Tayo Na Lang Dalawa
Story by Right HandChapter 13
Sabay na kumakain sina Zach at Jandi sa canteen sa kanilang school. Habang kumakain ay masaya silang nag-uusap nang puntahan sila ni Khimo. May dala itong pagkain niya na nakalagay sa tray.
"Guys, pa-share ng table, ah..." wika ni Khimo.
"Ah ikaw pala, pare.. sure. Sabayan mo na kaming kumain ni Jandi." sabi ni Zach pagkakita kay Khimo.
Umupo si Khimo sa tabi ni Zach at nakaharap kay Jandi.
"Hmm.. mukhang magkasundo ang aso at pusa, ah..." puna ni Khimo, "Ano nangyare sa inyo?" tanng niya sa dalawa.
Si Zach ang sumagot, "Pinakain ko kasi, pare.."
Dahil sa sinabi ni Zach ay nagulat si Khimo, "Ha?! Anong pinakain mo?" takang tanong niya.
Si Jandi naman ang sumagot, "Eto, o.. Kanin at kare-kare.. libre niya." nakangiti ito kay Khimo.
"Oo, tama. Yan ang pinakain ko sa kaniya, haha.." si Zach.
"I see." wika ni Khimo, "Sagwa kasi ng tunong nung sinabi mo." sabi niya kay Zach.
"Anong masagwa doon, eh nagkasabay kaming pumasok dito sa canteen.."
"Eh ikaw, anong nakain mo at nanlibre ka kay Jandi..??" tanong ulit ni Khimo.
"Good mood lang!" sagot ni Zach, "Ang sarap ng tulog ko, eh. Tapos ang ganda ng bungad ng araw sa akin. Gano'n!"
Sumagot din si Jandi, "Kaya nga Khimo, sinamantala ko na ang pagkakataon. Dahil minsan lang dapuan ng magandang mood 'yang barkada mo."
"Eh bakit ikaw lang?" tanong ni Khimo kay Jandi, "Samantalang magkasama kami netong si Zach sa klase mula kanina. Bakit hindi mo ko niyaya, oy.." baling niya kay Zach.
"Huwag ka kasing ano." sagot ni Zach, "kung ako, RK, ikaw, SRK.."
Ano daw? Tanong ni Khimo sa sarili.
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Khimo kay Zach.
"I mean, kung rich kid ako, ikaw, super rich kid." sagot ni Zach, "Kaya bakit kita yayayaing ilibre?"
Sumegunda si Jandi, "Tama si Zachary. Ikaw nga dapat nanlilibre dahil bukod sa trabaho ng tatay mo bilang manager ng bangko, maganda ang kita ng grocery store ng nanay mo."
"Ano ba kayong dalawa? Kayo ang kinukumusta ko, napunta sa akin ang paksa. Haha.. Tara na nga at kumain na tayo."
Habang kumakain ang tatlo ay palihim na nagsusulyapan sina Zach at Jandi. Hindi sila namamalayan ni Khimo dahil abala ito sa pagkain ng inorder niyang kanin at sisig.
Nung gabing iyon ay sumabay pag-uwi si Zach kay Khimo doon mismo sa bahay ng huli. May gagawin kasi silang project.
Pagdating doon, tamang-tama at nakahain na ang hapunan nila. Naroon ang nanay ni Khimo.
"Tara na hijo, dinner na tayo." alok ni Karrel. Pagkuwa'y bumaling kay Zach, "Ikaw Zachary, sumabay ka na sa amin."
Habang kumakain ay nagsalita si Khimo sa nanay niya.
"Nay, ang aga nyo naman nakauwi. Ok lang po ba 'yung grocery store? I mean, sino ang titingin doon?"
"Ok lang. Medyo sumakit ang ulo ko kaya nagpasya ako umuwi nang maaga. Saka marami naman akong nakakatulong doon."
Sumabat si Zach, "Oo nga pare. Hindi mawawala doon 'yung grocery store nyo kaya don't worry. Ahaha!!"
Natawa din noon si Karrel.
"Baliw!" sabi ni Khimo kay Zach, "kumain ka na nga lang diyan."
Nasa ganoon silang tagpo nang biglang dumating si Juancho. Pagdating niya ay biglang nagbago ng mood si Khimo. Dahil doon ay pinagpatuloy na lang niya ang pagkain.
Matapos humalik si Juancho kay Karrel ay umupo na din ito sa tabi ng asawa at nakisalo sa hapunan.
"Oy, nariyan ka pala Zachary..." wika ni Juancho pagkakita kay Zach.
"Opo. May homework po kasi kami netong si Khimo." sagot ni Zach.
Napuna ni Khimo na hindi mapakali ang tatay niya. Palinga-linga kasi ito.
"Nay, umalis si Cheena ngayon di po ba?" tanong ni Khimo sa nanay niya sabay tingin sa tatay niya.
"Ah oo, anak," nagpaalam kanina. Pinayagan ko kase maaga naman ako umuwi. Ako na nga din nagluto nitong bicol express."
Hindi siguro mapigil ni Juancho ang sarili kaya nagtanong ito sa asawa.
"Saan daw pupunta si Cheena, hon?"
"Pupuntahan daw niya 'yung pinsan niya sa kabilang subdivision. Pero pauwi na din 'yon. Sabi kasi niya, 8pm, nandito na siya."
Malakas ang kutob ni Khimo na hinahanap ng tatay niya ang kanilang kasambahay kaya hindi ito mapakali at linga nang linga. Tinitigan niya ng pailalim ang ama niya na napuna naman ni Juancho. Noon din ay nagpatuloy sa pagkain niya si Juancho.
Sa kuwarto ni Khimo, habang hinahanda niya ang gagamitin nilang laptop ay nagtanong si Zach.
"Di pa din ba behave ang tatay mo kay Cheen?" tanong nito kay Khimo, "kanina pa kita napupuna sa tingin mo kay uncle."
"Sana tumigil na siya." sagot ni Khimo, "Dahil hindi ako mangingiming sabihin ang lahat kay Nanay ang nalalaman at nakita ko." dagdag niya.
"So, hindi ka ba natatakot sa tatay mo? Alalahanin mo, tatay mo 'yung kinakalaban mo.."
"Alalahanin din niya na may asawa siya. Saka handa ko talaga siyang kalabanin dahil akin lang si Cheen." wika ni Khimo.
ITUTULOY
YOU ARE READING
TAYO NA LANG DALAWA
RandomAng kuwentong ito ay isang coming of age story tungkol sa binatilyong si Khimo at sa kanilang katulong na other woman pala ng kaniyang ama. Mga tauhan Khimo Manabat - 17 years old na binatilyo. Pilyo, guwapo, moreno, na may pagnanasa sa kanilang ka...