Kinusot nya ang mga mata bago ilang ulit na tinampal ang sarili. Madaling araw na at kailangan nyang tapusin ang deadline ang manuscript na noong nakaraang linggo pa pina-follow up sa kanya. She had the worst case of writer’s block. Itinulak nya ng paa ang inuupuang swivel chair upang makalapit sa may pinto ng maliit na kwarto kung saan nakasabit ang kanyang malaking tote bag. Kinuha nya iyon at mula roon ay inilabas ang isang kaha ng sigarilyo. She quit smoking years ago ngunit nanatiling kasama sa laman ng bag nya ang kaha ng sigarilyo. Maybe because David smokes. Inipit nya ang isang stick sa pagitan ng mga labi at binuksan ang lighter. David again. Dismayadong pinatay nya ang sindi ng lighter at inihagis iyon sa kama kasama ng sigarilyo. Muli nyang itinulak ang swivel chair upang bumalik sa harap ng laptop. May ilang sandaling nakatitig lamang sya roon.
She was in the last two chapters of her story nang malaman nyang nagpakasal sa iba si David. David who was her boyfriend of Four years. David who promised to marry her and grow old with her. They did not even break up and the news of his wedding shocked her. Hindi inilihim ni David sa kanya na ipinagkasundo na itong ipakasal sa iba ng mga magulang nito bago pa sila naging magkarelasyon. Mula sa konserbatibong pamilyang intsik si David at normal sa mga ito ang arranged marriage ngunit nangako ito sa kanyang gagawan nito ng paraan na hindi na matutuloy iyon. So imagine her shock nang makita sa isang magazine ang larawan nito kasama ang bride. He didn’t even bother to explain at napagod na syang humingi ng paliwanag nito as he won’t even answer her calls.
Tumingala sya sa kisame na tila naroon lahat ng kasagutang hinahanap nya. She could not even cry. Gustuhin man nyang umiyak ay tila ayaw pumatak ng mga luha nya. Napaigtad sya nang kumisap ang ilaw bago namatay. Brownout?
Maingat syang tumayo at lumapit sa bintana upang sumilip sa labas ng tinutuluyang apartment. Alas dos pasado na ng madaling araw at tahimik na ang kalsada maliban sa tindahan ni Aling Emma na bukas pa rin at may mga tambay na ilang kabataan. At may ilaw. Sandaling kumunot ang noo nya. Nakalimutan na naman ba nyang magbayad ng kuryente? Nasa ganoon syang pag iisip nang makarinig ng tila may tao sa ibaba ng dalawang palapag na apartment. Ang kapatid nyang dating kasama nya sa inuupahang apartment ay nagtungo na sa Dubai upang doon magtrabaho at magdadalawang taon na syang mag isa roon. Napapitlag sya nang muling sumindi ang ilaw at muling nakarinig ng kaluskos. Sa pagkakataong ito ay mga yabag iyon na tila papanhik sa hagdan. Nagmamadaling binalingan nya ang tote bag at mula roon ay kinuha ang pepper spray. Nanlaki ang mga mata nya nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kabilang kwarto. Iginala nya ang mga mata upang hanapin ang cellphone. Akmang kukunin nya iyon mula sa bunton ng mga unan nya nang marinig ang pagpihit ng knob. At dahil nag iisa naman sya sa apartment ay hindi nya pinagkaabalahang ilock iyon. Napasiksik sya sa sulok nang bumukas iyon at tumambad ang bulto ng isang lalaki. Mula sa putikan nitong bota ay umangat ang tingin nya sa suot nitong itim na kapote na tumutulo sa sahig. He removed his hood and stared back at her.
“Wag kang lalapit..” itinutok nya rito ang pepper spray kasabay nang muling pag urong. His eyes were dark and his smile menacing.
“Ikaw ba ang may akda?” humakbang ito palapit.
“May akda?” nadagdagan ang kaba nya nang maramdaman sa likod ang pader. Muling humakbang ang lalaki at wala na syang uurungan.
“Ang manunulat. Ikaw ba ang manunulat?” Iginala nito ang tingin sa paligid ng kwarto at napakunot ang noo nya nang mapansin ang tattoo sa may leeg nito.
“Sino ka?” muling bumaling ang tingin nito sa kanya.
“Hindi mo ako kilala?” tuya nito. May kahabaan ang buhok nito na umabot hangga batok. Matangkad at kayumanggi. Makapal ang kilay nito at sa ibabaw niyon ay tila may malabong peklat mula sa hiwa ng patalim. Matangos ang ilong at pangahan ang mukha. The man is dangerously attractive at hindi nya maipaliwanag na tila kilala nya ito. Hinubad nito ang kapote at nalantad ang marumi at basang tshirt na ibinabakat ang malapad nitong dibdib. Napasinghap sya nang sunod nitong hubarin ang tshirt.
“Anong ginagawa mo?” Muli nyang itinaas dito ang hawak na pepper spray. Nanunuyang ngumiti ito bago tumalikod sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nya nang makita ang tattoo nito mula sa may bahagi ng batok at buong likod.
Wala sa loob na humakbang sya palapit at inilapat ang daliri sa tattoo nito. Mabilis itong humarap sa kanya at kinuha ang kamay nya. Sinikap nyang kumawala ngunit malakas ito. Itinaas nya ang isang kamay na may hawak na pepper spray at akmang gagamitin iyon ngunit nahawakan din nito iyon. Nahulog ang pepper spray sa sahig at malakas syang isinalya ng lalaki sa pader. Their bodies touching, his breathing ragged. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang unti unting pagbabago ng kulay ng mga mata nito. From black to golden.
“Ziro…” she whispered. Tila nalilitong kumurap ang lalaki bago lumayo sa kanya. Dinampot nito ang tshirt at muling isinuot. She watched in amazement. Si Ziro ay isang main character sa librong isinusulat nya para sa isang online platform. Ngunit hindi pa tapos iyon dahil gaya nga ng sabi nya, she had the worst case of writer’s block. Natigilan sya. Ziro is a villain. “Wait..” lumapit sya rito at sinipat ang tagiliran nito. May sugat doon na tinakpan lamang nito ng tela na hindi nya sigurado kung malinis. “Kailangang malinis ang sugat mo..”
Hinaklit nito ang braso nya ngunit agad ding binitiwan na tila napaso. “Ikaw ang manunulat, sabihin mo sa akin kung paano ako makakawala sa sumpa ng pagiging lobo.” Hindi nya inaasahan iyon.
“You wanted power…you wanted the throne..bakit mo gugustuhing makawala sa pagiging lobo?”
“Hindi ako kayang tanggapin ni Veronica.”
Naguguluhang naupo sya sa gilid ng kama. Ang karakter ni Ziro ay sakim at ganid sa kapangyarihan. Ang tanging nais nito ay ang pamunuan ang lahat ng pangkat ng mga lobo. “Paano ka nagdesisyon ng ganyan? Hindi iyan ang isinulat ko…”
“Hindi mo alam ang kasagutan?”
“Ni wala pa nga sa kalahati ang kwento ng istorya mo—I mean ni Veronica at ni Darius.” Tumiim ang mukha nito. “Sila ang bida sa istorya…sila ang magkakatuluyan.”
“Baguhin mo.”
“I can’t do that..gaya nga ng sabi mo, hindi ka kayang tanggapin ni Veronica.”
“Pero bakit si Darius ay kaya nyang tanggapin?” si Darius ay may dugong lobo rin ayon sa kwento ngunit lumaki sa normal na pamilya.
“Dahil parehas sila ng kinalakhan?” May palagay syang iyon ang pinakamagandang eksplanasyon dahil si Veronica at Darius ay magkababata.
“Napakawalang gana ng istorya mo.” Prangkang wika nito bago hinawakan ang sugat at napangiwi.
“Linisan natin ang sugat mo.” Muli nyang wika at kinuha ang first aid kit sa drawer. Tinapik nya ang katabing espasyo at naupo ito roon. Lumuhod sya sa may tagiliran nito at tinanggal ang telang ipinatong nito roon. Marahan nyang dinampian ng alcohol iyon upang linisan at magaang hinipan. Narinig nyang nagpakawala ng sunod sunod na mura ang lalaki at nagtatanong ang mga matang tiningala nya ito. His eyes were golden na tila nag aapoy. Bahagya syang napaurong. “Are you going to shift?”
“Hell, no.” tila galit na wika nito.
“Bakit nagpapalit ng kulay ang mga mata mo?”
“Hindi ba dapat alam mo?” napalunok sya. Base sa kwento nya, there are three factors why his eyes change colors. First, if he’s about to shift. Second, if he senses danger nearby. And Third, if he’s sexually aroused. It couldn’t be the Third reason, right?
Tumikhim sya at akmang muling pupunasan ng alcohol ang sugat nito ngunit inagaw nito ang cotton swab at ito na mismo ang nagdampi.
“Paano ka nakarating dito?”
“Hindi ko alam.” Masungit na sagot nito.
Tumayo sya at lumapit sa computer. “I need to find out kung paano ka nakarating dito upang makabalik ka…”
“Alamin mo rin kung bakit—” huminto ito na tila nag alinlangan at nilingon nya ito. “…kung paano mo akong naaapektuhan..” nag iwas ito ng tingin. So it was the Third reason? Ramdam nya ang pag iinit ng mukha nang muling balingan ang computer. Kumunot ang noo nya nang hindi makita ang file ng kwento nito. Hinanap nya ang flashdrive sa drawer at isinaksak.
“Nawawala…” nilingon nya ito na matiim na nakatingin sa kanya.
“Paanong nawawala? Gumawa ka ng bagong kwento.” Asik nito.
“Sabi mo nga, manunulat ako. Hindi utusan.” Inismiran nya ito. “Kailangan ko ang lumang file..” binuksan nya ang online account at nakahinga ng maluwag ng makita roon ang kwento ngunit muling kumunot ang noo. “Tapos na ang kwento..” lumapit ito sa tabi nya at nakibasa basa.
“Ang sabi mo hindi pa tapos..” akusa nito.
“Hindi ko rin alam..” hindi nya maalalang natapos nyang isulat ang naturang kwento.
Dismayadong muli itong naupo sa gilid ng kama. Nakikisimpatiyang itinulak nya ang inuupuang swivel chair at lumapit dito. Wala sa loob na ginagap nya ang kamay nito at naramdaman nya na tila natensyon ito. Alanganing binawi nya ang kamay.
“What if I can’t go back?”
“Nabasa mo ang ending, hindi ba?” tumango ito. Nagkatuluyan si Veronica at si Darius samantala ito ay tila bulang naglaho sa kagubatan kasama ang pangkat ng mga lobo. Walang makapagsabi kung buhay ito o namatay. “And yet you wanted to go back?”
“The pack needs me.”
“Maybe…pero narito ka ngayon..maaring may mas malalim na dahilan kung bakit ka narito ka ngayon.”
He scoffed. “Sa palagay mo ba ay matatanggap ako ng mundong ginagalawan mo…”
“You don’t feed on people’s blood…that’s the biggest factor para makayanan mong tumagal dito..”
Hinila nitong palapit ang swivel chair nya at nakulong sya sa mga bisig nito.
“How sure are you that I will not devour you..?” his eyes changed colors. Sigurado na sya sa dahilan ng pagpapalit ng kulay ng mata nito.
“I’m sure…” mahina nyang wika. Matiim syang tinitigan ng lalaki bago pinakawalan ang swivel chair. “I can help you.”
“I can stay here?” iginala nito ang tingin sa silid.
“Hangga gusto mo..”
Tumango ang lalaki. May anino ng ngiti sa labi nito.
“By the way, I’m Jeana.” Inilahad nya ang kamay na tinanggap nito.
“I’m Ziro.” It felt like a new beginning not just for him but also for her.
YOU ARE READING
Daydreams
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are all products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons and events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced or utilized in any form...