𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽

7.2K 173 28
                                    

𝐒𝐡𝐚𝐲𝐞

Bali-balita sa buong campus ang tsismis tungkol kay Marley at Cindy, na alam ko namang pakana lang lahat ni Cindy.

Ano nanaman kaya ang gustong mangyari ng babaeng yun ngayon?

Kasalukuyan akong nasa library ngayon at tinatapos ang report para sa subject ko mamayang hapon, ng may biglang tumabi sa'kin at kinuha ang librong itinabi ko.

"Have you heard the rumor?" tanong ng katabi ko na kahit hindi ko tignan ay kilalang kilala ko.

Hindi ako sumagot at nag kunwaring walang narinig.

"It's true and I let everyone know, Pero mas gusto kong ipaalam sa'yo ng personal." saad nito at hinarap ako.

Tinignan ko ang gawi nito at binigyan ng bored look.

"I know, she told me this morning." walang gana kong sagot.

Halatang nagulat ito sa sinabi ko, dahil bahagya itong natigilan.

"She told you herself? Tsss. What a weirdo." sambit nito.

Tumango lang ako bilang sagot at nag patuloy sa ginagawa.

"What a waste of time..." bulong nito saka tumayo.

Wala na ata s'yang ibang kailangan kaya bigla nalang umalis, pero di rin nag tagal ay muli itong bumalik.

"No, I can't just leave like this." wika nito ng muling makalapit sakin.

Pabagsak nitong itinukod ang dalawang kamay sa mesa kung saan ako naka pwesto.

"Let me say this, wala akong pakialam sa so-called girlfriend mo. In fact, I don't even want to look at her. It's depressing." inis na wika nito.

Nakatingin lang ako sa kanya the whole time, honestly wala naman kasi talaga akong pakialam sa mga pinag sasabi n'ya.

"Ano sa tingin mo ang rason kung bakit ginawa ko yun?" tanong pa nito.

Nag kibit balikat lang ako, dahil wala rin naman talaga akong ideya kung bakit n'ya ginagawa ang mga bagay na 'to.

"That's because I hate seeing her next to you..." 

"Hmmm... is that how you felt about me? I didn't know." walang gana kong sagot.

"Hmp! That's not what I meant!" inis na wika nito.

"I don't like you! What kind of person likes their rival? Ever since I came to this school, people think of me and you as the same level. And I can't argue with that, but seeing my rival walking around with a loser like that?" she paused for a moment and deeply sighed.

"Gosh Shaye! Imagine how I felt?"

Hindi ako umimik at tinignan lang ito na parang walang pakialam sa mga sinasabi n'ya.

"Are you done?" tanong ko dito.

"Wala ka talagang pakialam sa mga sinasabi ko ano?! Tsk. Bahala ka nga." wika nito saka ako tinalikuran.

Ngunit hindi pa ito tuluyang umalis, tumigil muna ito saka muling nag salita.

"And just to let you know, nothing happened last night. She was unconscious." 

"And when she woke up, she almost fainted! She begged me to tell him If anything happened, then she ran away as if he had seen a ghost, what an idiot... anyways! That's the story." litanya nito bago tuluyang umalis.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Marley, hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti.


*****

Akala ko matatapos na ang pang gugulo sa'kin ni Cindy pero bigla akong nakaramdam ng inis ng makita itong nakakapit sa braso ni Marley.

Talagang sinusubukan akong ng babaeng to. bulong ko sa'king isipan.

Naglakad ako papalapit sa pwesto ni Marley.

"S-shaye..." nauutal na sambit ni MAarley ng makita ako.

Nung una naiinis ako dito dahil laging nauutal kapag nakikipag usap sa'kin, wala naman akong ginagawa pero takot na takot sa'kin. Pero ngayong alam ko na ang rason kung bakit s'ya nag kakaganyan sa harap ko, I find it cute.

"Kanina mo pa ba ko hinihintay?" tanong ko dito at hindi pinansin ang presensya ni Cindy.

"O-oo."

"Mag la-lunch ba kayo together? Sasabay na 'ko sa inyo Marley ha?" singit ni Cindy na sinasadya pang idikit ang dibdib n'ya sa braso ni Marley.

"O-okay lang ba sa'yo yun S-shaye?" naka yukong tanong sakin nito.

"Yeah it's okay, I don't mind." sagot ko at nag patiuna na sa pag lalakad.

Kahit na ang totoo ay may kung anong inis na ang namumuo sa loob ko, ngunit agad yung nawala ng maramdaman ko ang pag sabay ni Marley sakin sa pag lalakad. 

Pero dahil halata namang nang iinis lang si Cindy, mabilis itong kumapit kay Marley na parang linta.

Napili naming maupo sa gitna ng cafeteria dahil iyon nalang ang bakanteng upuan na pwede naming upuang tatlo, napapagitnaan namin si Marley ngayon.

Habang kumakain ay inilalagay ni Marley sa pinggan ko ang porkchop na gustong gusto ko, kaya lihim akong napangiti dahil sa pagiging maalalahanin nito.

"Marley, say ah..."

Biglang nag pantig ang tenga ko ng marinig ang malanding boses na iyon ni Cindy, pero hindi ko nalang ipinahalata.

"Ahh salamat Cindy, pero hindi na kailangan." nahihiyang wika ni Marley dito.

"Binigay mo kasi yung parte mo kay Shaye, pero sa tingin ko naman ay gusto mo rin yun nag paparaya ka lang." sambit nito.

"Mas mabuti siguro kung kumain ka nalang at intindihin ang sarili mo Cindy, malaki na s'ya alam n'ya kung ano ang mga ginagawa n'ya." singit ko.

"Wala ka namang ka sweetan sa katawan Shaye, kung lagi kang ganyan baka kunin ko nalang sa'yo si Marley. Gusto mo ba yun Marley?" malanding wika nito.

"I'm done eating, mauna na ko." paalam ko kay Marley, saka mabilis na tumayo.

"Sunduin nalang kita mamaya." narinig ko pang pahabol nito.

I just wave goodbye, dahil naiirita na kong makita ang mukha ni Cindy.

Ano ba kasing trip n'ya sa buhay, kahit di n'ya naman gusto yung tao nakuha n'ya pang landiin.

Bakit ikaw? Gusto mo ba si Marley? Diba ginagamit mo lang rin naman s'ya?

Sabat ng aking isipan.

Tama! Napag alaman ko kasing matagal na raw akong gusto ni Marley, narinig ko 'yon nung nag uusap ang landlady ko at ang Mama ni Marley pati ang pagiging intersex nito ay sa kanila ko rin nalaman.

Kailangan kong kunin ang opportunity na yun lalo na't kaka break lang namin ng boyfriend ko na mismong nag babayad ng inuupahan ko. Kaya ko ginamit si Marley para kahit papano ay may matuluyan akong libre, alam kong ang sama ko pero kailangan kong kapalan ang mukha ko dahil ilang buwan nalang ga-graduate na ko.

Nag hiwalay kami ng boyfriend ko matapos n'ya kong pilitin makipag sex sa kanya, nag makaawa ako dito na huwag ituloy ang binabalak pero nagawa pa rin n'ya. Marami namang nag kakagusto sakin sa school pero wala akong tiwala sa kanila, parang hulog nalang rin ng langit si Marley sabihin na nating tinatayuan rin s'ya gaya ng ibang lalaki pero sa sobrang mahiyain n'ya sa'kin malabong gawin n'ya sakin ang ginawa ng ex ko.






𝐑𝐎𝐎𝐌𝐌𝐀𝐓𝐄𝐒  (𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬𝐞𝐱) - 𝚂𝙷𝙾𝚁𝚃 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon