𝙵𝙸𝚅𝙴

7.6K 156 12
                                    

Marley

Halos patakbo kong tinungo ang classroom ni Shaye, masyado kasi akong tutok na tutok sa ni re-review ko kaya hindi ko namalayan ang oras.

Sana hindi pa s'ya umalis!  Yan ang nasa isipan ko ng mga oras na yun.

Nang makaabot ako sa mismong classroom nila ay agad kong binuksan ang silid, naabutan ko itong nakaupo sa ibabaw ng teacher's desk habang nakikipag usap sa lalaki nitong kaklase. Na halata namang nag papacute.

"Oh you're here." baling sakin ni Shaye ng mapansin ako.

"S-sorry, I'm late." hinging paumanhin ko.

"18 minutes." cold na sagot nito saka tumayo mula sa pag kakaupo nito at matalim ang mga matang ipinupukol sa'kin.

"Are you cheating?" tanong nito habang patuloy pa rin akong tinitignan ng masama.

"H-hindi no, masyado lang akong na wili sa pag re-review ko. Kaya hindi ko na napansin ang oras." sagot ko.

"Naku! Masyado mo namang pinapabayaan ang kagaya ni Miss Shaye, kung ako ang boyfriend n'ya baka hindi ko gagawin ang ginagawa mo." nakangising sabat ng lalaki.

"Shut up Fred! She's not talking to you." malamig na sagot ni Shaye.

Tila napahiya ang lalaki kaya nag madali itong lumabas ng silid.

Desurv! Epal ka kasi...

"Tara na! Baka lalo lang mag init ang ulo ko." wika nito.

Dali-dali kong kinuha ang bag at mga gamit nito, saka ito mabilis na sinundan palabas.

Habang nag lalakad sa hallway, muling nag salita si Shaye.

"You sure you're not cheating?" 

"I-I swear, I'm not." sagot ko.

Hindi ito umimik at nakatitig lang sa'kin na parang inaalam kung sincere ba ako sa sagot ko.

"I'm not, really! I'm just late because of studying."

Totoo naman ang sinasabi ko pero why do I feel guity ng maalala yung babaeng humalik sa'kin kanina?!

"Anyway, if you find another girl. Sabihin mo lang sa'kin, I'm fine with it." plain na sagot nito.

"I don't care if you cheat and leave me, pero wag na wag ka ng mag papakita sa'kin." dagdag pa nito.

"Go back to the library, sabi mo abala ka sa pag re-review diba? Kaya hindi mo na ko kailangan ihatid sa pinapasukan ko." saad nito at nag patiuna na sa pag lalakad.

Hinabol ko ito at ng ilang dangkal nalang ang pagitan namin ay tumigil ako sa likuran nito.

"I'll never cheat, I promise. I'll always be with you as long as you want me to." mahinang sabi ko.

"Hmmm... whatever." sagot nito.

 Habang nag hihintay sa table kung saan natatanaw ko lang si Shaye habang nag tatrabaho, panay naman ang inom ko sa ice tea apple na inorder ko. Nag tatrabaho kasi si Shaye sa isang bar as waitress, ganito gabi-gabi ang set up kaya minsan naiisip ko kung ginagamit lang ba ako nito para maging body guard at alalay n'ya. Pero kahit ano pa man ang rason nito, masaya pa rin ako dahil nakakasama ko s'ya.

Maya-maya lang ay nagulat ako ng makita ang babaeng nakilala ko sa campus kanina lang, na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ang pangalan.

"Hi, it's good to see you here." saad nito at walang pasabing umupo sa tabi ko.

Naku! Baka kung anong isipin ni Shaye kapag nakita akong may kasamang iba dito sa table ko.

"Uhm a-ano kasi, may kasama ako dito sa table. Sorry ha?" saad nito.

"It's okay, dumaan lang talaga ako to say Hi, nakita kasi kita. And also..." hindi nito tinuloy ang sinasabi at basta nalang tinawid ang pagitan namin.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang mga labi nito na nakalapat sa labi ko, pero bigla akong binalot ng sobrang kaba at takot ng makita si Shaye na ngayon ay papalapit sa pwesto namin.

Nang tuluyan ng makalapit si Shaye sa kinaroroonan namin saka naman lumayo ang babaeng pangahas na humalik sakin.

"Oh Shaye, I guess I should apologize? Sorry." nakangiting saad nito kay Shaye at nag peace sign pa.

"Shaye, i-it's not like that. What happened was--"

"It was a drinking game right?" cold na tanong ni Shaye sa babaeng katabi ko.

Tumayo na ang babae at hinarap si Shaye.

"Well, it was part of a game but I was the winner." sagot ng babae saka nag lakad papalapit kay Shaye. "I decide to do that myself." dugtong nito saka ito nilampasan.

Umupo naman sa tabi ko si Shaye, saka ininom ang ice tea na nasa mesa. Gusto ko mag explain pero maging ang dila ko umurong na ata.

"My shift ended early." saad nito at may kung anong kinuha sa bag n'ya.

"And I want to spend time with my girlfriend for once..." saad nito and lean closer to me.

Nagulat pa ako ng bigla nitong punasan ang labi ko gamit ang panyo na kinuha pa nito sa bag n'ya.

"Hindi ka dapat nag papahalik kung kani-kanino lang." cold na saad nito.

Oh my gosh! Kinikilig ako!!! Nag seselos ba s'ya? Gosh! Pwede na kong mamatay kung ganun.

"Always keep in mind, you belong to me." dagdag pa nito saka ako hinalikan sa labi.

I felt like I was going to lose my soul, totoo ba ang mga nangyayaring to? Kung panaginip lang to, ayoko ng magising.

Marahan nitong ginalaw ang mga labi n'ya asking for an entrance, sinunod ko ang gusto nito. Ginaya ko na rin ang paraan ng pag halik nito sa'kin, sa ilang ulit naming paghahalikan medyo natututo na kong humalik. At dahil yun kay Shaye my love.

"Ehem! Excuse me girls, sorry for interrupting but... Can we join you?" tanong ng isa sa mga schoolmate namin na sa tingin ko ay mga kaibigan ng babaeng humalik sa'kin kanina.

Hindi umimik si Shaye at nakatingin lang ng direkta sa babaeng nasa likuran ng nag salita.

"Mas masaya kasi kapag mas marami, tsaka gusto rin namin kayong maka bonding. You know girls night out." dugtong pa nito.

"Go ahead, take your seats." Plain na sagot nito.

Maya-maya lang ay may dumating na waiter at may dala-dalang iba't ibang klaseng alak.

"Sorry I don't drink." bigla ay saad ni Shaye, saka muling kinuha ang bag sa tabi nito.

"Then iwan mo nalang si Marley samin girl, para naman maka bonding rin namin s'ya." saad ng isa pa sa kasamahan nila.

Please wag kang pumayag, Shaye.

"Then I'll be going now, hon. Don't drink too much, okay?"

Napanganga nalang ako dahil sa sagot nito, gusto ko s'yang pigilan at sabihin ditong ayokong sumama sa kanila.

"Yeay! Your the best talaga Shaye..." tuwang tuwang wika ng isa, bali apat kasi silang mag kakasama pang anim kami ni Shaye.

Humalik muna sa pisngi ko si Shaye, saka may binulong.

"I trust you, don't you dare try to cheat on me." bulong nito na may halong pag babanta.

Ba't nya ba ko iniwan dito? Para subukan? Kung hanggang saan ang loyalty ko?? Gosh!

Gusto ko itong habulin at sumama dito pero agad akong pinigilan ng katabi ko. At nag simula na silang mag paulan sa'kin ng mga katanungan.

𝐑𝐎𝐎𝐌𝐌𝐀𝐓𝐄𝐒  (𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬𝐞𝐱) - 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon