Busy ako sa pagbabasa sa mga papeles nang pumasok si Claudia sa opisina.

"What is it?" tanong ko nang hindi tumitingin.

"Ma'am may problema daw sa Factory Three sabi ni Sir Erning."

Tumigil ako sa ginagawa at hinilamusan ang mukha. I have been expecting this yesterday.

"Fire away," utos ko.

"Naubos daw ang materyal na ginagamit nila. Sa thursday na raw ang schedule nun pero sa thursday din daw darating ang mga materyales."

Bumuga ako nang marahas at sinilip ang ilang folder sa gilid.

"Tell him to use soft plastic instead. Or kung may mas maganda siyang naiisip, tell him to improvise with that."

Sa dami ng iniisip ay hindi na ako makapagfocus sa trabaho. Normally, I would give them the exact material pero ngayon ay blangko ang utak ko.

Tumango siya at tangkang lalabas na nang muli akong nilingon.

"Note ko lang po. 'Yung schedule niyo with Mr. Freños ngayong umaga. Ten po. Tsaka 'yung wedding ni Ms. Deborah later ng three."

Ngumuso ako. Right. Muntik ko nang makalimutan sa dami ng iniisip ko.

Tumayo agad ako at kinuha ang blazer.

"Ikaw na muna ang bahala rito," sabi ko kay Claudia.

"Yes po ma'am!"

Mr. Freños? Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang may-ari ng Bahay. Ang sikat na hotel na mukhang sinaunang mga bahay na hiwa-hiwalay. Kung gayon nga ay sobrang malaki ang deal na ito.

Tama nga ang hinala ko nang makita ang disenyo ng lugar. Isang oras at kalahati ang naging byahe bago ako nakarating sa Bahay. The place made me gawk in awe. Pakiramdam ko ay bigla akong napunta sa sinaunang panahon.

May lumapit sa'king mga lalaking naka-unipormeng pang-indio.

"Binibining Sanchez..."

I wiggled my eyebrows in amazement.

"Yes."

Agad niya akong inilibot sa paligid bago sa huli ay dinala sa isang parke. Halos mapuno na ang cellphone ko ng mga litrato. Nahiya lang akong magpakuha kaya't puro ang Bahay lang ang mga iyon.

Malawak ang parke pero may isang part na mukhang ekslusibo lang sa isang tao.

A man in his suit is sitting at a chair in the middle of a mini graden full of white roses. Tumayo ito nang mapansing may paparating.

"Ms. Sanchez! It's nice to finally meet you. The rumors are all lies! You're way prettier in person," masiglang aniya.

Nagkibit balikat lang ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya. Nagulat ako nang sa halip na tanggapin ay hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"Oh..."

"Let's sit," paanyaya niya.

Hindi man ako kumportable ay umupo na lang din ako. I never thought that the owner would be...very accommodating.

Iminuwestra niya ang tsaa sa harap ko. Umiling ako.

"I don't really like teas."

"Well, what do you like? In men?"

Sasagot na sana ako pero natigilan lang dahil sa dinugtong niya. Napabuntong hininga na lang ako. So this is why he asked for me in person kahit pa maayos naman nang napag-usapan ng mga lawyers namin ang kontrata

"I like milk tea. I don't like men," simpleng sagot ko na ikinanguso niya.

"Why?"

"Why milk tea?" ngisi ko.

90% ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon