𝚃𝙴𝙽

5.8K 116 2
                                    

𝐌𝐚𝐫𝐥𝐞𝐲

Buong araw akong wala sa sarili dahil gusto kong makita si Shaye, mas lalo pa kong nanlumo pag uwi ko sa bahay dahil wala pa rin s'ya hanggang ngayon.

Naisipan kong mag order nalang sa food panda dahil tinatamad na kong mag luto.

Matapos kong maglinis ng katawan, pabagsak akong umupo sa sofa at binuksan ang TV. Kahit bukas ang TV wala pa rin doon ang atensyon ko, iniisip ko kasi kung saan nga ba pumunta si Shaye at kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin s'ya.

Bigla akong na excite nang makarinig ng kaluskos mula sa pinto at ang dahan-dahang pag bukas nun. Laking tuwa ko nang makita si Shaye kaya hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti ng sobra.

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin.

"Ba't mo ko tinitignan ng ganyan? At kung makangiti ka para kang tuwang-tuwa na makita ako." wika nito.

"Namiss kita... buong araw kang wala eh." sambit ko.

Tila nagulat ata ito dahil sa sinabi ko, nakita ko lang napakurap-kurap ito... at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang pamumula ng mga pisngi nito.

"Kumain kana ba?" tanong ko.

Nag lakad ito papalapit sa pwesto ko saka pabagsak na umupo sa tabi ko.

"Hindi pa... ano bang niluto mo?" tanong nito.

"Hehe... wala, tinatamad kasi akong kumilos kanina kaya nag order na ko sa food panda. Maya-maya andito na yun..." tugon ko.

"Marley..." mahinang sambit nito.

"Hmmm?"

"Gusto lang kitang iinform na after ng graduation babalik na ko sa'min." sambit nito.

Natigilan ako dahil sa sinabi nito at nakaramdam ng kakaibang kirot sa dibdib ko. Parang gustong mag protesta ng puso ko, pero mas pinili ko nalang na manahimik.

"O-okay lang as if naman, mapipigilan kita sa kung anong gusto mo." malungkot na wika ko.

It was totally out of the blue. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil bigla akong nagising sa katotohanan.

Wala nga pala talagang kami.

"But... during that time, I want to get to know you more."

After her strange statement, our life together started to look a little different.

She doesn't change her clothes in front of me anymore, at kahit sa gabi hindi na ganun ka revealing ang mga sinusuot nya kapag matutulog. Pero may napansin ako sa kanyang kakaiba... naging madaldal s'ya at kung anu-ano nalang ang mga tinatanong n'ya sa'kin, gaya nalang ngayon.

"What's your favourite color?" bigla ay tanong nito habang nag lalakad kami sa hallway papuntang library.

"Blue..." sagot ko.

"Why blue? I don't like cold colours." wika nito.

"It's the color of the sky, for me it's relaxing..." nakangiting tugon ko.

"Blue and sky blue is different. Anyway, so your least favorite food is hamburgers? Why? I thought everyone liked fast food?"

"Oh! And by the way, I always wanted to know the music on your computer... apparently, most of it are classic love songs like Reo Speedwagon? Why do you listen to old music?" sunod-sunod na tanong nito.

Wala pa man akong naisasagot ay may kasunod nanaman itong tanong.

"T-teka lang dahan-dahan naman..." natatawang awat ko dito.

𝐑𝐎𝐎𝐌𝐌𝐀𝐓𝐄𝐒  (𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬𝐞𝐱) - 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon