Eksaktong tatlong oras bago sya tumayo mula sa inokupang pwesto. Kung hindi lang panay na ang tingin ng manager ng coffee shop ay guto pa nyang mag extend ng isang oras. Mahigit isang linggo nang hindi sya sinisipot ng kasintahan sa kanilang regular na meeting place. Sa coffee shop na iyon sila unang nagkakilala at doon sila madalas magtagpo. Nilubugan na sya ng araw sa coffee shop at sa halip na puntahan ang kasintahan sa opisina nito ay sumakay na lamang sya ng taxi patungo sa bahay nito. Simula nang tumanggi syang sumamang mag overnight dito sa Laguna ay naging madalang ang pagsagot nito sa mga text at tawag nya. Hangga tuluyan na ngang hindi ito nagrereply. Maging sa opisina nito ay hindi nya ito makontak at ang laging dahilan ay nasa field daw ito bilang engineer.
Maraming tao sa kalsada nang bumaba sya mula sa taxi. May mga batang nakapang Halloween costume bitbit ng mga magulang. Maging ang ilang kabataan ay nakapang Halloween din. Niyuko nya ang sarili at napangiti nang maisip na tila nakibagay ang kanyang puting maxi dress sa costume party. Vneck iyon, hangga siko ang manggas at hangga talampakan ang haba. Kung ilulugay nya ang kanyang mahabang buhok ay papasa na syang white lady. Nakangiting nagdoorbell sya sa dalawang palapag na bahay nina Miko.
"Ate Tanya!" ang nakababatang kapatid ni Miko na si Joan ang nagbukas ng pinto. Nakacostume ito at lumawak ang ngiti nang makita sya. "Aattend ka rin ng Halloween concert? Nauna na si kuya roon sa court."
"Ah..sige..pupunta ka na ba?"
Lumingon ito sa loob at sinenyasan ang mga kabataang nakagayak na pang Halloween.
"Ilugay mo ang buhok mo para mas winner.." wika ng teenager na hinila na ang ipit nya bago pa sya nakapagreact. Nangingiting sumunod na lamang sya sa mga ito.
Kung maraming tao sa kalsada ay mas maraming tao sa court. Maingay ang tugtog at lahat ay tila excited. Nakalagay sa malaking tarpaulin sa stage ang pangalan ng isang sikat na singer at banda.
"Hanapin mo na lang ang kuya Miko.." paalam ni Joan na tumalikod na bago pa sya nakasagot.
Iginala nya ang mga mata. Paano nya hahanapin si Miko sa kapal ng mga taong ito? Malalim syang nagbuntong hininga at humakbang upang umalis sa lugar na iyon. Kokontakin na lamang ulit nya si Miko bukas. Hindi pa sya tuluyang nakalalayo ay natigilan sya nang makilala ang makakasalubong. It was Miko in a vampire costume, nakaakbay ito sa babaeng naka Darna costume. Bago pa sya makapagdesisyon kung kailan pa naging bagay si Drakula at si Darna ay nasa harap na nya ang mga ito. Kung sino sa kanila ni Miko ang mas nagulat ay hindi sya sigurado.
"Miko.." napasulyap sya sa kamay nito na nakaakbay sa babae. Tila naasiwang tinanggal iyon ni Miko ngunit umabrisiyete naman ang babae na hindi na nagawang bawiin pa ni Miko.
"Tanya...anong ginagawa mo rito?"
"Pwede ba tayong mag usap?" sinulyapan nya si Darna na tumaas ang kilay. "Nang tayo lang dalawa...?"
"Sino ka ba?" tanong ni Darna na mas bagay na Valentina.
"Girlfriend nya.."
"Ex girlfriend..." dugtong ni Miko.
"Miko?"
"Break na kami.." ani Miko kay Darna.
"Kelan pa?" tanong nya. "Hindi ako nainformed.." pigil nya ang maiyak. Hindi sya iiyak sa harap ni Drakula at Darna.
"Nagtext ako..." ani Miko na nag iwas ng mga mata. "It's over between us.."
"Ahh...text..wala akong natanggap. Sana sinigurado mong may load ka para nagsend." She clicked her tongue. "Text na nga lang, hindi pa nagsend?"
YOU ARE READING
Daydreams
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are all products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons and events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced or utilized in any form...