𝚂𝙿𝙴𝙲𝙸𝙰𝙻 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁

7.3K 177 27
                                    

𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇 𝙆𝙊𝙉𝙂 𝙍𝙀𝘼𝘿𝙀𝙍𝙎 🙄😂 :

𝐒𝐡𝐚𝐲𝐞

Matapos naming magpalipas ng gabi sa isang hotel, nag pasya na kaming umuwi sa lugar kung saan ako lumaki at pinanganak.

Di pa man kami nakakababa ng kotse ay agad na kaming pinag kaguluhan ng mga taga roon, tanaw ko rin sina Mama na nakamasid lang sa kotse na sinasakyan namin at tila nakiki-osyoso sa kung sino man ang lalabas.

Napangiti ng malawak si Mama ng makita akong bumaba ng sasakyan, sumunod na rin si Marley na ngayon ay nakangiti sa'kin.

Agad akong sinalubong ng yakap ni Mama nang makalapit kami sa kanila.

"Ma, namiss kita." wika ko habang yakap-yakap ito.

"Namiss rin kita anak, buti at dinalaw mo ko dito." halos mangiyak-ngiyak na sambit ni Mama.

"Ma s'ya nga po pala, may gusto sana akong ipakilala." pag uumpisa ko.

Nilingon ko ang gawi ni Marley, at hinawakan ang kamay nito para hilain papalapit sa'kin.

"Sino s'ya anak?" nakangiting tanong ni Mama.

"Girlfriend ko po, Ma." proud na pag papakilala ko.

Matagal bago nakapag react si Mama at tila kinikilatis si Marley, napangiti pa ako ng makitang tila kinakabahan si Marley.

"Hey, relax..." bulong ko dito.

"H-hello po." bati nito kay Mama.

"Totoo bang Girlfriend ka ng anak ko?" seryosong tanong ni Mama.

"Ahh ehh...--"

"Sagot!" malakas na wika ni Mama.

Halos matawa pa ko nang magulat si Marley, at tila takot na tumingin sa'kin.

"Mama naman wag mong takutin ng ganyan si Marley, baka biglang umuwi yan." natatawang wika ko, alam ko kasing binibiro lang s'ya ni Mama.

"Biro lang hija... nice to meet you." nakangiting wika ni Mama.

"May pinagmanahan po pala si Shaye..." mahinang wika nito.

"Saan pa ba mag mamana yan, kundi sa'kin lang... osya pumasok na kayo sa loob para makapag meryenda." paanyaya ni Mama at nag patiuna nang pumasok sa loob.

Agad kaming sumunod dito pero laking gulat ko ng makita si Cindy na prenteng nakaupo sa sala namin.

Anong ginagawa ng babaeng yan dito?!

"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko.

"Ay oo nga pala anak, kanina pa kayo hinihintay ni Cindy." wika ni Mama.

Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama.

Papanong nalaman ng babaitang 'to na uuwi ako dito sa'min, taga rito rin kasi si Cindy kaya alam n'ya kung saan ang bahay ko.

"Pano mo na lamang uuwi ako?" tanong ko dito.

"Sinabi ni Marley sa'kin, right babe?" baling nito kay Marley.

Yung inis na naramdaman ko ay mas lalong nadagdagan dahil sa lagkit ng tingin nito kay Marley, kung noon okay lang sa'kin ang pinag gagagawa n'ya iba na ngayon dahil may relasyon na kami ni Marley. Hindi na gaya ng dati na nag papanggap lang kami.

She hasn't taken her eyes off Marley once!

I suddenly feel Marley's presence at my side. She leans over and whispers something in my ear.

🎉 Tapos mo nang basahin ang 𝐑𝐎𝐎𝐌𝐌𝐀𝐓𝐄𝐒 (𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬𝐞𝐱) - 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 🎉
𝐑𝐎𝐎𝐌𝐌𝐀𝐓𝐄𝐒  (𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬𝐞𝐱) - 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon