Prologue

194 0 0
                                    

Tricia’s POV

            “Aray ang sakit ng ulo ko…ano ba naman to?”

Habang hinihimas ang ulo ko ay dahan-dahan ko’ng minulat ang aking beautiful eyes. Kaso lang, inaantok pa rin ako kaya muli ako’ng napapikit.

Alam ko’ng umaga na dahil nararamdaman ko ang init ng sikat ng araw sa mukha ko pero, nakakatamad bumangon dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Ano ba yan! Ilang beses ko na ba’ng sinabi kay Manang na huwag bubuksan ang kurtina habang natutulog ako? Nakakainis naman eh!  Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.

“Yaya!! Ang init!!” impit ko ’ng sigaw pero, para’ng bulong lang iyon. “Yaya…”

Walang sgaot.

Napasimangot ako. Kahit para’ng bulong lang iyon ay ini-expect ko pa rin na may sumagot kaso lang wala. Naman oh! Nasaan na ba ang mga tao ngayon? Ang init-init!! Nakakainis! Ang kurtina pakisara naman!!

Naghintay pa ako saglit pero, nang hindi na makatiis ay dahan-dahan ko’ng kinapa ang telepono sa side table. Matawagan nga ang mga tao sa baba. Linggo ngayon eh! Kaasar talaga! Sino ba’ng nagbukas ng kurtina? Ang aga-aga pa eh!!

Ngunit bago ko pa maiangat ang telepono ay nag-ring na ito. Nagulat pa nga ako kaya napabangon ako bigla sa kama.

Wrong move. Lalo lang sumakit ang ulo ko .

“ARAY ANG SAKIT TALAGA NG ULO KO!” napahiga ulit ako sa kama habang hinihimas-himas ang ulo.Nakalimutan ko na ri’ng sagutin ang phone dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Grabe na talaga ang sakit ng ulo ko. Para ito’ng mabibiyak ah? Iuntog ko na lang kaya to para matapos na ang paghihirap ko?

>____<

Ayy wa’g na lang! Sayang ang aking beauty kung madi-deads ako agad. Paano na lang ang society kung maagang mapapanaw ang isang DYOSA na tulad ko?  Sayang ang kagandahang pwede ko’ng i-spread sa world!  --____--

Napabuga ako ng hangin saka nagtago sa ilalim ng kumot. Hindi naman ako required gumising ng maaga ngayon dahil walang klase kaya matutulog na lang ulit ako HAHHAHAH

Ilang snadali pa lang ako’ng nakahiga ay muli na nama’ng nag-ring ang telepono. 

            “AYY BUTIKI!” impit ko’ng sigaw sa sobrang gulat. Grabe lang to’ng telepono na to ha? Baka mamatay ako sa heart attack.

Saka ko tiningnan ang phone na isang mata lang ang dilat.  Eh antok pa ako eh.. >___<

Oo nga pala. Hindi ko to nasagot kanina. Sino kaya ang tatawag ng ganito kaaga sa akin? Baka sina Leslie na naman! Naku! Lagot talaga sa akin ang mga bruhang iyon. Dahil sa kanila kaya napasobra ang inom ko kagabi sa bar. Nagka-hang over pa tuloy ako.  

Sasagutin ko na sana ang tawag ng mapansin ko’ng iba ang kulay ng telepono. Minulat ko ng husto ang akig very beautiful eyes para makita ito ng maigi.

5

4

3

2

1

Bigla akong napabalikwas ng bangon ng makita nag kulay nito.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAABakit black to? Pink ang kulay ng phone ko, ah? Pink kasi ang kulay ng lahat ng gamit ko sa kuwarto kaya nagtataka ako kung bakit biglang nag-iba ang kulay nito.

“Ano to? May nakapasok ba’ng alien sa kwarto ko at bigla’ng nag-magic kaya naging kulay black ang phone at hindi pink? “   

Kinusot-kusot ko ang mata ko. Baka nananaginip lang ako o nagha-halucinate. Epekto siguro ng ininom ko kagabi kaya iba na ang nakikita ko.

White Lies: Hidden Feelings (ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon