Tricia’s POV
“Aray ang sakit ng ulo ko…ano ba naman to?”
Habang hinihimas ang ulo ko ay dahan-dahan ko’ng minulat ang aking beautiful eyes. Kaso lang, inaantok pa rin ako kaya muli ako’ng napapikit.
Alam ko’ng umaga na dahil nararamdaman ko ang init ng sikat ng araw sa mukha ko pero, nakaktamad bumangon dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Ano ba yan! Ilang beses ko na ba’ng sinabi kay Manang na huwag bubuksan ang kurtina habnag natutulog ako? Nakkainis naman eh! Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.
“Yaya!! Ang init!!” impit ko ’ng sigaw pero, para’ng bulong lang iyon. “Yaya…”
Walang sgaot.
Napasimangot ako. Kahit para’ng bulong lang iyon ay ini-expect ko pa rin na may sumagot kaso lang, wala. Nasaan na ba ang mga tao ngayon? Ang init-init!! Nakakainis! Ang kurtina pakisara naman!!
Nang hindi na makatiis ay dahan-dahan ko’ng kinapa nag telepono sa side table. Matawagan nga ang mga tao sa baba. Linggo ngayon eh! Kaasar talaga! Sino ba’ng nagbukas ng kurtina? Ang aga-aga pa eh!!
Ngunit bago ko pa maiangat ang telepono ay nag-ring na ito. Nagulat pa nga ako kaya napabangon ako bigla sa kama.
Wrong move. Lalo lang sumakit ang ulo ko .
“ARAY ANG SAKIT TALAGA NG ULO KO!” napahiga ulit ako sa kama habang hinihimas-himas ang ulo. Grabe na talaga ang sakit ng ulo ko. Para ito’ng mabibiyak sa sobrang sakit.
Ilang snadali pa ay muling nag-ring ang telepono. Oo nga pala. Hindi ko to nasagot kanina. Sino kaya ang tatawag ng ganito kaaga sa akin? Baka sina Leslie na naman! Naku! Lagot talaga sa akin ang mga bruhang iyon. Dahil sa kanila kaya napasobra ang inom ko kagabi sa bar. Nagka-hang over pa tuloy ako.
Sasagutin ko na sana ang tawag ng mapansin ko’ng iba ang kulay ng telepono. Minulat ko ng husto ang akig very beautiful eyes para makita ito ng maigi. Pero, biglang nanlaki ang aking mga mata ng makita ang kulay nito. Hindi ito pink kundi black!! Pink kasi ang kulay ng lahat ng gamit ko sa kuwarto kaya nagtataka ako kung bakit biglang nag-iba ang kulay nito.
“Ano to? May nakapasok na alien sa kwarta ko at bigla’ng nag-magic kaya naging kulay black ang phone at hindi pink? “
Kinusot-kusot ko ang mata ko. Baka nananaginip lang ako o nagha-halucinate kaya iba ang kulay ng phone sa kwarto ko pero, nang magmulat ulit ako eh black pa rin ang kulay nu’n.
Doon na ako naalarma kaya bumangon ako sa kama at napatingin sa paligid.
OHHHHHHH EMMMMMMMMMMMM GEEEEEE
Hindi lang phone ang nag-iba ang kulay kundi lahat! Natutop ko ang aking bibig sa sobrang pagkabigla. Para’ng biglang nawala ng saki ng ulo ko. I stand up and walked around to see everything. The room is filled with black and white furnishings. Mula sa painting na nasa wall hanggang sa side table, lamp shade, aircon, closet at kama! Pati ang design nito ay iba. Hindi pambabe, parang—PANLALKI! Ibang-iba sa kuwarto KO!
“OMG!! Nasaan ako?”
Natatranta na ako habang naglalakad sa loob ng kwarto. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Wala ako’ng makita’ng kahit ano’ng gamit dito. Bukod sa kwarto nina Leslie, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagising ako sa ibang kuwarto!
![](https://img.wattpad.com/cover/4586738-288-k49701.jpg)
BINABASA MO ANG
White Lies: Hidden Feelings (ONGOING SERIES)
Teen FictionMy normal life turned upside down when I wake up in a strange bedroom. And guess what? Lalaki ang may-ari ng kwarto! This could not be happening to me!! Ano’ng ginagawa ko sa kwarto niya? Ni-rape niya kaya ako? AHHHHHHHHHHHH - Tricia -