CHAPTER 2: Perfect Match

15 2 0
                                    

CHAPTER 2: Perfect Match


Meli's POV


2 weeks, 3 days and 16 hours na pala kaming wala ni Dustin. Wala ng kame. Wala ng dapat panghawakan. Siguro nga kailangan ko ng mag let go.


Nung araw na nakipaghiwalay siya sa akin, halos mawala ako sa sarili. Umuwi pa ko na iyak ng iyak. Ilang araw din akong hindi makakain. Hindi kinakausap ni mama at hinahayaang umiyak.


Pero nung isang araw lang, kinausap na niya ako. Akala ko hindi pa alam ni mama ang lahat... pero hinayaan niya lang pala talaga akong ilabas lahat ng luha at sama ng loob ko.


"Anak, nasasaktan akong nakikita kang ganyan, gustong gusto kong sapakin yung Dustin na yun kaso wala rin namang magagawa yun. Hindi ko na maaalis yung katotohanan na nasakatan ka niya. Pero he's not worth your tears anak. Nabuhay ka na noong wala siya, mabubuhay ka rin ngayong wala siya. Someday you'll know the reason behind those pain and tears. Someday, you'll know why it doesn't work out. Someone will come and make you realize why things need to fall apart. And that someone will fill those empty parts of yours. Hindi yun si Dustin anak. Bitawan mo na siya at bitawan mo na ang lahat ng sainyo."


Tama si mama. He's not worth my tears. Hindi talaga tamang iniiyakan ko siya. Buong akala ko nagsawa na siya sa amin na ako ang may mali, na ako ang nagkulang, na ako ang walang oras, yun pala naglandi lang talaga siya. Yes. Isa siyang manloloko!


Nabalitaan ko sa schoolmate niya na may bago na siya at 3 months na raw sila samantalang kame pa nun. Walanghiya talaga yung gag* na yun!


Nag college lang kame eto na? Nagbago na lahat? Pati yung sa amin magbabago na? Porket sa magkaibang university kami pumapasok, kailangan na rin naming maghiwalay?


2nd year High school nung maging kame. Elementary palang classmates na kame. First boyfriend ko siya at......



First heartache.


Tama na! Ayoko na ng pain na to!


Kailangan ko ng magsimula ulit. Kailangan kong ipamukha sakanyang kaya ko ng wala siya!


Heto ako ngayon nililinis yung kuwarto ko. Kinakahon lahat ng alaala at itatapon. Stuff toys, pictures, petals ng mga bulaklak na tinago ko, couple shirts, keychains, drawings, letters, at yung diary.


Meron kaming diary. Every other day nasa kanya yun at susulatan niya tapos ibabalik niya sa akin at ako naman ang magsusulat. Ganun kame dati. Lahat pa ng dreams naming dalawa nakasulat doon. Ibang iba siya dati. Pero bigla nalang nagbago. Nung nagcollge na kami, hindi na niya nakuha sa akin yun kase busy daw siya. Oo nga. Busy. Busy sa babae niya.

Naiiyak na naman ako ng mabasa ko yung mga nakasulat dun. Hindi ko napigilang maiyak. Napapatanong ako kung siya ba talaga ung minahal ko. Yung Dustin na nagpapasaya sa akin dati.


Pero kaya ko to. Tama! Kaya mo yan Meli! Makakalimutan mo rin ang lahat!


He loves the Craziness I hideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon