10

1 1 0
                                    

Pinaglaruan ko ang juice na hawak.

"So you live here," he stated.

Tumango lang ako. Kakarating lang namin sa tapat ng tinitirhan ko. I have never thought that my decision to live here instead of a condo unit will be a good thing for me.

Well, to be honest, hindi rin naman kumportable sa malaking bahay. One reason why I left home.

Namuo ang katahimikan sa kotse. Clearly, wala pa akong balak bumaba pero ayokong aminin sa kanya ang dahilan. I like his presence and I like sitting here.

Oh now I sound like a giddy high school girl trying to be close to her crush!

Palihim kong sinampal ang sarili sa kanang pisngi. Fortunately, hindi niya napansin.

Napatingin ako sa kamay niya nang abutin niyon ang button ng stereo. He turned it on. Muling tumugtog ang Earth Angel. Dahan dahan niyang nilakasan hanggang sa tamang volume.

"I like that song a lot dahil sa meaning niya. Now, that's kind of cheesy," tawa niya. "When I was a kid, nagustuhan ko lang siya dahil kanta siya sa Back to the Future. It kind of gave me the eargasm. Biruin mo, at my young age, iyan ang pinapakinggan ko not even knowing what it means."

I snickered at his confession. I know the feeling.

"Actually, I like Westlife's version of I have a dream. 'Yung tono lang talaga 'yung gusto ko nun. When I went to high school, narealize ko 'yung meaning niya at mas lalo ko lang nagustuhan," kwento ko rin.

Another moment of silence happened. Hindi ko ba alam pero kahit na ganito ay kumportable ako.

"I guess people like the things that they don't understand," wala sa sarili kong sabi.

Nilingon niya ako. Napatingin din ako sa kanya.

"Maybe it's the thrill of the unknown?" aniya.

Ngumiti ako at binuksan na ang pinto.

"Thank you for tonight. Pasok na ako. Good night," paalam ko.

"Good night," he whispered.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Habang papalayo sa kotse ay unti unti kong inilapat ang kamay sa dibdib, dinadama ang mabilis na kabog nito.

Hindi ko narinig ang makina so I did not dare look back. Nang tuluyang makapasok ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi na ako sumilip pa at sumakay na sa elevator. I clicked the twelfth floor.

Lumagpas na ang limang minuto at siya pa rin ang iniisip ko. Muli kong naalala ang sinabi ko kanina. The way I said 'friends' and the look in his eyes when he did not answer.

Halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano ba ang ibig sabihin non.

"What is it?! Does he like me? Does he not? Ayaw ba niyang maging kaibigan ko? Ugh!" hinaing ko.

The night unfortunately felt long. Torture iyon sa akin dahil hindi ako makatulog ng maayos. Naglakbay ang isip ko sa mga nangyari pero parati ay mauuwi sa hindi niya pagsagot sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung paano pero nagising ako kinabukasan na pagod ang mga mata. Pakiramdam ko ay sumabak ako sa giyera. Buong akala ko nga ay hindi ako makakatulog.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Habang nagbibihis ay naligaw ang tingin ko sa blazer na nakasabit.

"Nakalimutan ko pala..."

Napaisip ako bigla. Sometimes, the good things are behind the bad situations.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

90% ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon