𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃

6.2K 136 5
                                    

𝐌𝐚𝐫𝐥𝐞𝐲

Habang nag hihintay sa susunod na papasok na subject teacher, ay abala ako sa pag babasa sa librong hiniram ko pa sa library.

Nagulat nalang ako nang may isang bulto ang tumigil sa harap ko, at nang tignan ko ito sumalubong sakin ang magandang mukha ni Cindy.

Anong ginagawa n'ya dito? Sa pag kakaalam ko sa kabilang department s'ya ah.

"Good morning babe, here I brought you some coffee." malambing na wika nito.

Dahilan para muli nanaman akong pag tinginan nang mga kaklase ko.

"Ahm thank you... pero di mo naman ako kailangan dalhan ng coffee." mahinang wika ko.

Sumandal ito sa gilid ng mesa ko, saka ako nag salita.

"Hayaan mo nalang ako sa gusto ko, paraan ko yan para makita ka." seryosong wika nito.

Sasagot pa sana ako nang mapansing pumasok na ang subject teacher namin.

"See you later babe." paalam nito at walang pasabi na hinalikan ako sa gilid ng labi.

Habang nasa kalagitnaan ng klase hindi ako makapag focus dahil panay ang vibrate ng phone ko, sunod sunod kasi ang messages na dumarating.

At sa iisang tao lang naman galing ang mga messages na yun, walang iba kundi si Cindy.

Matapos ang klase ay agad akong nag tungo sa cafeteria, ayoko kasing mag hintay sa'kin si Shaye kaya nilakihan ko na ang bawat hakbang ko.

Naabutan ko itong nakasandal sa gilid ng entrance ng cafeteria, at palinga-linga.

"Shaye..." tawag ko dito.

Umalis ito mula sa pag kakasandal naunang pumasok sa loob.

"As usual lagi kang late." wika nito.

"Lagi kasi kaming late bago bitawan ng professor, pasensya kana ha? Lagi ka tuloy nag hihintay." hinging paumanhin ko. "Pero kung gusto mo, pwede ka namang mauna nang kumain para hindi nasasayang ang oras mo." nahihiyang suhestiyon ko.

"Para ano? Para si Cindy ang makasabay mo?" walang emosyong tanong nito.

Hindi ko tuloy ma identify kung anong emosyon ba ang pinapakita n'ya, kasalungat kasi ng sinasabi n'ya ang nakikita ko sa mukha n'ya. Kung sa bagay lagi naman talagang, blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Ano pa bang bago?

Nangmakahanap kami ng mauupuan, inilapag ko nalang muna sa ibabaw ng mesa ang cellphone at ang mga libro na dala ko.

"Anong gusto mo?" tanong ko dito.

"Kahit ano, ikaw nang bahala." walang ganang tugon nito.

"Okay..." tanging sagot ko at nag punta na sa cashier para mag order.

Nag order ako ng kare-kare na mismong paborito ko, chicken katsu naman ang inorder ko para kay Shaye mahina lang rin kasi itong kumain kaya kasya lang dito ang isang serving. Nag order na rin ako ng juice pantanggal ng umay.

Nang makompleto na ang order ko ay agad ko iyong dinala sa mesa namin. Isa-isa ko iyong nilapag sa mesa namin, saka umupo para makapag simula ng kumain.

Tahimik lang kami pareho, halos ganito naman talaga kami araw-araw may instances lang talaga na nilalambing ako nito yun ay kapag may mga issues kaming naririnig patungkol samin.

"Kanina pa tumutunog ang phone mo." nakasalumbabang wika nito.

"Ahh okay, thank you." sambit ko.

Pag bukas ko ng phone tumambad sa'kin ang maraming missed calls at text messages ni Cindy, hindi na ko nag abala pang buksan ang mga messages nito.

𝐑𝐎𝐎𝐌𝐌𝐀𝐓𝐄𝐒  (𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬𝐞𝐱) - 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon