Habang nakatungo ay naramdaman ko’ng may kunatok sa
pinto ng kotse. I stopped crying and composed myself before opening the door.
“Ano? Naniniwala ka na?” nakataas ang kilay na tanong ni Leslie. Nakatayo siya sa labas ng kotse katabi sina Andria at Aira. I tap my forehead and sighed. As expected, sumunod nga sila sa akin
“Bigyan niyo nga ako ng moriatoc acid. Magpapakamatay ako!” I said.
“Gaga!!” inis na binatukan ako ni Leslie. “Sa tingin mo maso-solve yan sa pagpapakamatay ha?”
Napabuntionghininga ako saka napatungo ulit sa laptop.
“Kahit hindi ako mag-suicide, para na rin ako’ng living dead ngayon dahil sa nangayari sa buhay ko! Im such a jerk! I can’t believe na all these time, ako pala ang may kasalanan kaya nangyari sa akin ‘to. ”
“Well, nangyari na eh. Wala ka na talaga’ng magagawa friend so, stop blaming yourself.” Sabat ni Andria saka kinagat ang hawak na sandwich. “Sandwich, you like? Hindi ka kasi nakakin ng maayos kanina, eh.”
Napatingin ako kay Andria. Grabe, pagdating talaga sa kainan, walang pinapalagpas na pagkakataon ang babaeng ito. “No, thanks. I cant eat right now dahil super frustrated na ako!! Magpapakamatay na talaga ako!”
“Tigas talaga ng peg mo noh? Lika nga Andy, bili tayo ng pisi at tulungan mo akong itali sa leeg niya. ” inis na wika ni Aira. Hinila pa nito Andria paalis kaya nagsalita na ako. Baka totohanin eh. Mahirap na. XD
“Huwag naman! Ayoko pa’ng mamatay noh?”
“Alam mo friend, ang labo mo rin, noh? Kanina, gusto mo’ng magpakamatay. Ngayo’ng tutulungan ka na namin, ayaw mo naman. Ano ba talaga?” inis na tanong ni Aira
“Sorry na kasi. Sino ba’ng matutuwa sa nangyari ha? Tingnan niyo nga! Kinasal ako ng hindi ko man lang alam!”
“Friend, alam mo ang nangyari, okay? Ikaw pa nga ang nag-propose, rememvber?” paalala ni Andria.
“I don’t wanna think about that!’ I shouted and lean on the driver’s seat. Feeling ko, naubos na lahat ng energy ko sa nangyari. Para akong basang sisiw na nagkasakit dahil nabasa sa sobrang ulan.
“Alam mo friend, kahit ano’ng gawin mo, nangyari na yun. Kaya imbes na magpakamatay ka, just accept it and enjoy your new life. Ang gwapo-gwapo ng asawa mo tapos magpapakamatay ka ng walang anak sa kanya? Huwag naman! Sayang din ang mai-co-contribute niyo sa society XD Diba, girls?” suhestyon ni Aira
“Ang bait mo talagang friend Ai, alam mo ba yun? “ I said sarcastically then sighed. “How can I enjoy this effin marriage eh complete stranger ang napangasawa ko? Kayo nga! Mag-e-enjoy ba kayo? ”
Nagkatinginan muna sila saka sabay na sumagot. “Oo!”
“My goodness! Mga kaibigan ko ba talaga kayo ha? Why are you saying that to me? Imbes na ipaliwanag niyo sa akin ang nangyari at tulungan niyo ako’ng makawala sa kabaliwang ito, feel na feel niyo pa’ng gwapo ang napangasawa ko. Ewww..”
“Okay naman si Zander ah? Gwapo, mayaman, responsible, mabait.” Ani Leslie. I looked at her.
“Heller!!! Hindi nga natin kilala yun eh! Paano mo nasasabi ang mga bagay na yan ha?”
BINABASA MO ANG
White Lies: Hidden Feelings (ONGOING SERIES)
Teen FictionMy normal life turned upside down when I wake up in a strange bedroom. And guess what? Lalaki ang may-ari ng kwarto! This could not be happening to me!! Ano’ng ginagawa ko sa kwarto niya? Ni-rape niya kaya ako? AHHHHHHHHHHHH - Tricia -