TAYO NA LANG DALAWA (Chapter 19)

587 5 0
                                    

Tayo Na Lang Dalawa
Story by Right Hand

Chapter 19

Hindi makapaniwala si Juancho sa natuklasan. Hindi niya akalaing ang anak niya ang lalaki ni Cheena.

Naroon noon si Juancho sa gilid ng refrigirator habang nakatanaw kina Cheena at kay Khimo.

Matapos ang pag-uusap nila Cheena at Khimo ay pumasok na sa kuwarto niya si Cheena. Pabalik naman noon si Khimo sa kuwarto niya nang biglang nakita niya ang ama.

"Walanghiya ka! Ikaw pala ang tinutukoy ni Cheena na lalaki niya." pigil sa pagsigaw na wika ni Juancho.

"Ako nga! Eh ano sa 'yo?"

Hindi makapagsalita si Juancho. Nagpipigil siya ng galit niya.

"Alam din ba ng nanay mo na pinapatulan mo ang maid natin?"

"Hindi!" sagot ni Khimo, "Pero magsusumbong ka kay Nanay, Tatay? Ok lang. Paalis na naman si Cheen." dagdag pa niya.

"Ilang beses na may nangyari sa inyo, ha? Khimo, wala ka pang 18..."

"18 na ako. Kahit next month pa ang birthday ko, considered 18 na ako.."

"Walanghiya kang bata ka. Hindi ka ba nahihiya na pumapatol ka sa mas matanda sa 'yo.."

"Kaysa naman pumatol ako sa mas bata sa akin." sagot ulit ni Khimo, "At mas nakakahiya kung may asawa akong tao, pumapatol ako sa iba."

"Eh ikaw? Hindi ba't girlfriend mo si Jandi pero nakikipag-ugnayan ka sa iba." wika ni Juancho.

Natawa si Khimo, "Hahaha.. Sinabi ko na sa 'yo Tay, hindi ko girlfriend si Jandi. Kaya wala akong sabit.."

Nanggagalaiti na sa galit si Juancho pero pinipigilan niyang sumabog.

"Sumasaya ba si Cheena sa 'yo, ha?" tanong ni Juancho sa anak, "Totoy ka lang! Ako ang makagagawa ng kaligayahan sa kaniya."

"Hah?! Kaya pala ako na ang hinahanap niya." sagot ni Khimo, "Sa akin siya nasasabik dahil mas bata ako kesa sa 'yo. Bata ako, sariwa, at mas adventurous sa pagpapaligaya..."

Hindi makapagsalita si Juancho. Medyo nainsulto siya sa sinabi ng anak.

Nasa ganoong tagpo ang mag-ama nang biglang dumating si Karrel.

"Khimo anak, hon, anong ginagawa nyo dito at ganitong oras gising pa kayong dalawa.." tanong ni Karrel.

"Ah.. nagkukuwentuhan lang, Nay," si Khimo ang nagsalita, "Bumaba lang ako para magpaantok.." sagot ni Khimo.

"Tama, hon." segunda ni Juancho, "ako din kasi. Buti na lang nandito si Khimo para may makausap."

Tumingin si Juancho sa anak na noon ay nagsalita.

"Sige po, Nanay. Matutulog na po ako." pagkuwa'y tumuloy na si Khimo para pumunta sa kuwarto.

Napatingin si Karrel sa anak na hindi man lang tumingin sa kaniya.

"Anong nangyari do'n?" nagtatakang tanong niya sa asawa.

Nang nasa kuwarto na si Khimo ay nag-iisip siya. Ngayong alam na ng tatay niya ang tungkol sa kanila ni Cheena, ano kaya ang gagawin nito? At ano din ang mangyayari sa tatay niya nang malaman nito na aalis na si Cheena?

Basta, kailangan niyang mailayo si Cheena para hindi na ito guluhin ng tatay niya. Malungkot dahil malalayo din kay Khimo ang kasambahay nila. Pero nagpasya na siya na pupuntahan niya si Cheena sa probinsya sa bakasyon.

Hindi na nakatulog noon si Khimo. Inabot na siya noon ng 3:30 am na nag-iisip. Kaya naman bumangon siya para puntahan si Cheena sa kuwarto nito. Malamang kasi ay gising na ito upang mag-impake. Alas cinco kase ang alis ni Cheena.

Pagpunta niya doon ay kakatok sana si Khimo ngunit tila iba ang pakiramdam niya. Maya-maya, narinig ni Khimo ang boses ni Cheena sa loob na parang nagpupumiglas.

Kumatok si Khimo ngunit walang nagbubukas ng pinto.

Muling nakarinig ng ingay si Khimo. This time, ungol na ni Cheena na parang nagmamakaawa.

Dali-daling nagtungo si Khimo sa likod bahay nila doon sa laundry area, kung saan naroon ang bintana ng banyo ni Cheena. Madali niyang isinuot ang katawan niya sa bintana para makapasok sa banyo. Matapos niyon ay binuksan ni Khimo ang banyo at  bumungad sa kaniya si Cheena na tinitira ng tatay niya.

Umiiyak noon ang dalaga at nanghihingi ng saklolo kay Khimo.

"Khimo, huhuhu tulungan mo ako.." wika ni Cheena.

Dahil doon ay galit na nilapitan ni Khimo ang tatay niya at itinulak niya ito.

"Walang hiya ka Tatay!" hindi mapigilan ni Khimo ang sarili kaya sobrang lakas ng puwersa sa pagtulak sa tatay niya.

Hubo't hubad si Juancho habang nakaupo ito sa sahig.

Inunahan ni Khimo ang tatay niya sa pagpulot ng damit at underwear na nakakalat sa sahig.

"Ibalik mo sa akin 'yan, Khimo." utos ni Juancho sa anak.

"Ayoko!" sagot ni Khimo.

At dahil sa pasigaw na salita ni Khimo ay nagising si Karrel. Nagpunta agad si Karrel sa kuwarto ni Cheena. Laking gulat niya na nakahubad si Juancho habang nakahubad din si Cheena na umiiyak at nakayakap kay Khimo.

"Ano eto?" tanong ni Karrel na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ang tatay, pinagsasamantalahan si Cheena." sagot ni Khimo habang niyayakap ang dalaga.

Umakyat na ang galit ni Karrel sa sukdulan.

"Walanghiya ka, Juancho!!" at binatukan ni Karrel nang pagkaulit:ulit ang asawa. Tinadyakan din niya ito.

Nagsalita si Juancho, "S-sorry hon. Ang totoo, matagal na kaming magkarelasyon ni Cheena." pagtatapat na ni Juancho, "At hindi ko siya nire-rape nang dumating si Khimo".

Hindi makapagsalita si Karrel. Gulung-gulo ang isipan niya. Nagsalita naman si Cheena.

"Sinungaling ka! Ginahasa mo ako. Huhuhu..."

"Paanong...?" nalilito pa din si Karrel.

Nagsalita ulit si Cheena.
"Ma'am, totoo pong may naging ugnayan sa amin ni sir.. huhu.. pero ayoko na sa kaniya. Ginahasa niya ako dahil ayaw niyang umalis ako, huhuhu..."

Sumunod na nagsalita si Khimo.

"Nay, totoo ang sinasabi ni Cheena. Umaayaw na siya sa relasyon nila ni Tatay pero hindi matanggap ni Tatay. Nay, matagal ko nang alam ang namamagitan kina Tatay at Cheena. At kaya aalis si Cheena ay dahil dito bukod sa may sakit ang tatay niya."

Sinagot ni Juancho ang sinabi ni Khimo, "Kaya gusto mong umalis si Cheena dito ay para masolo mo. Narinig kong susunod ka sa probinsya nila sa bakasyon." galit na wika ni Juancho sa anak, "At kaya umaayaw na sa akin si Cheena dahil sa 'yo, di ba?"

"Dahil ako na ang mahal ni Cheena." sagot ni Khimo.

Gukat na gulat si Karrel sa mga natuklasan niya. Ang asawa't anak niya, nagbabangayan sa harap niya dahil kay Cheena.

ITUTULOY

TAYO NA LANG DALAWAWhere stories live. Discover now