Chapter 27

17 1 0
                                    

Patrick's POV

*The day after mag email ni dad*

I went to my office late. Hindi kase ako nakatulog ng maayos dahil sa email ni Dad.

Gaya ng inaasahan, umuwi si dad ngayon at heto siya nasa opisina ko.

"Anong kahibangan ito Patrick!?"

"Dad, alam mo naman na hindi ko mahal si Reg. She's just like a sister to me."

"Matututunan mo rin naman siyang mahalin! Mabait na bata si Regina. Kayong dalawa lang ang nababagay anak."

"No dad. I... I love someone else."

"You what? Love someone else? At sino naman siya?"

"She-" naputol ko ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Reg sa loob ng opisina ko kasama si Tito Dom, his dad.

"Oh. Iha, pare you're here." Humalik sa pisngi ni daddy si Reg, nagmano naman ako kay tito Dom.

"Babe! I miss you!" Niyakap niya ako at hinalikan sa labi, agad naman akong umiwas.

"Mukhang namiss niyo ang isa't isa maiwan na muna namin kayo." Natatawang sabi ni tito Dom.

Lumabas na sila ni dad sa opisina ko. Tinulak ko si Reg at hinarap sa akin.

"Ano nanaman ba ito Reg? Napag usapan na natin to diba?"

"No! Pat, please... Give me another chance! I love you so much!"

"But I don't love you like you wanted it to be."

"No! I'll do everything para mahalin mo ko!"

"I'm sorry Reg, but I can't!"

"No! Please! Please!" And she cried and cried then bigla siyang nawalan ng malay. Dinala ko siya sa hospital. Tinawagan ko na rin si daddy at tito.

"What happened to her Patrick?"

"I d-don't know tito, nag uusap kami then she passed out."

Kumalma na rin naman si tito. Lumabas ng kwarto ni Reg yung doctor at nilapitan ito kaagad ni tito Dom.

"How's my daughter?"

"She's fine now mister, but make sure na hindi na siya maiistress."

I sighed in relief. Buti naman at okay na siya.

--
Two days ding naconfine si Reg. I volunteered to take good care of her, kasalanan ko naman kase kung bakit siya naospital ngayon.

"Babe! Punta tayong tagaytay please? I want to breathe some fresh air."

"Okay. Okay we'll be going to tagaytay but not now, may aasikasuhin muna ako sa opisina okay?"

"Okay!" Then she hugged me.

Pumunta ako sa office at sinimulan ng magtrabaho. I checked my emails and attended some meetings.

Natapos ako ng maggagabi na. I looked at my phone, at nakita ko dun na may text si Gian. Haay. Hindi ko na natetext or natatawagan si Gian.

I miss you mine, soooo much! I love you.

Dahil hindi ko naman siya matiis, tinawagan ko siya. Dalawang rings pa lang e sumagot na kagad siya.

"Hey! Bakit ngayon ka lang tumawag! Two days.. Two days kang di nagparamdam!"

"Hello din mine. Haha. Sorry... I didn't mean to do that, super naging busy lang ako at sa following days din po magiging busy ako."

Officially Missing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon