TAYO NA LANG DALAWA (Chapter 07)

910 6 0
                                    

Tayo Na Lang Dalawa
Story by Right Hand

Chapter 07

"O Zach, nandito ka pala... Anong ginagawa mo sa likod?" tanong ni Juancho.

Saglit na natigilan si Zach. Paano ngayon 'to? Baka mahuli ni Juancho kung ano ang ginagawa nila Khimo at Cheena sa loob.

"Ah.. kasi po.. may nakita akong kuting kaya hinabol ko po para kunin." sagot ng binatilyo.

"Eh nasaan 'yung kuting? Bakit wala kang hawak na kuting?"

"Ah kasi po, nagpumiglas kaya hinayaan ko na lang.."

"Ahh ok, " wika ni Juancho, "Teka, nandiyan ba si Khimo?" sabay talikod ni Juancho kay Zach para tumuloy sa pinto.

Hindi mapakali si Zach. Hindi niya alam kung paano ang gagawin.

"Wait po pala, uncle..."

Lumingon si Juancho, "Ano 'yon Zachary?"

"Ah may sasabihin po pala ako sa inyo.." nag-iisip si Zach ng sasabihin upang malingat niya ang tatay ni Khimo, "Yun po kasing waling-waling ninyo mabunga na.. Ahh. b-baka po maari ako makahingi ng kahit isang bulaklak?"

Nagulat si Juancho sa sinabi ni Zach, "Ha? Manghihingi ka ng waling waling?" aniya, "Kaso baka magalit ang nanay ni Khimo, eh. Tanim niya kasi 'yan..."

"Kahit isa lang po, maganda kasi eh. May pagbibigyan po kasi ako."

"Sandali lang.. ipipitas kita." pagtalikod ni Juancho para tunguhin ang halamanan nila, sakto namang tinawagan ni Zach si Khimo sa telepono.

Buti na lang at tapos na ang pagniniig ng dalawa sa loob.

"Zach, ano ba 'yon?"

"Pare, nandito ang tatay mo sa labas."

Agad pinatay ni Khimo ang cellphone niya at nagmadaling nagbihis.

"Si Tatay nandiyan daw sa labas..." sabi niya kay Cheena na nag aayos na din ng sarili.

Samantala, nang akmang pipitasin na ni Juancho ang bulaklak ay nagsalita si Zach.

"U-uncle, huwag na po pala. Baka kasi magalit si Auntie. Isumbong pa ako sa Mama..."

Kaya naman lumingon si Juancho kay Zach.

"Ok."

Noon din ay tumungo ulit si Juancho sa pinto. Sumunod naman si Zach.

"Bakit ka nga pala ulit nandito?" tanong ni Juancho kay Zach. Nakapasok na sila noon sa loob ng bahay.

"Magmu-movie marathon po sana. Kaso po, kumakatok ako ang tagal ako pagbuksan ni Khimo eh."

Maya-maya ay bumababa si Khimo galing sa taas, sa kuwarto niya.

"Tay, ang aga nyo naman po umuwi..." bungad ni Khimo sa ama. Pagkuwa'y tumingin kay Zach, "O Zach, naparito ka, anong atin?"

"Ano pa, e di 'yung wala kay Jandi. Hahaha..."

Natawa rin si Khimo. Nagsalita naman si Juancho, "Kumain na ako hijo. Nahilo kasi ako kaya nagpaalam muna ako sa work na maghalf day muna. Sige iwan ko na muna kayo diyan.." sabay akyat nito sa taas at nagtuloy sa kuwarto.

Pagpasok sa loob ng kuwarto, umupo sa gilid ng kama si Juancho. Gusto sana niyang puntahan si Cheena kaya lang sumagi sa isip niya 'yung sinabi ni Khimo na alam nito ang ginagawa nila ni Cheen. Naalala din niya ang sinabi ng anak na magsusumbong ito sa ina once na maulit pa ito.

Sa kuwarto ni Khimo, excited na nagtanong si Zach kay Khimo.

"Ano na pare, anong feeling mo at nakasex mo na ang pinakapinapantasya mo?"

"Ano pa nga ba, eh di super happy. Ang galing ni Cheen."

"Pero syempre ginalingan mo din di ba?"

"Oo naman. Para paniguradong hahanap-hanapin niya ako." matamis ang ngiti noon ni Khimo.

Noon din ay nagbukas ng TV niya sa kuwarto si Khimo. Ikinabit niya ang computer doon at nagbukas ng movie na panonoorin nila.

"Mabuti pa'y manood na lang tayo." wika ni Khimo.

"Oy, pare... ano ba 'yang movie na 'yan? Mukhang old movie .. At parang mexican pa 'ata.." wika ni Zach.

"Panoorin mo 'to pare," sagot ni Khimo, "makakarelate ka sa story. Saka may subtitle naman haha.."

Anoche Sone Contigo ang title ng movie. Mexican movie nga iyon na pinalabas noon pang 1992.

"Hahaha.. pare, kailan ka pa nahilig sa old school na movies?" tanong ni Zach.

"Manood ka na lang dahil makakarelate ka din." sagot naman ni Khimo.

Oo nga. biglang natawa si Zach. Unang eksena pa lang kasi, nakakarelate na siya.

Sa eksena kasi, may dalawang binatilyo na sinisilipan ang isang dalaga. Nasa labas ng bahay ang dalawang binatilyo habang may hawak silang binocular. Sila ay sina Toto at Quique. Gamit ang binocular, sinisilipan nila ang dalagang katulong nila Quique habang ito ay nagbibihis. At sinisilipan nila ang dalaga mula sa bintana ng kuwarto ng katulong. Ang dalaga naman ay alam na sinisilipan siya pero okey sa kaniya na sinisilipan siya ng dalawang binatilyo.

Natawa si Zach, "Hahahaha... Nakanang pare, life story mo ba 'yan? Sakto o... yung maid, may affair sa tatay ni Quique."

Napaisip saglit si Khimo. Sa kuwento kasi ng pelikula ay may affair 'yung katulong sa tatay ng binatilyo na parang si Cheen at ang tatay niya. Bigla niyang naisip, tama kayang isumbong niya sa nanay niya ang kalokohan ng tatay niya?

"Pare ang lalim ng iniisip mo ah.." puna ni Zach.

"Wala ito haha. mukhang ako lang yata ang nakakarelate." sagot ni Khimo.

ITUTULOY

TAYO NA LANG DALAWAWhere stories live. Discover now