Ilang sandali syang natigilan bago wala sa loob na ibinaba ang lata ng beer.
“I’m getting married.” Ulit ng kaharap.
“I heard you the first time.” Tuluyan nyang inubos ang natitirang beer. “So, when’s the big day?”
“Sa weekend.” Tila kumislap ang mga mata nito kasabay ng maluwang na ngiti. Parehas silang nurse ni Darwin sa isang sikat na hospital and they’ve been fuck buddies for almost a year.
Inis na kinipit nya ang kumot sa hubad na katawan upang tumayo at magbihis.
“Are you leaving already?” nabawasan ang ngiti nito. “Why don’t we stay the night…padespedida mo na sa akin.” Tudyo nito. His dimples showing.
“You know we don’t stay the night.” Sarkastiko nyang wika. Sa tuwina ay nagtatagpo sila dalawa o tatlong beses sa isang linggo sa isang hotel. Pinulot nya ang mga damit bago muli itong nilinga. “And you should have told me sooner…”
“Nagseselos ka na ba?” hindi miminsang ipinaramdam nito sa kanya na palalimin pa ang kanilang relasyon. But no, after two failed relationships, hindi na nya gustong magkaroon pa ng malalim na relasyon kaninuman. She prefers a no string attached relationship gaya nito. The sex is still mindblowing without any emotions involve.
“No, you should have told me sooner para sana ay hindi na ako nakikipagkita sa iyo for the past months. I can’t imagine you having a girlfriend and still fucking me.” Hindi na nya itinago ang inis. She allows this kind of relationship as long as wala silang tinatapakang tao.
“Gwen…” tumayo ito upang abutin sya ngunit umiwas sya. “I’m sorry…I just can’t give up on you…” may lungkot na dumaan sa mga mata nito. She should have noticed sooner. They should have stopped sooner.
“And I’m sorry…I made you cheat on your girlfriend-- soon to be wife…” she sighed. “Goodbye, Darwin. I had a great time.”
Malungkot na tumango ang kaharap. “Me, too. I will miss you…”
“Don’t say that..” matabang syang ngumiti bago tumalikod na patungo sa banyo.
Nakasimangot na isinara nya ang dating app. It has been more than a month mula nang magpakasal si Darwin at ganoon na rin sya katagal na walang ka-sex. She needed the release na hindi kayang ibigay ng sex toys nya. Or maybe she needed a warm body. She tssked. Hindi nya gustong isiping na-attach din sya kay Darwin gaano man nya pinigilan. Bagaman nagkikita pa rin sila sa pasilyo ng hospital ay simpleng tango at ngiti na lamang ang namamagitan sa kanila. It ended well and he’s happy now. Wala syang gustong pagsisihan sa mga naging desisyon nya. Kung mag isa man sya ngayon, it was her choice.
Habang nakayuko pa rin sa cellphone bitbit ang mainit na cup noodles mula sa counter ay humakbang sya palabas ng convenience store. Malapit iyon sa tinutuluyan nyang condo. It was past dinner time at tinatamad na rin syang magluto o magpadeliver ng pagkain.
“OUCH!” she exclaimed nang bumangga sa bultong papasok ng convenience store at mabuhos sa kanyang dibdib ang halos kalahati ng laman ng cup noodles.
“You’re not looking..” malamig na wika ng kaharap. Inis na nag angat sya ng tingin. The man is tall and attractive despite the eyeglasses. He looks somewhat familiar.
“Yes I am not looking but you’re supposed to say sorry—FYI, mainit at mahapdi ang paso!” Hindi nya napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses dahil sa nararamdamang hapdi. Bahagya nyang inilayo sa dibdib ang nabasang blusa.
“Come on..” iginiya sya nito palabas ng convenience store.
“Wait—”
“Let me treat your burns..” bumaba ang tingin nito sa dibdib nya ngunit wala syang nakapang malisya.
Huminto sya at nameywang. “Saan mo ako dadalhin? At doctor ka ba para may malaman ka pang treat treat?”
“I live nearby. And yes I’m a doctor.”
“I also live nearby..at hindi mo kailangang maabala..” napangiwi sya at muling bahagyang iniangat ang blusa mula sa dibdib.
“Your place or mine?” his baritone voice is unnerving.
Napakurap sya. “What?” agad ang tila reaksyon ng katawan nya. Pasimple nyang ipinilig ang ulo.
Dumukot sa bulsa ang lalaki at mula sa wallet ay inilabas ang isang calling card upang iabot sa kanya. Atubiling kinuha nya iyon at binasa. Dr. Gregg Sarmiento, plastic surgeon.
“You can trust me.” He smiled showing a perfect set of teeth and a shallow dimple on his left cheek.
“Nasa 10th floor lang ang unit ko…” wika nya habang iginagala ang tingin sa maluwang na condo ng lalaki. Nasa 6th floor iyon at doble ang sukat sa unit nya.
“Let’s take off your blouse.” Napabaling ang tingin nya rito. May medicine bag itong hawak.
“Oh.” Alanganing binuksan nya ang butones ng blusa nya at tinulungan sya nitong hubarin iyon. Doktor ito at hindi nya kailangang mahiya. Magkaharap silang nakaupo sa malaking sofa at matapos linisan ang napasong bahagi ay magaan nitong pinahiran ng ointment iyon. Magaan ang dampi ng daliri nito mula sa dibdib nya hangga sa may bahaging tiyan. Bahagya syang napasinghap nang yumuko ito sa may bahaging tyan. His fingers light and yet it felt like a foreplay. She felt hot at hindi mula sa natapong cup noodles sa dibdib nya iyon. She felt her nipples tightened and worried he might notice. Tumikhim sya at tumuwid ng upo. He straightened up and met her eyes. “I should go…thanks.” Hindi nya gustong mapansin nito ang biglang pagkailang nya sa presensya nito. Hindi nya gustong mapahiya kung malalaman nito ang sari saring emosyon na nararamdaman nya.
“I should buy you your dinner…”
“Huh?”
“Ang natapong cup noodles, hindi ba dinner mo iyon?”
“Ah, yes, but it’s okay. Hindi ko gustong maabala ka pa.” binalingan nya ang nabasang blusa ngunit hinawakan ng binata iyon.
“I’ll get you something to wear.” Tinungo na nito ang silid bago pa sya nakasagot. Niyuko nya ang cellphone nang muling tumunog ang notification sa dating app.
“You should wear this.” Anang lalaki na hindi nya namalayang nakayuko rin sa cellphone nya. “You’re into dating app? I’m surprised that you’re single.”
She laughed without humor. “This is actually a first and I intend to delete this app right after I—” natigilan sya. Too much information.
“Right after what?”
“Right after I get what I need..”
“And what do you need?” napapasong nag iwas sya ng tingin sa lalaki. Why is she feeling this way?
“A fuck..” she mumbled before hastily putting on the shirt. “I should go..thanks.” tumalikod na sya patungo sa pinto. She’s way out of his league at nakakahiya ang tinatakbo ng isip nya.
“Hmm..a fuck..” hindi nya inaasahang narinig ng malinaw iyon ng kaharap. “Interesting…” nilingon nya ito. His eyes gleamed with lust.
“Are…are you interested?” she bravely asked. Gusto nyang batukan ang sarili. Sa dami ng magagandang personalidad na maaring nakilala nito ay maaring pangkaraniwan na lamang ang mukha at pigura nya.
“What if I am?” he lazily surveyed her body. Hindi nya maipaliwanag na tila bigla syang tinubuan ng hiya sa kaharap. Afterall, they were strangers.
“I should..go..” nag iwas sya ng tingin. “Thanks.” Mabilis na nyang tinungo ang pinto at tila habol ng multo na lumabas.
Mahigit isang linggo na ang insidenteng iyon ngunit madalas pa rin nyang maisip ang lalaki. She deliberately lost her chance because surprisingly, she felt vulnerable with him. At hindi nya gusto ang damdaming iyon. She wanted to be in control of her feelings at all times.
“Ho?” nailing ang kaharap na matandang doctor na tila wala sya sa sarili.
“Samahan mo ang pasyente sa clinic ni Dr. Sarmiento, sa medical arts building.”
“Ako ho?”
“May iba pa ba akong kaharap na nurse ngayon?” masungit na wika ng matandang doctor. Binalingan nya ang batang pasyente na may 2nd degree burn at nginitian ang matandang babae na syang tanging kasama nito. Pasyente nila ito noong nakaraang buwan at bumalik na lamang para sa check up ng natuyong paso. Isinuhestiyon ng doctor na sumailalim ito sa reconstructive surgery.
Natigilan sya nang bumungad sila sa clinic. Bakit nga ba Nawala sa isip nya na ang lalaking laman ng isip nya ay doctor at ito ang Dr. Sarmiento na kaharap nya ngayon. Pinigil nyang mag iwas ng tingin sa halip ay bumati at iniabot dito ang records ng pasyente.
Sandaling kumunot ang noo ng lalaki bago binalingan ang pasyenteng nakaupo sa wheelchair. Hindi na ba sya naaalala nito?
“Sa labas na ho ako maghihintay.” Tinungo nya ang waiting area at huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili. Halos trenta minutos bago natapos ang check up. Nagulat pa sya sa medical attendant na pumanhik.
“Ako na ang maghahatid sa pasyente sa lobby.” Anito sa sekretarya na nalaman nyang nagpatawag dito. “Saka off duty ka na, di ba. Ini-extend ka ba?” baling nito sa kanya.
“Ah hindi…sige..mag-a-out na rin ako..”
“Pinapatawag ka ni Dok Gregg.” Pigil sa kanya ng sekretarya.
Alanganing ngumiti sya bago muling bumalik sa loob ng clinic.
Tila malalim ang iniisip ng lalaki, nakakunot ang noo nito habang pinapaikot sa mga daliri ang ballpen.
“Pinapatawag nyo ho ako…” tumango ito at sinenyasan syang maupo.
“I didn’t like the way you left me last time..” walang kangiti ngiting wika nito.
“I…I’m sorry…”
“I want to pick up where we left off.”
She laughed nervously when he stood up and occupied the chair across hers.
“What are you doing..” pigil nya nang hilahin nito ang upuan at makulong sya sa pagitan ng mga hita nito.
“Will you still deny this chemistry between us?” hinaplos nito ang mukha nya at napigil nya ang hininga. “You tormented me for the past days…” ang daliri nito ay humaplos sa labi nya bago bumaba sa baba nya at sa punong leeg.
Napalunok sya kasabay ng pag ipit ng mga hita. He smiled knowingly at her reaction. Ang isang kamay nito ay lumapat sa hita nya samantala ang mga daliri ay patuloy na hinahaplos ang gilid ng leeg nya.
“Say yes…” tila may pakiusap na wika nito. “I won’t accept a No this time..”
“I don’t..” she felt torn between lust and caution for this man.
Napasinghap sya nang lumapit ang mukha nito sa kanya. Itinukod nya ang mga kamay sa dibdib nito upang itulak ito ngunit tila may sariling isip ang mga kamay na damhin ang matipunong dibdib ng lalaki. Napapahiyang ibinaba nya ang mga kamay sa kandungan.
Marahang natawa ang kaharap bago sinapo ng dalawang kamay ang mukha nya.
“I’m going to kiss you.” May determinasyong wika nito bago mapusok na inangkin ang labi nya. It was less than a second before she responded with the same passion. Tila naipon sa halik na iyon ang pangungulila sa nagdaang mga araw.
“Say yes..” anitong bahagyang inilayo ang labi upang lumipat lang sa punong tenga nya.
“I ..don’t know..” napaungol sya nang marahang kagatin ng binata ang tenga nya.
“What won’t make you say yes…” huminto ito sa ginagawa at tinitigan sya.
She wanted to be honest. “You..you bother me—in a good way, I guess. Na hindi dapat.” Umangat ang kilay nito. “I know you want a no-string attached relationship at …nag aalala akong hindi iyon ang gusto ko..” she laughed without humor. “I guess, afterall, I want the complexity of relationships.” Hindi rin sya makapaniwalang iyon ang totoo nyang nararamdaman para rito. It’s crazy.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan at sigurado syang nagbago na ang isip nito. “I should go..” sinubukan nyang lumayo rito ngunit hindi sya pinakawalan nito.
“So iyon ang dahilan ng pag iwas mo…” he looks somewhat relieved. “I thought you weren’t attracted enough.”
“You’re a good catch…” wika nya na tinawanan nito.
“Then let’s try that complexity that you wanted..”
“What?” naiintindihan ba nito ang sinabi nya?
“Whatever you want…weekend dates? Anniversaries? Flowers?”
“Are you serious?”
“Whatever you want, everything that you want… I want them, too..”
“You’re crazier than I am..”
Nagkitbit balikat ito. “I guess, I’m crazy for you.” It was spoken nonchalantly but she could see the sincerity in his eyes.
“So…when do we start?” she felt excited to start something new with him.
“How about now?” wika nito bago sya muling hinagkan. Yes, right now seems perfect.
YOU ARE READING
Daydreams
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are all products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons and events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced or utilized in any form...