Napanganga ako lalo na nang nilapitan niya ako. Nakaputing shirt siya at faded jeans. Hawak niya ang isang itim na jacket.

"A-ahmm...good morning?" litong panimula ko.

Kinunot niya ang noo at pinagkrus ang mga braso. He looked at me with both curiosity and worry.

"What?" kabadong tanong ko.

Titig na titig siya samantalang pasulyap sulyap lang ako.

"Did you...call me last night?" nagdadalawang-isip niyang tanong. "Did you?"

Nangapa ako ng sasabihin. It wasn't actually a question. It sounded like he's asking a statement he already knew was right.

I played with my fingers behind.

"It was an accident. N-Napindot lang," paliwanag ko.

"Really?"

Kinunotan ko siya ng noo.

"Oo." What else could it be then? It's not like I'll call him in the middle of the night. We're not even friends!

Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok. Hinilamos niya ang mukha at sandaling nanatili ang kamay sa noo bago iyon inalis.

"Hindi ko nasagot kagabi kasi naiwan ko ang phone sa kwarto ko. Nung binalikan ko na ay tsaka ko lang nakita ang call. Sorry. Unregistered number ang tumawag and I initially thought it was you. Ikaw pala talaga," paliwanag niya.

Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere para patigilin siya.

"Uy! Hindi mo kailangang magpaliwanag. As I've said, aksidente lang naman 'yung call. Ako pa nga ang dapat magsorry because I got you worried. And...shit...uhm...I forgot to reply pala kasi may mga inasikaso ako kanina," awat ko sa kanya.

I got him worried, right? Nakakahiya talaga!

"Well, I thought something bad happened to you," aniya.

Is this what they call the butterfly effect? Iyong pakiramdam na parang may nagwawala sa loob mo? Something beautiful and too much?

"Sigurado kang ayos ka lang? Bakit ba gising ka pa ng ganoong oras?" pagpapatuloy pa niya.

Bumuga ako ng marahas at iniwas ang tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang nararamdaman ngayon.

Nilagpasan ko siya at hawak ang dibdib ay pumasok sa supermarket.

"Hey!" tawag niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Kumuha ako ng basket at parang robot na naglakad patungo sa loob.

"Gennie!" sigaw niya at gulat na nilingon ko siya.

Napanganga ako at ginamit niya ang pagkatigil ko para malapitan ako.

"Why did you suddenly leave?" kunot noong tanong niya.

Napaturo ako sa kung saan.

"Ahm...gutom na ako eh," palusot ko.

"Well, wow. Pati breakfast, chips pa rin?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Nilingon ko ang naturo at sa chips section nga. Umiling ako at itinuro na lang ang bread section. Tumango siya at nagpamulsa.

"Pero Gennie? Talaga?"

I gave him a weird look kahit pa halos maghuramentado na ako.

He stifled a laugh before pouting slightly. "Well, you wouldn't look at me. I needed to get your attention somehow."

"Ang bantot!" angal ko.

"Huh? Where? Wala naman? It actually smells like lavender in here," aniya.

Nagulat ako dun.

90% ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon