𝙾𝙽𝙴

16.8K 228 40
                                    

Marley

Sa panahon ngayon, hindi na bago ang salitang intersex. Kaya hindi ko rin itinatago na isa ako sa mga taong dalawa ang kasarian, well wala namang ibang nakakaalam maliban sa mga close ko sa buhay. Hindi rin kasi halata sa'kin dahil babae pa rin ako kung kumilos kahit ang pisikal na anyo ko ay babaeng babae rin.

Simple lang ako, wala masyadong arte sa katawan lalo na sa mukha. Simpleng liptint at powder lang okay na ko.

Maliban sa kasarian ko ay may isa pa akong tinatago, ang babaeng matagal ko ng nagugustuhan. Wala akong lakas ng loob na sabihin dito na gusto ko s'ya dahil hindi naman hamak na wala lang ako sa kalingkingan nito.

S'ya si Shaye she's  21years old and a second year student sa business ad, she's about 5'4, maputi ito at natural na maganda kahit wala ng kolorete. Alam ko yun dahil mahigit isang taon na rin syang nangungupahan sa apartment ng ninang ko. Sa pag kakaalam ko kasi ay malayo ang bahay nito mula sa school kaya mas minabuti nitong mangupahan nalang sa mas malapit.

Marami man akong alam sa kanya pero sa tingin ko stranger lang ang tingin nya sakin.

Pero isang araw parang bigla akong nanalo sa lotto, di inaasahang pumunta sya sa tapat ng classroom namin kung saan kasalukuyan akong nakatayo and she even touched me.

But not in a romantic way, dahil bigla nya akong sinampal sa hindi malamang dahilan.

We never spoke once, so what could I have possibly done to deserve this??!!

Nagtaka pa ako ng bigla itong nag bilang simula sampu pababa.

"Ang bagal mo mag react, para kang pagong. I bet you can't even get hard that easily..." sabi nito.

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako dito at hindi makapaniwala sa ginawa nito. Hindi ko rin maintindihan ang iba nya pang sinasabi, isa lang ang alam ko ang sakit ng pag kakasampal nya sakin.

"Sa nakikita ko ngayon, di ka man lang nagalit matapos kitang sampalin ng walang dahilan. Tensed ka ba sakin? Pero dahil dyan kasama kana sa listahan." Dagdag pa nito, saka ako tinalikuran.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi nito, at anong sinasabi nyang listahan? And damn it! Bat ba di ako makapag salita ngayon nasa harap ko na sya, at hindi ko man lang magawang magalit!!

Bigla itong tumigil sa pag lalakad at muli ako nitong nilingon.

"I forgot to ask, do you snore?" Tanong nito.

Wala akong ibang sagot kundi ang lumingo-lingo, para ipaalam ditong hindi ako humihilik.

Nang makuha ang sagot ko ay agad itong umalis.

Buong araw akong labis na nag tataka kung bakit ginawa sakin ni Shaye ang bagay na yun, aaminin ko nasaktan ako ganun ba nya ko ka hindi gusto para sampalin ako ng ganun nalang?

Nagising ako mula sa malalim na pag iisip ng biglang tumunog ang doorbell, nag madali akong pumunta sa pinto para buksan ito. Laking gulat ko ng makita si Shaye sa harap ko, kaya awtomatiko akong napaatras baka bigla nanaman kasing manampal to ng walang rason.

"Hey! You wanna live with me?" walang patumpik-tumpik na tanong nito.

"H-huh??!" Gulat na tanong ko.

"You have 10 seconds to answer." Saad pa nito.

Masyado akong nagulantang sa mga pinag sasabi ng babaeng nasa harap ko, kaya di ako makapag isip ng matino.

"10, 9, 8...." pag bibilang nito.

Nakatulala lang ako sa kanya the whole time.

Hobby nya ba talaga ang mag bilang? Jusko!

"4... 3..."

𝐑𝐎𝐎𝐌𝐌𝐀𝐓𝐄𝐒  (𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬𝐞𝐱) - 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon