Nanlalaki ang mga mata nya bago mabilis na umiling-iling. "No way!" malalim syang nagbuntong hininga nang muling pumatak ang luha ng kaharap bago yumuko.
"Sige na, ate..." pakiusap ng kapatid. Isang taon lang ang tanda nya rito ngunit madalas ay tinatawag sya nitong ate lalo na kapag may ipinapakiusap na madalas ay hindi nya matiis. Tinanaw nya ang "ipinapakiusap" nito at nailing. Mukhang sa pagkakataong ito ay wa epek ang pagmamakaawa ng kapatid. Noong isang buwan lamang ay nakipagbreak dito ang girlfriend na si Bianca at ngayon ay halata ang interes ni Bianca sa transferee ng Marketing. Graduating si Bianca at si Keith, ang kapatid nya sa kursong Advertising and Public Relations, samantala sya ay nasa ikalawang taon pa lang sa Marketing dahil sa papalit palit na kurso.
"Saka kung sakali namang pumayag ako sa gusto mo, paano sa palagay mo ako mapapansin ng isang gaya ni Zachary Morris?" transferee ito ngunit kilalang kilala agad sa department dahil bukod sa gwapo at mayaman ay ito ang bagong bokalista ng kilalang banda sa kanilang unibersidad.
Tinanggal ni Keith ang ballcap nya at inayos ang kanyang maikling buhok.
"Maganda ka naman, Krystal, kung magkikilos babae ka lang." sinimangutan nya ito.
"Krys." Mariin nyang wika. Hindi nya gusto ang buong pangalan nya.
"Hindi ko kayang mabuhay nang wala si Bianca..." binawi nya ang kamay at tumayo.
"Eh di ipalilibing kita." Inis na wika nya. Sakitin si Keith kumpara sa kanya kaya naman lahat ng hiling at luho nito ay ipinagkakaloob ng magulang at maging sya ay hindi ito kayang tiisin. Lamang, sa pagkakataong ito, sa nakikita nya ay mas magandang matutunan ng kapatid na hindi lahat ng gusto nito ay makukuha nito. Bukod doon, hindi nya masyadong gusto si Bianca para sa kapatid.
"Ate.." pigil nito na tila hindi makapaniwalang marinig iyon mula sa kanya. Nang makita nitong seryoso sya sa pagtanggi ay mabigat ang loob na tumayo ito at humakbang palayo sa kanya. Pinigil nya ang sariling habulin ito.
That was a week ago. Ayon sa mga bali-balita at sa nakikita nya, Bianca and Zach became closer. Samantala, heto sila ni Keith sa hospital. Her brother tried to take his own life at bagaman nakaligtas ito ay hindi na mawala ang guilt na nararamdaman nya. Katunayan, halos sa hospital na sya umuuwi sa kabila ng pagtutol ng mama nya.
"May dala akong singkamas with alamang." Iwinagayway pa nya ang plastic sa harap ng mukha ng kapatid na nanonood ng tv. Paborito nito iyon ngunit bahagya na lang syang sinulyapan nito. Simula nang tinanggihan nya ito sa unibersidad ay kibuin dili sya nito. "Balatan ko na.."
"Hindi ako nagugutom.." malamig na wika nito. Pinatay nito ang tv at humiga upang matulog. O mas tamang sabihin upang iwasan sya. Pinauwi nya ang mama nya upang makapahinga. Bukas ng umaga na ito babalik at tanghali pa ang pasok nya. Nagbuntong hiningang naupo sya sa tabi nito at inabot ang isang kamay nito kung saan ito naglaslas ng palapulsuhan. Ipinagpasalamat nyang hindi masyadong malalim ang sugat niyon at Nakita agad ito ng kanilang kasambahay na maglilinis ng silid ng kapatid. "Keith..wag ka ng magtampo sa ate..." hindi ito sumagot. "Marami ka pang ibang makiki-"
"I only want Bianca." Pinigil nyang muling magsalita sa halip ay muling nagbuntong hininga.
"I saw her with Zach.." Nakita nya ang pagtiim bagang ng kapatid kasunod ang lungkot na gumuhit sa mga mata nito. Tumikhim sya. "Sa palagay mo ba, mapapansin ako ni Zach over Bianca?"
Mabilis ang naging paglingon sa kanya ng kapatid. Nagtatanong ang mga mata. Maliit syang ngumiti kasabay ng pagtango. Ano ba'ng pinagsasabi nya?
Malakas ang sigawan at palakpakan pagkatapos ng performance ni Zach. Mula sa backstage ay Nakita nya si Bianca na sumalubong dito at bumati. Hindi nagtagal at napapalibutan na ito ng ilang mga fans at kabanda nito. Nailing sya. Ilang araw na syang pasunod sunod kay Zach nang walang konkretong plano kung paano mapapansin nito. At ilang araw na nyang tinitiis ang pangangantiyaw ng mga kaklase at kaibigan dahil mula sa mga oversized na tshirts at baggy pants ay ilang araw na syang nakabestida o skirt. Gaya ngayon, ang suot nya ay off shoulder na blouse at maong na paldang parang saya. Ang kanyang maikling buhok ay maayos na nakasuklay at wala ang ballcap na tuwina nyang suot. Akmang tatalikod na sya sa pag aakalang gaya ng mga nakaraang araw ay bigo syang makakalapit sa lalaki nang makita itong humiwalay sa grupo. Nilampasan sya nito at wala sa loob na sumunod sya nang makitang wala itong ibang kasunod.
YOU ARE READING
Daydreams
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are all products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons and events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced or utilized in any form...