CHAPTER 6: Trying again

8 1 0
                                    

Meli's POV

Bakit parang pakiramdam ko lagi nalang akong talo sa mga discussion namin ni Kyro?!

Unfair? Nagiging unfair nga ba ako kay mama? Sabi ni mama noon, nasasaktan siya kapag nakikita niya akong nasasaktan. Tsk.

Bago nga pala kami makauwi ni Kyro kanina, dumaan muna kami ng National Bookstore at ang dami niyang biniling art materials-Cartolina (mas marami yung red), colored papers, tapes, gunting at kung anu-ano pa.

Nung tinanong ko siya kung saan niya gagamitin, hindi ako sinagot.

"Love me like you do....la la love me like you do-"

Tsk. Yung phone ko nagri-ring.

From: +639057874*** Sa sunday yung meet up natin kay Lola. 9:00am dapat nandun ka na. I'll text you the address of the hospital. DON'T BE LATE!! -Kyro pogi

Aba't! Ang kapal! Anong pogi?!

To: +639057874*** Hoy! Kanino mo nakuha ang number ko?!

"Love me like you do....la la-"

From: +639057874*** Kay Mawu.

Tsk! Kainis naman! Kota ka na talaga sakin Mawu!

"Love me like you do....la la love-"

Tinext niya na yung address. Teka, Eastwood Medical Center?? Pang mayamang hospital yun ah?!

Kyro's POV

Gusto ko tong gawing best sunday para kay Lola. At para kay Meli? Tss.

Dahil sa wala akong alam sa mga relationship things, nagsearch pa ko sa internet nung nakaraan kung anong pwedeng pakulo. Tsk. Sana lang gumana yung mga plano ko.

Tinawagan ko si Meli kanina na sakyan lang lahat ng mga plano ko. Hindi ko na dinetalye sakanya lahat ng plano basta sinabihan ko nalang siyang galingan niyang umarte ngayon.

Sana lang wala siyang saltik mamaya kundi sayang lahat ng effort ko. Tss.

5am pa lang, nasa hospital na ko. Nag request din ako sa mga doctors ni lola na ilipat muna siya ng ibang kuwarto kasi aayusin ko yung kuwarto niya.

Private nurses ang mga nagbabantay kay lola kapag weekends. Wala kasi sina tita. Kaya timing lang na ngayon ko ipakilala si Meli.

Hay. Diwata nang katinuan, pwede bang sapian mo si Meli? Kahit ngayong araw lang?

Meli's POV

Kainis talaga kahit kelan yung Kyro na yun! Ang aga niyang tumawag! 6:05am palang nambubulabog na!!

Asar! Hindi na tuloy ako makatulog. Kaya binasa ko nalang yung libro para sa mga nagmo-move on.

No. 3: "Make his name a bad word." Don't mention his name in any circumstances.

Ay madali lang to. Kering keri. Ok! Simula ngayon hindi ko na babanggitin ang pangalan niya.

No. 4: "Change your circle of friends." Meet and hangout with new friends.

Buti nalang sa iba't ibang universities kame pumapasok nung mga highschool friends ko. Hindi namin mapag-uusapan ng madalas yung sa amin ni *tooooot*.

So far, si Mawu palang ang new friend ko. Tapos hindi pa naman kami gumagala. Tsk. Pano ba to? Kailangan ba talaga "friendsssss"??

"Isha!! Ang sabi mo may lakad ka ngayon diba? Kumilos ka na dyan!"

"Opo ma."

'Isha' nga pala ang tawag sa akin ni mama. Ayaw niya ng 'Meli' at lalong 'Mel' ayaw niyang nababanggit yung part na pangalan ni papa. Long story kung bakit.

He loves the Craziness I hideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon