I

13 3 0
                                    

Itinirik nya ang mga mata nang muling pandilatan ng mama nya.  Sinupil nya ang ngiti at ipinagpatuloy ang pagkain.  Nag aagahan sila kasabay ang kapitbahay na manghuhula na halos araw araw na pumupunta sa bahay nila.  May palagay nga syang nakikikain lang ito sa kanila dahil kung hindi agahan, ay eksaktong tanghalian at hapunan ito pumupunta sa bahay nila.  She almost looked like Morticia Adams maliban sa makulay lagi ang pananamit nito at maraming suot  na beads.  Mag iisang taon pa lang nila itong kapitbahay at naging ka-close agad ng mama nya.
“Papapasok na ako, ma.” Tumayo na sya at tinanguan si madam Gertrude.  Ayon sa ina ay may mga kliyente itong pulitiko at artista na hindi sya sigurado kung totoo. 
“Mag ingat sa mga kanal at sa kulay itim na sasakyan.  Umiwas sa babaeng nakapula.” Paalala ng manghuhula.  Bukod sa araw araw na pangitain nito na isini-share sa mama nya ay sinabi rin nito na ngayon na, ang huling araw ng Setyembre, ang katapusan ng mundo.  Nailing sya sa hindi kaaya ayang isiping iyon.  “Magsuot ka ng dilaw para swerte ngayong araw—”
“Bye po.” Mabilis na syang humalik sa pisngi ng ina at tumalikod na bago pa muling pigilang pumasok sa opisina ng mama nya.  “Uuwi ako ng maaga…” dagdag nya sa pag aalinlangan nito.  Ang mama nya ay mahigit sampung taon ng biyuda at ang tanging libangan ay ang gardening at pagbebenta ng mga alahas na sya ring nagtaguyod sa kanila.

Mabilis nyang iniabot ang bayad sa taxi driver at agad na bumaba ng taxi.  Muntik pa syang mahulog sa kanal nang umurong upang maisara ang pinto.  Hindi na sya nakapagreklamo sa driver na agad pinaharurot ang taxi nito.  Kanal?  Ipinilig nya ang ulo.  Hindi sya naniniwala sa hula. 
Hindi na sya nagpababa sa mismong building nila dahil mas matatrapik sya kung mag-U turn ang taxi.  Maaga syang umalis ng bahay ngunit mukhang mali-late pa.  Akmang tatawid na sya sa kalye nang isang humaharurot na itim na kotse ang paparating.  Sindak na agad syang napaurong.  Itim na sasakyan!  Diyata’t totoo ang pangitain ni Madam Gertrude!  Sa tagal na panahong pumupunta ito sa bahay nila ay hindi nya itinatanong  minsan man sa mama nya kung may nagkakatotoo sa mga hula nito sa ina. 
Hangga nang makapanhik sa opisina nila ay iniisip nya ang posibilidad na magkatotoo ang hula ni Madam Gertrude.  Hindi maari!  Hindi pa sya nagkakaboyfriend, never been touched at never been kissed sa edad na Bente Siyete.  Wala sa loob na sinulyapan nya ang opisina ng CEO.  Bagaman dumarating sya bago mag alas Otso, sigurado syang naroon na ang boss nila.   
Magdadalawang taon na sya bilang accounting assistant sa Teves and Teves Law and Accounting Office at magdadalawang taon na ring may lihim na pagtingin sa tagapagmana ng kompanyang iyon.  And why not?  Si Attorney Gio na yata ang pinakagwapong CPA Lawyer na nakilala nya.  Na malamang nang magsabog ng magagandang katangin ang Diyos ay planggana ang dala ng nanay nito.  
Inabala nya ang sarili sa harap ng computer at sandali pang nagulat nang mag alarm ang smartwatch.  Agad nya iyong pinatay at pasimpleng nilinga ang mga kasamahan.  Alas nueve y media naka-set ang alarm nya.  At hindi dahil para sa breaktime.  Nilinga nya ang pinto ng opisina ng CEO at agad ang pagtahip ng dibdib nang bumukas iyon.  Bahagya syang yumuko nang matanaw ang bulto ni Attorney Gio.  Iniikot nito ang tingin sa mga empleyado na tila may hinahanap at nagtama ang mga mata nila.  Nanlalamig na niyuko nya ang keyboard.   Hindi na yata sya masasanay sa epekto ng presensya ni Attorney Gio.  
“O magkape ka na rin…” nakangising wika ni Liza na katabing mesa nya. 
“Talaga namang breaktime na ah…” Between 9:30-10:00AM ang breaktime nila ngunit madalas ay nauuna si Gio sa pantry.  Ang ibang mga kasamahan naman din nya ay alas Diyes pa mga nagbi-breaktime.  “Saka hindi ako nag aalmusal..”
“Sus…” lalong lumuwang ang ngiti nito na inginuso pa si Attorney Gio na lumampas sa pwesto nila.   
Nang matanaw itong patungo na sa pantry ay agad nyang dinampot ang sariling mug.  Kahit nasosobrahan na sya sa kape, hindi nya sasayangin ang pagkakataon na makasabay ito sa pantry.  Kung gaano na sya katagal na empleyado rito ay halos ganoon na rin sya katagal na sumasabay sa pagpunta sa pantry ni Attorney Gio at mabibilang nya sa daliri ang mga pagkakataon na nakausap ito.  Madalas ay simpleng tango at ngiti lang ang namamagitan sa kanila.  She was too shy and nervous to start a conversation.  Ngunit kung ngayon ang katapusan ng mundo, kailangan nyang magsimula ng mapapag usapan. 
Pinigilan nyang mapasimangot nang datnang kausap nito si Atty. Debbie.  Nagtatawanan ang mga ito at mukhang hindi lamang sya ang nananamantala ng pagkakataong makasabay sa pantry ang binata.  Kumunot ang noo nya nang mapansin ang kulay ng dress ni Atty. Debbie.  Ang babaeng nakapula.
Sandali syang nag atubili bago humakbang palapit sa coffee maker.  Isa sa perks sa kompanyang iyon ang sosyal na coffee maker at unlimited na kape.  Dumampot sya ng coffee capsule at isinalang habang ang tenga ay alerto sa dalawang nag uusap.
“I can’t believe na wala kang girlfriend, attorney…” humagikhik pa si Attorney Debbie.  Tila pareho silang naghihintay ng sagot ni Attorney Gio na tumawa lang.  Hindi makatiis na pasimple nya itong nilingon at agad na nagbawi ng tingin nang makitang nakatingin din ito.
“I like someone…” anang binata na hindi nagbawi ng tingin.   Pinigil nya ang reaksyon at sa halip ay ibinalik ang atensyon sa coffeemaker.  Malabo naman talagang mapansin nito ang isang empleyadong tulad nya. 
“Oh..” gaya nya ay tila dismayado si Attorney Debbie.  Dinampot nya ang mug at akmang lalabas na nang lumapit sa ref si Attorney Debbie,  kinuha nito ang pitsel ng tubig at nang umusog sya para bigyan ito ng daan ay umusog din ito at nasagi nito ang hawak nyang mug ng kape.  Malakas syang napasinghap nang maramdaman ang init niyon. 
“Oh, sorry!” she doesn’t look apologetic at all.  “You should change first.” Tila pagtataboy nito sa kanya na tila upang masolo si Attorney Gio.  Napapahiyang napasulyap sya kay Attorney Gio na agad tumayo at lumapit.
“Do you have extra clothes?” tanong ng binata.
“Wala nga po.” Inilayo nya sa dibdib ang bahagi ng damit na nabuhusan upang hindi madikit sa balat nya.
“May extra company shirt ako sa office while you dry your blouse.  At kailangang malagyan ng ointment ang paso. ” tila totoong nag aalala ang ekspresyon nito.  “Come with me.”
Maliit syang ngumiti kay Attorney Debbie bago sumunod kay Attorney Gio patungo sa opisina nito.  Small wins are still victories.

Sa banyo sa opisina na rin sya ni Attorney Gio nagpalit ng kulay dilaw na company shirt.  Pinahiran din nya ng ibinigay na ointment  ng binata ang bahaging napaso.  Mabuti na lamang at hindi nabuhos lahat sa kanya ang kape.  Inaayos nya ang tuck in ng polo shirt sa palda nang matigilan. Lahat ng warning ni Madam Gertrude sa kanya ngayong araw ay nagkatotoo.  At kung totoo man na ngayon na ang katapusan, swerte rin daw ang kulay dilaw.   Tinitigan nya ang sarili sa salamin nang may panibagong determinasyon.   Mukhang totoo naman ang sinasabi ng mama nya na maganda sya.  Maliit ang kanyang mukha, bilugan ang mga mata, katamtaman ang tangos ng maliit na ilong at makipot ang labi na natural na kulay rosas.  The world will not end with her being a wimp.
“Attorney…” tawag nya nang makalabas ng banyo.  Nag angat ito ng tingin mula sa binabasa.
“Yes, Roxan?” pinigilan nya ang sariling iiwas ang mga mata.  It’s now or never.
“Can we date?  Pwede…pwede ba kitang maging boyfriend ngayong araw lang? Yung manghuhula kasi ni mama…” mabilis nyang sinabi ang mga pangitain ni Madam Gertrude.  Wala sa loob na niyuko nya ang sapatos nang may ilang sandaling katahimikan ang dumaan.  Talaga bang nasabi nya iyon sa binata?  Alanganin syang muling nag angat ng mukha rito, inaasahang nagpipigil ito ng tawa.  But Gio looked dead serious.  Na tila nagsu-solve ito ng accounting problem.  Ikinumpas nya ang kamay kasabay ng kabadong tawa.  “Forget it..I was just joking..” niluwangan nya ang ngiti nang lumalim ang kunot sa noo ng kaharap.  “Charot lang iyon, attorney.  Lalabas na po ako..” humakbang sya upang tunguhin ang pinto.  Ramdam nya ang pag iinit ng mukha mula sa kahihiyan.  
“At isang araw lang?” tanong nito bago nya tuluyang napihit ang seradura ng pitno.
“Ha?” nilingon nya ito.  Namali ba sya ng dinig o sinasakyan lang nito ang umano’y biro nya?
“Isang araw mo lang ako gustong maging boyfriend?” ulit nito.  His face unreadable. 
“Well..since ngayon na ang end of the world, walang forever.  So, technically, yes.”
“So, you like me?” sumandal ito sa upuan at humalukipkip.
“Uh-huh…” useless namang itanggi pa nya. 
Kumikislap ang mga matang tumayo si Gio at lumapit sa kanya.  Ginagap nito ang mga kamay nya.  “May kondisyon ako.  Kung hindi mangyayari ang end of the world ngayon, may I continue to date you and be your boyfriend simula bukas?”
“Ha?” niyuko nya ang mga kamay na hawak nito at gusto nyang tampalin ang sarili.  Muling bumalik ang atensyon nya sa tanong nito nang iangat nito ang mukha nya gamit ang isang kamay.  Tumikhim ito bago tila nahihiyang ngumiti. 
“I really like you but I don’t know how to tell you.  I’m the boss so it would be really awkward.”
“Really?” Hindi makapaniwalang tanong nya.   Hindi na napigilang tinampal nya ang pisngi at natatawang tumango ito bago dinampian ng magaang halik ang labi nya.  The kiss was short.  Na tila hangin lamang na dumampi sa labi nya at nais nyang magreklamo.   Tumawa si Gio na tila nabasa ang iniisip nya. 
“I’ll kiss you properly next time.”  Kinagat nya ang labi at napako roon ang tingin ng binata.
“Or maybe not..”
“Ha…?”
“May I kiss you again, properly?”    Tatanggi pa sya kung katapusan na ng mundo at wala ng bukas?
She moved an inch and closed the gap between them.  His lips warm and moist on hers.  Kissing her gently and slowly as if they have all the time in the world.  She let out a soft sigh when he gently bit her lower lip before  sucking.  And she wanted to protest when he stopped. 
“Let’s go?” tanong nito habang yakap pa rin sya. 
“Where?”
“Magdi-date.” Kumindat pa ito bago sya pinakawalan at iginiya palabas ng opisina.  Magkahawak kamay silang lumabas ng opisina sa kabila ng nagtatanong na tingin ng mga empleyado. 
They were together until the morning of October first.  The world didn’t end.  It got better.




DaydreamsWhere stories live. Discover now