Kyro's POV
Hay. Buti nagustuhan ni lola yung unang plano ko. Masayang makita yung mga ngiti ni lola. Ang effort ko kaya. Dun palang sa dingding eh. Haha.
Pero itong Melisha eh parang walang reaksyon sa lahat ng mga nangyayari. Parang nang-aasar lang. Kainis! Pero maige na rin yan kesa tamaan siya ng saltik niya.
Kanina ko pa siya nakikitang namumula at titig na titig sa akin. Feeling ko tuloy ang pogi ko ngayon. Tsk. Pogi naman talaga ako ever since. Haha.
Ok. 2nd plan na tayo. Buti nalang may kusina dito sa kuwarto ni lola. May nabasa kasi akong 'The way to a woman's heart, is through her stomach.'
"Now lola, are you ready to watch a live cooking show?"
"Cooking show?"
"Yes. I'm going to cook your favorite carbonara and bake some cupcakes."
"Wow apo. That would be great. But I can't take solid foods. Just do the tasting for me Melisha. Is it ok?"
"Po? Ah sige po....pero magba-bake ka ng cupcakes Kyro?"
"Yeah. Bakit?"
"May icing ba yan?"
"Oo. Lalagyan ko ng icing sa ibabaw pang-"
"WAAAAHH"
Ay syete! Biglang sumigaw si Meli. Ano ba?! Paborito na naman nung loko?!!!
Bigla siyang tumayo, lumapit sa akin at hinawakan yung mga braso ko. Kainis! May saltik na naman ba siya?!!!
"Paborito ko yan. Pwede ba kitang tulungan? Pleaseeee?"
May kasamang pag-pout at puppy eyes yung pagkakasabi niya. Parang...parang ang cute niya. Tsk. Ewan.
"Tss. Bahala ka."
"Yehey!! Thank you!"
Ano ba Meli! Para kasi siyang batang biglang yumakap sa akin. Kainis!
Tapos bigla siyang dumeretso sa kusina. Kita mo to! Yayakapin ako tapos bigla akong iiwanan. Tss. Baliw talaga.
Nakita ko si lola na iba yung ngiti. Yung parang kinikilig? Tss.
Pagpunta ko sa kusina, naitabi na ni Meli yung mga nalaglag na balloons. At nagulat ako nung naka-apron na siya. Tss. Nahanap niya kaagad sa kitchen drawers yung apron.
"Kyro oh. Dali! Suot mo na to."
Lumapit siya sa akin at sinuot niya sa leeg ko yung apron. Nagtama yung mga mata namin tapos nginitian niya ako.
Asar! Para akong kinabahan dun sa ngiti niya. Kaba nga ba? Basta yung para kang inaatake sa puso.
Pumunta siya sa likuran ko at itinali yung lace ng apron.
Hindi ko nalang pinansin yung kaba ko at nagsimula ng i-prepare yung mga recipes.
Kinuha naman sa akin ni Meli yung mga recipe para sa paggawa ng cupcakes.
"Hoy marunong ka ba niyan?"
"Oo naman noh. Favorite ko kaya ang cupcakes. Tsaka gumagawa rin kami ni mama ng ganito. And, FYI yung cupcakes ko ang pinakamasarap sa lahat! Hahaha."
Alam kong hiniling ko kanina na sana sapian siya ng katinuan. Pero parang ibang Melisha yung kasama ko. Para kasing kumikislap yung mga mata niya tapos puro excitement yung nakikita ko sa mukha niya.
Sa pagkaka-alam ko, ako yung nagsurprise. Pero parang pakiramdam ko ako ang nabiktima sa surprise na to sa mga kinikilos ni Meli.
Dahil 'cooking show' to, ine-explain ko kay lola yung process ng pagluluto. Pero si lola, puro tawa sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/40583355-288-k497474.jpg)
BINABASA MO ANG
He loves the Craziness I hide
Roman pour AdolescentsThere's this girl who is still crazily inlove with her ex. And there's this other guy who unexpectedly fell inlove with her craziness. Can a crazy little called love make a destiny for them? Or being healed from the past is what love can only do?