CHAPTER 9: Z&Z

6 1 0
                                    

Meli's POV

Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa mga di kaaya-ayang nakita ko sa restaurant kahapon. Ang galing kase ng tadhana eh. Tsk. Kainis!

Dapat hindi ako papasok ngayon eh kaso si mama pinilit ako. Pakiramdam ko kasi wala ako sa sarili. Tsk.

"Hoy Melisha!"

"Siya ba yung Melisha friend? Grabe ang pangit niya."

"True bakla! Pangit talaga siya!"

Sino ba tong mga alien na nasa harapan ko?! Tss. May babae at baklang humarang saken nung paakyat na sana ako ng 4th floor.

Hindi ko nalang sana sila papansin kaso nung tinangka kong umiwas nalang eh hinarang ako nung baklang alien.

"Hoy pangit! Kinakausap ka pa namin!"

"Tsk. Ano ba kasing kailangan niyo ha?!"

"Iwasan mo si fafa Kyro!"

"Ano?"

"Hoy akala mo ba hindi nakakarating sa amin na pinupuntahan ka pa ni fafa Kyro sa classroom para lang sunduin?!"

"Teka nga, sino ba kayo?!"

Sasampalin sana ako nung bakla kaso pinigilan siya nung kasama niyang babae.

"Friend! Narinig mo?! Nakakainis eh hindi niya tayo kilala?!"

Sino ba sila? Dapat ba kilala ko sila?!

"FYI lang pangit na babae, kami lang naman ang mga asawa ni Kyro!"

"Asawa?"

"Yeah. I'm Suzette, a.k.a Zette."

"I'm Ruzell, a.k.a Zell"

"And we are the Z&Z zizterz!"

Hindi ko alam kung matatawa ako sakanila kase may kasamang palakpak at beso beso yung pagkakasabi nila ng "Z&Z zizterz". Tss. Mga alien nga to may gusto kay Kyro eh. Gets ko na to, mga presidente siguro sila ng fansclub ni Kyro. Tsk. Eeewww!!

Maya maya, tinignan ako ng masama nung Zette.

"Hoy, hindi ko nagugustuhan yung pagiging malapit mo kay Kyro. Kung ayaw mong maging magulo yang buhay mo, ngayon pa lang lumayo ka na."

"Pinagbabantaan niyo ba ko?!"

"Oo! At hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo kapag patuloy mo kaming ginalit."

Kung nakakamatay lang siguro yung masamang tingin, jusko malamang sa oras na to eh hindi na ko humihinga.

Bago nila ko iwan, tinignan muna nila ako mula ulo hanggang paa sabay tawa. Sa totoo lang, nakakatakot talaga yung mga tingin nila.

Yung tingin na parang pinapatay nila ako sa mga utak nila. Tsk. Dapat iwasan ko na si Kyro.

Pagpasok ko ng room, parang hindi maipinta yung mukha ni Mawu nung makita ako.

"Meli! Bakit ganyan yang mga mata mo? Wala ka bang tulog?"

"Wala eh. Nga pala, may kilala ka bang Zette at Zell?"

"OMG! Sila yung Z&Z sisters! Bakit?! Anong nangyari? Sinaktan ka ba nila? Kelan ha-"

"Ssshh! Hindi nila ako sinaktan."

"Whoo! Grabe Meli pinakaba mo ko. Kilala kasing notorious yung dalawang yun eh."

"Notorious?"

"Notorious na pala away. Pero hindi sila napapa-guidance kasi tatay ni Ruzell si Mr. Casto yung guidance councilor."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He loves the Craziness I hideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon