Tayo Na Lang Dalawa
Story by Right HandChapter 21 (Last Chapter)
Isang taon ang lumipas. Si Khimo ay graduated na sa senior high school. Kasabay niyang grumadweyt si Zach na noon ay boyfriend na ni Jandi. At dahil graduated na siya ay tutuparin na niya ang pangako niya kay Cheena na susunod siya sa probinsya nito sa Laguna.
"Hijo, di ba't sinabi ko na sa 'yo na kalimutan mo na ang babaeng iyon..." paalala ni Karrel sa anak, "ang babaeng iyon ang sumira sa pamilya natin."
"Mahal ko po si Cheena, Nanay." sagot ni Khimo, "At si hindi siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin. Alam nyong si Tatay ang may dahilan..." dagdag niya.
"Pero kung hindi pinatulan ng babaeng iyon ang tatay mo, hindi sana tayo ganito. Buo pa din sana tayo."
"Sino ba ang nagpalayas kay Tatay?" tanong ni Khimo. "Saka hindi po inakit ni Cheena ang Tatay. Si Tatay ang lumapit kay Cheena. Nung ayaw na nga sa kaniya ni Cheena, pinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya..."
Hindi nagsasalita si Karrel.
"Ah basta Nanay... pupuntahan ko si Cheena sa kanila sa Laguna." salita ni Khimo.
"Hindi kita pinag-aral para lang maging ganyan ka." wika ni Karrel, "Khimo, alalahanin mong magkokolehiyo ka pa. Anong gusto mo, mag-asawa na?" tanong nito kay Khimo.
"Mag-aaral po ako, Nay. Hindi ko naman sinabing hihinto ako sa pag-aaral. Pupuntahan ko lang po si Cheena sa kanila." sagot ni Khimo. "Nag-aaral po ulit siya doon."
Wala nang magawa pa si Karrel. Kaligayahan ng anak si Cheena. At hindi niya mapipigilan kung ano o sino ang nais nito.
Dumating si Khimo sa Laguna kung saan iyon ang probinsya ni Cheena. Pagdating niya doon ay masaya siyang sinalubong ng dalaga at ng mga magulang at nakababatang kapatid nito.
"Good afternoon po!" bati ni Khimo sa mga magulang ni Cheena. Pagkuwa'y nagmano ito. "Ako po si Khimo. Boyfriend ni Cheena."
"Ang guwapo naman ng nobyo ng anak namin." puri sa kaniya ni Elizabeth, nanay ni Cheena.
"Oo nga! Ang galing talaga pumili ni Cheena. Haha!" pagsegunda naman ni Clifford, ama ni Cheena.
"Hello po Kuya Khimo. Ako naman si Geoffrey, kapatid ni Ate Cheen.." wika ng 12 years old na kapatid ni Cheena.
At nagfist bump ang dalawa.
Naging masaya si Khimo. At least, mukhang boto sa kaniya ang parents ni Cheena kahit nalaman ng mga ito na mas bata siya para sa anak nila. At hindi na din tumutol ang nanay niya sa pag-iibigan nila ng dalaga.
Naroon sila Khimo at Cheena noon sa labas ng bahay. At masaya nilang pinagsasaluhan ang bawat sandali.
"Akala ko, hindi na mangyayari ito..." wika ni Cheena, "Ang tagal kitang namiss Khimo."
"Di ba't sabi ko naman, pupuntahan kita dito after ko makagradweyt? Then eto na 'yon.."
"I love you Khimo."
"I love you too Cheen."
At noon din ay naghalikan silang dalawa. Sa pagkakahalik na iyon ni Khimo sa labi ng dalaga ay lalo niya iyong siniil. Nasabik kasi siya sa dalaga. Gumanti naman ng masiil na halik si Cheena.
Masayang naghahapunan ang mag-anak ni Cheena kasama si Khimo. Habang kumakain sila ay nagsalita si Clifford.
"Hijo, ano nga palang plano ninyo ng anak ko?" tanong niya.
Sandaling hindi nakasagot si Khimo, pagkuwa'y nagsalita siya.
"Sa ngayon po, magtatapos muna ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Si Cheen naman, nabanggit niya na may pinapasukan siyang pabrika dito, at the same time, pinagpapatuloy ang pag-aaral."
YOU ARE READING
TAYO NA LANG DALAWA
RandomAng kuwentong ito ay isang coming of age story tungkol sa binatilyong si Khimo at sa kanilang katulong na other woman pala ng kaniyang ama. Mga tauhan Khimo Manabat - 17 years old na binatilyo. Pilyo, guwapo, moreno, na may pagnanasa sa kanilang ka...