CHAPTER 8: Cupcake

6 1 0
                                    

Meli's POV

"......you didn't deserved to be hurt Meli."

Nakakainis naman! Bakit hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa utak ko yung moment na yun?! Asar naman!

1 week na yung nakakalipas matapos nun. Pero di ko pa rin makalimutan. Tsk.

Mabuti na rin yung hindi ko masyadong nakikita si Kyro sa school. Sa pagkakaalam ko, busy na sila para sa regionals.

"Isha! Lumabas ka dyan sa kuwarto mo! Game na ng school niyo. Suportahan mo yung boyfriend mo."

"Mama!!!"

"Haha! O siya, hindi na. Pero lumabas ka na dyan."

Isa pa tong si mama! Isang linggo niya na rin akong inaasar dun kay Kyro. Kainis!

Nakilala siya ni mama nung hinatid niya ako pauwi nung gabing yun. Si mama naman tinanong si Kyro kung nilalagawan ako pero ang loko, hindi sinagot si mama at ngitian lang. Buwisit! Madali lang namang sabihing "hindi" diba?!

Ilang beses ko na ring ipinaliwanag kay mama na hindi talaga pero ayaw niya pa rin akong tigilan sa pang-aasar. Tsk.

Lumabas ako ng kuwarto at viola!!! Naloka ako kay mama na may niluto pang pop corn at ginawang nachos.

"Ano ma? Movie marathon lang ang peg?"

"Para mas masaya habang nanunuod! Haha."

Tss. Para namang exciting yung panunoorin namin.

Binaling ko yung tingin ko sa Tv at nakita ko si Kyro na parang hindi mapakali.

Bakit ganun? Iba yung expression ng mukha niya kesa nung unang beses ko siyang makitang naglaro.

Pakiramdam ko parang wala siya sa focus ngayon?

Natapos ang first 2 sets at panalo sa parehong set ang Tomagawa University. Matatalo na kami kung magpapabaya pa sila sa 3rd set.

Yung mga commentators, napansin din nilang walang concentration si Kyro. Mababa rin yung score records niya. Pati yung mga spikes niya parang walang lakas.

Si mama tinatanong ako kung anong nangyayari kay Kyro. Pero wala naman akong masagot kasi hindi ko naman alam.

Pero napansin kong kada time out nila, tingin ng tingin si Kyro sa phone niya. Sa pagkaka-alam ko dapat walang gadgets habang naglalaro, pero yung coach nila parang hinahayaan lang siya?

Teka, hindi kaya ngayon ang operasyon ng lola niya?

"Oh Meli san ka pupunta?"

"Kukunin ko lang po sa kuwarto yung phone ko."

Kyro's POV

Wala akong nagugustuhan sa mga nangyayari. Hindi ko maibigay yung 100% ko sa laro kasi iniisip ko si lola.

Ang sabi ko kina tita, itext ako agad about sa operasyon ni lola pero hanggang ngayon, wala pa rin. Kainis! Hindi ako mapanatag.

3rd set na at 5-0 ang score. Lamang na lamang ang Tomogawa. Asar!

Tumawag ng time out si coach pero hindi ko siya pinakinggan at tinignan ko nalang yung phone ko. At salamat naman at may nagtext na.

From: Meli Baliw HOY! SOBRANG PANGET NG LARO MO!! HINDI MATUTUWA SI LOLA KAPAG NATALO KAYO NGAYON KAYA AYUSAN MO!!!! ANG PANGET MO NA NGA PATI LARO MO PANGET PA! TSK.

Aba't!! Lokong babaeng to ah!! Makapanget akala mo ang ganda niya!! Teka, nanunuod siya ngayon?

"Timmy!"

He loves the Craziness I hideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon