I tried to look firm before slightly pushing him away. Paths crossing?

"A-Ano bang pinag-iisip mo riyan? What are you? A high school guy confessing his puppy love?" I joked although a part of me wished he would agree.

Huh? Agree? Ha. Ha. Ha. Genesis Victoria, get a hold of yourself.

Nakuha ko pang tumawa para malaman niyang hindi ko sineryoso ang iniisip niya.

His eyes lingered a bit in mine before turning away.

"I was just kidding. Saan ka ba pupunta?" pag-iiba niya ng topic.

Medyo natigilan ako dun. He's just kidding. Right.

Kinuha niya ang susi at ipinakita sa'kin.

"I don't have my car with me. Are you gonna be fine with riding my bike again?" tanong niya.

The thought excited me to the point that I even jumped two times. Natawa siya sa naging reaksyon ko at hinampas ko lang siya.

"Hold on tight, madame," paalala niya.

Hindi ako nagsalita at ginawa na lang ang sinabi niya.

I am really thankful that I chose to wear slacks today. Malaya akong nakaupo sa paraang gusto ko. Although I find our position touchy, wala na akong magagawa. Alangang umupo ako sa dulo ng motor para lang hindi kami magkadikit?

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa Lucent.

Tiningala niya ang three-storey na building.

"You work here? Gumagawa ka ng furnitures?" usisa niya habang nakasakay pa rin sa motor.

Inayos ko ang nagusot na formal attire.

"Ahm...you can say that," I humbly replied.

Ngayon lang yata sa tanang buhay ko ako nahiya sa bagay na naipundar ko. Or more likely, I don't know his status in the society so I'm a bit afraid to tell him of my accomplishments.

Inilahad niya ang kamay at takang tinignan ko naman iyon.

"Phone," utos niya.

Wala sa sarili ko namang ibinigay iyon. Ibinalik din niya agad pagkatapos ng ilang segundo.

Muli ay binuhay niya ang big bike.

"That's my number. Tawagan mo lang ako kapag naisipan mo nang ibalik ang blazer ko." Mapaglaro niya akong tinignan. "You can also call me if ever you left your wallet again. Tawagan mo lang ako."

Just like that, he left. Natulala pa ako bago nabalik sa wisyo. I bit my lips to stop myself from feeling too much.

Agad kong nisave ang numero at maingat na inilagay sa bulsa ang cellphone.

What am I doing?

Natawa na lang ako sa pinaggagagawa. Pumasok ako ng building at ang kaligayan ko ay agad ding naglaho sa panauhing dumating.

"Genesis," tawag ni mommy sa'kin.

Bumuntong hininga ako at nilapitan siya.

"I know you're mad pero para sa'yo rin naman ito. You're getting old. Successful ka naman na. The only thing you lack is a man," aniya nang tuluyan kaming makapasok sa opisina ko.

Umiling ako.

"I don't need a man. At anong old? Bata pa ako mommy. I still have a long way to go. Marami pa akong pangarap at hindi pa kasama sa listahan ang pagpapakasal," giit ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Claudia na may dalang isang tasa ng kape. Agad ding lumabas pagkatapos.

"Also, I don't know the guy."

90% ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon