guy who unexpectedly fell inlove with her craziness. Can a crazy little called love make a destiny for them? Or being healed from the past is what love can only do?